=Chapter 8=

6.1K 336 18
                                    

The Devil's Naughty Bride

            =Chapter 8=

Papatapos palang akong kumain nang magsidatingan ang iilang classmates ko sa classroom namin.

Nang makita nila ang mga pagkain na nakahain sa harap ko, nagbulungan na naman sila ng nagbulungan.

Lahat nalang ba ng makita nilang nangyayari saakin, pag-uusapan nila?

Wala ba silang ibang mapag-usapan bukod saakin at sa napakakulay kong buhay?

Binilisan ko nalang ang pagkain ko, halos mabulunan pa nga ako sa sobrang pagmamadali.

Kailangan kong matapos bago pa dumating ang iba ko pang mga kaklase. Kung hindi naku, siguradong trending na naman ako sa buong school mamaya.

Nang matapos ako, kaagad naman na nailigpit ang mga pagkain at ibinalik sa dati ang mga lamesa sa classroom.

Kaya bago pa dumating ang mga kaklase ko, malinis na ang buong classroom.

Mabilis na lumipas ang mga araw.

Halos lahat na yata ng kakilala ko alam na ang malupit kong kinahinatnan.

All my friends now knew that I am the mate of the Vampire King. Some of them look at me with pity, some with fear but most of them looked at me with envy.

Halos lahat ng tao gustong makipaglapit saakin. Thinking that they might get the favor of the King because of me.

Ako ang naging sentro ng tsismis sa lugar namin.

Hindi rin nakatulong na halos araw-araw akong pinapadalhan ng hari ng mga regalo.

Sa school ganun din. Parang hindi sila mabubuhay nang hindi nila ako pinag-uusapan.

Pero hindi ko nalang pinansin ang lahat. I acted like there's nothing changed.

Nabuhay ako na parang walang nagbago.

"Jhen Blue! Walang hiya kang bata ka!" narinig kong sigaw ni Brenda mula sa kanyang kwarto.

See? Walang nagbago.

Napangiti ako nang marinig ko siya. Mukhang nakita na niya ang ginawa ko.

Lintik lang ang walang ganti Brenda. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang ginawa niya nung isang araw sa mga damit ko. Akala mo ha?

Hinintay ko siyang lumabas ng kwarto niya.

I dropped my smile nang makita ko na siyang lumabas ng kwarto niya na galit na galit.

Isang inosenteng tingin ang iginawad ko sa kanya.

"Saan mo dinala ang mga damit ko?!" nanggagalaiti niyang tanong saakin.

I secretly smiled. Ngayon alam mo na ang pakiramdam na mawala ang mga pinakamamahal mong damit.

Kunwaring naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Aba ewan ko sa'yo! Malay ko sa mga damit mo!"

"Jhen, ipakita mo na ang mga damit ko. Dalian mo!" pilit niya saakin.

"Hindi ko nga alam kung nasaan. Sige na, aalis na ako at baka ma-late pa ako sa school." nagmamadali akong tumayo at lumabas ng bahay.

Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng pangalan ko mula sa loob ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa talaga ako kapag naiinis ko si Brenda.

Hindi ko naman itinapon ang mga damit niya, itinago ko lang naman. Hindi ko nga lang alam kung mahahanap niya iyon kaagad.

Pagkakita saakin ng isa sa mga men in black, kaagad nila akong pinagbuksan ng pinto sa kotse at hinatid sa school.

The Devil's Naughty BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon