Althea,dalian mo na at baka malate ka sa unang araw mo sa Gregorio Quizon University, sigaw ni mama Mina,si mama Mina na lang ang nagpalaki saakin kasi wala na daw si papa,namatay daw si papa habang nagtatrabaho bilang karpintero.
Sige ma,pababa na ho!,sigaw ko para marinig ni mama,pagbaba ko binigay niya saakin ang baon ko,at hinalikan sa pisngi si mama.
Ma,mag ingat po kayo dito ha,isarado niyo po yung bahay pag aalis kayo,yung mga saksa---,di ko na naituloy ng putulin into ni mama.
Hay naku naku,oo ako na bahala dito,pumasok ka na at baka mahuli ka sa klase,sabi nito at tinulak ako ng mahina papuntang pinto,lumabas na ako at kumaway kay mama.
Magtricycle na lang ako,pagdating ko sa gate ng room,napanganga ako,nagbago na ang kulay nito noon kulay dilaw ang gate ngayon at kulay puti na mas lalo itong gumanda sa kulay nito at ang pangalan ng eskwelahan ay pininturahan ng kulay ginto,woww ang ganda!!
Pumasok na ako ng may pagkamangha sa eskwelahan,grade 10 na ako,tatlong taon na ako nag aaral dito,lagi akong binubully kasi daw Panget ako,nerdy daw yung itsura ko, ang baduy daw ng style ko,at mahirap lang kasi ako,sa totoo lang sanay na ako.
Naglalakad ako ng biglang may tumulak saakin kaya napaupo ako sa sahig at napayuko na lang,alam kong yung babaeng lagi akong binubully na naman ang tumulak saakin.
Hoy!nerd na panget sa tingin ko mali yata yung pinuntahan mong school,alam ko para sa mga mayayaman ang paaralang ito at hindi para sa mga hampas lupa na tulad mo ,sigaw nito at sinampal ako,awtss ang sakit huhuuu,tatayo na sana ako ng bigla na naman niya akong itulak ng malakas.
You bitc---,hindi niya naituloy ng may sumigaw
Helga!go to guidance office Now!,sigaw ng lalaki,tumingin naman ako sa babaeng Helga daw ang pangalan?,at sinamaan ako ng tingin at umalis na naiwan na lang kami nung lalaking nagligtas saakin.
Dalhin na kita sa clinic,yung paa mo,sabi ng lalaki kaya tinignan ko naman nakita ko yung paa ko na may dugo.
Binuhat niya naman ako ng pa bride style na ikinagulat ko.
H-hoy ibaba mo ko!!,sigaw ko sa lalaking bumuhat saakin.
Hindi pwede may sugat ka,mahinahon at malamig na sabi niya.
Ng makarating kami sa clinic at halos lahat ng madaanan namin ay napapanganga at sinasamaan kami o baka ako lang ng tingin,di na rin ako makahinga ng maayos.
Althea anong nangyari?,tanong ni ms.Zei ang maganda naming nurse dito sa clinic.
Yung pa--,di ko natapos yung sasabihin ko ng bigla na lang dumilim ng konti at nagblur ang paligid at naramdaman kong pumikit na ang mga mata ko.
Paggising ko nakita ko si ms.Zei at yung lalaki kanina na tumulong saakin.
Ayos ka na ba Althea? ,tanong ng ms.Zei
How is she?,tanong ng lalaki,ang gwapo pala niya,almost perfect huh.
May hika pala siya,alam mo ba na may hika ka Althea?,huh? Hindi ko alam yun ahh.
H-hindi po ms.Zei,sabi ko
So ngayong alam mo na bawal ka sa masyado sa maiinit na lugar dahil Hindi ka makakahinga ng maayos,bawal ka rin makaamoy ng mga usok,sabi ni ms.Zei,tumango lang ako,nagpaalam si ms.Zei na aasikasuhin daw muna niya yung isang pasyente niya sa kabilang gilid,kaya kami na lang nung lalaki yung magkasama ngayon at nagbabasa lang ito ng libro.
Uhmmm,ano pala pa----,di ko natapos yung tanong ko ng bigla itong tumingin saakin,kaya napalunok ako.
im Zoen Penaflor,sabi nito,ang tipid niya.
O-ok,hehehee,sabi ko at kunwari pang tumawa,ang awkward naman,ang sungit naman kasi niya,tumingin ako ulit sa kanya at nakita kong nagbabasa na naman siya,EDI SYA NG BOOKWORM!!!,sigaw ng isip ko.
Di ko namalayan na nakatulog pala ako,ginising ako ni ms. Zei hinanap ko yung lalaki kanina si ano?,sino ulit yun?Shawn?Oen?,Zoen? Ayy oo Zoen the Bookworm!
Inayos ko ang gamit ko at umuwi na 5:30 na pala kaya agad akong umuwi kasi si mama panigurado siya na naman mag luluto,ayaw ko kasi siyang nagluluto kasi baka mapagod siya.
Pag uwi ko nakita ko si mama na nanonood ng balita,hayyss buti naman di siya ang nagluto baka kasi mapagod ang pinakamamahal ko mama.
Nagbihis lang ako at bumaba na,dumiretso ako sa kusina at inilabas ang mga sangkap ng lulutuin ko,magluluto ako ngayon ng sinigang na baboy,nang maisalang ko na ay tinawag ako ni mama kaya pumunta ako sa sala.
Ma,ano po yun? -tanong ko.
Diba siya ang may ari ng paaralang pinapasukan mo? -tanong ni mama tinignan ko naman ang tinutukoy niya at nakita ko sa news na uuwi pala ang may ari ng pinapasukan Kong unibersidad na si Mr.Gregorio Quizon,ang gwapo pala talaga niya.
Nakita kong may kasama siyang babae at ang ganda din nito artistahin ang dating,nagpakilala rin ito at siya pala si
Helena Quizon,ang asawa niya.Bumalik ako sa kusina at nakita ko patapos na pala ang niluluto ko,napatagal yata ako sa harap ng telebisyon,tinawag ko na rin si mama para kumain,pagtapos namin ay naghugas ako ng mga pinagkainan at umakyat na sa kwarto,tinitigan ko lang ang kisame habang iniisip kung bakit tinulungan ako ni Zoen kanina?,kasi kilala ako bilang mahirap at nerd sa campus kaya walang gusto maging kaibigan ko.
Maya maya nakatulog na rin ako.
YOU ARE READING
That Nerd is The billionaire's Daughter
Teen FictionLaging nilalait,minamaliit,tinutukso,binubully at paulit ulit na lamang ang takbo ng buhay nito, yan si Althea Vivian Reyes,mahirap ngunit may ginintuang puso,ngunit nilalait pa rin ng mga taong nakakasama niya sa paaralang pinapasukan niya,at malam...