"Wendy, bili mo nalang ako ng chicken at coke." nakapikit na sabi ko kay Wendy habang nandito kami sa canteen. Oorder sya ng pagkain. Ako naman, inaantok pa. May insomnia kasi ako at nahihirapan talaga ako matulog sa gabi. Madalas ay umaga na ako nakakatulog kaya naman inaantok ako dito sa school.
"Hm, yun lang?" she asked me and I nodded.
"Sige, intayin mo kami dito." sabi nya at umalis na nga sila ni Joy para bumili ng makakain. Alam ni Wendy ang kalagayan ko kaya sya na ang bumibili para makakaidlip ako sandali dito habang nakapila sila.
Sumubsob ako sa mesa at nagulat ako ng may kumalabit sa akin, "hello?" tanong ng isang boses kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko ang isang babae na mukhang tokwa--- I mean, kasing puti ng tokwa.
"Im Dahyun," nakangiting sabi nya sa akin kaya naman ngumiti din ako, "you're Seulgi right?"
"Yeah," nakangiting sabi ko habang matamlay pa din dahil ang sakit na naman ng ulo ko plus inaantok pa ako.
"Ito nga pala," binigay nya sa akin ang dalawang piraso ng gamot na nasa lalagyan pa malamang. "Pinadala ni Nurse Bae," sabi nya. "Inumin mo daw pagtapos mong kumain ngayon at yung isa naman ay mamayang pagtulog mo." sabi pa nya at ngumiti, "una na ako."
"Thank you." sabi ko naman at ngumiti lang sya sabay alis.
Tinignan ko ang gamot at nakita kong may maliit pala na note dun.
Kinuha ko at binasa. Napangiti nalang ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hey, inumin mo 'to. Malilintikan ka sa akin pag hindi mo to ininom. Alagaan mo naman ang sarili mo. Take care.
- Irene.
**
nahahawa na ako kay Chel na mahilig gumawa ng panibagong story habang yung ibang stories ay hindi pa tapos. haha.
BINABASA MO ANG
headache // seulrene
Historia Cortamasakit kasi yung ulo ko, pwede bang hilutin mo? thanks @-yunagrphcs for the cover.