Chapter 2

1 0 0
                                    

Patricia


Putek ang aga aga akong ginising ng katulong namin eh 8 pa naman ang klase ko!


Pagbaba ko nang hagdan nakita ko ang parents ko at ang mga kapatid ko sa dining table na nag aagahan na, hays time to act like a lady na naman!


"Good morning princess."


Princess?  Kingina ang laswa! Binati ko na lang din sila tsaka binigyan ng pilit na ngiti.Umupo na ako sa upuan tsaka nagsimulang kumain. Ganadong ganado na ako sa pagkain ko ng agahan ng biglang nagsalita si mommy.


"Pat why are you wearing jeans? You should act like a lady and wear some beautiful dresses." Tsk here we go again.


"Mom mas comfortable po akong gumalaw sa jeans eh." I smiled sweetly and tiningnan si dad para tulungan niya ako.


"Hon hayaan mo na ang prinsesa natin." okay babaliwalain ko nalang ang kinginang prinsesa na yan dad dahil tinulungan mo ako.


Pagkatapos kong kumain agad na akong tumayo at sumabay sa dalawa kong kuya na pupunta din ng school.


Apat kaming magkakapatid, tatlong nakakatandang kuya and lastly ako ang bunso. Tsk, ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin dahil pati yung kapatid ng dad ko ay dalawang lalaki lang din ang anak kaya napaka protective nila sakin and yun ang kinaiinisan ko dahil wala akong freedom.


First year college na ako habang yung dalawa kong kuya ay parehong third year college at yung isa ay nagtatrabaho na sa company ni daddy.


Tomboy ako, yep tomboy. I don't know why pero eto talaga ang nafifeel ko sa aking sarili at ako pa lang ang nakakaalam kung ano talaga ang kasarian ko dahil natatakot ako. Natatakot akong ipagsabi sa iba ang totoong ako.


Pagkadating namin ng school ay agad na akong bumaba sa sasakyan namin at naglakad patungo ng room. Pagdating ko madami dami na ang nandun at umupo nalang ako sa upuan ko.


"Good morning Pat!" bati sakin ni Meggy kaya nginitian ko nalang siya.


Mag t-thiry minutes na at wala pa ang prof namin, tss baka tinatamad na naman yun. Nakita ko sila Meggy na nakaupo ng nakapabilog at nag-uusap kaya nakijoin naman ako para di mabored.


"Uy nandito si Pat oh. Pat sino crush mo?" 


Tiningnan ko ng masama yung isa kong kaklase dahil kakadating ko palang ako agad tinanong. Sana pala di na lang ako lumapit.


"Sige na, alam na namin lahat sino crush ng mga kaklase natin eh except nalang sayo."


Saad naman ng isa hanggang sa nakisama na ang iba pati si Meggy. Hiyang hiya na ako dahil inaabangan talaga nila ang sagot ko.


"Sige na Pat, yieeeee." Meggy waaaaag!


"S-si K-kevin." yun nalang ang sinabi ko dahil wala na akong ibang maisip.


"YIEEEEEEEEEEEEE!" lumakas ang tilian ng buong klase dahil narinig yun ni Kevin na nasa likuran ko lang. Napakamot naman sa batok si Kevin at nahihiya akong nginitian pero binigyan ko lang siya ng isang blankong tingin.

She's a HeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon