Chapter 4

16 1 0
                                    

Tom's P.O.V.

Uwian na at sabay-sabay kaming lima pumuntang parking.

"Bes! Sorry di kita masasamahan. Pinapauwi na ako ni mader eh!!" Sabi ni Jori habang yakap si Cali.

"Ok lang! Maglalakad nalang ako."

"Bye guys!!" Pagpapaalam ni Jori sa amin.

"Una na rin ako" Tapos umalis na rin si Cali.

Nagsiuwian na rin kami at habang nagda-drive ako nakita ko si Cali na naglalakad at bigla nalang bumuhos ang ulan.

"Malas mo naman."

Binusinahan ko kaagad siya.

"Cali!! Sabay ka na!"

"Wag na ok lang ako, mababasa rin yung upuan mo."

"Waterproof to"

Mabuti naman sumakay siya. Tinuro niya kung saan yung bahay nila at malapit lang pala sa akin mga 6 minutes away lang.

"Salamat Tom!" Tapos bumaba na siya.

Cali's P.O.V.

Pagkababa ko, papasok na sana ako pero, naka-lock. Kuyaaa! Nasaan ka?! No choice maghihintay ako dito sa labas.

10 minutes have passed, still wala parin si kuya kay naisipan kong maglakad hanggang dun sa shed.

Habang naglalakad ako naramdaman kong naghihina na ako tapos biglang may bumusina kaya nagulat ako dahilan para matumba ako at mawalan ng malay.

"Cali! Cali!" Rinig kong may sumigaw.

Johnny's P.O.V.

Dahil first day ngayon at may bago na kaming nakilala, naisipan kong mag lakwatsa kasama yung dalawa.

Nung makarating ako sa condo ni Tom, pinuntahan ko agad siya.

"Huy Tom lakwatsa tayo!"

"Sige ba!"

"Dito ka na sumakay, susunduin pa natin si Evan!"

Nung makarating kami sa bahay nina Evan sinabi ko sakanyayung plano at mabuti pumayag siya. Wala pang 5 minutes ay tulog na si Evan sa backseat. Habang lumalakas yung ulan, napansin kong napatingin si Tom dun sa isang bahay na nadaanan namin.

"Anong meron jan sa bahay na yan?"

"Jan ko hinatid si Cali kanina pero parang wala siya doon kasi naka-lock."

Nung nagda-drive ako may napansin kaming babaeng naglalakad.

"Bro parang si Cali yun ah! Businahan mo nga."

Nung binusinahan ko yung babae nagulat nalang kami nung nakita namin si Cali at bigla nalang siyang bumagsak.

"Gisingin mo si Evan!"

Tom's P.O.V.

Dali-dali kong pinuntahan si Cali.

"Cali! Cali!"

"Mga bro, may nasagasaan ba tayo?
Eh, si Cali yan ah!"

Isinakay ko agad siya sa kotse.

"Johnny sa hospital muna tayo."

Kinuha ko yung phone niya para mainform yung family niya. Pagkabukas ko ng phone niya..

~Kuya - (56 missed calls)~
~Kuya- (13 unread texts)~
~Jori- (24 missed calls)~

May kuya pala siya...

Tatawagan ko na sana siya pero biglang nag-ring yung cellphone niya.

~Kuya Calling...~

Sinagot ko kaagad.

"Hello, Cali nasaan ka?"
Pamilyar yung boses ah.

"Hello?"

Person's P.O.V.

Hi. Ako si Ron Lee Mendez. Kuya ni Cali. Isang manager sa Starbucks. Ngayon, kailangan ko munang puntahan si Cali kasi baka basa na siya sa ulan.

Ilang tawag at text ang nagawa ko pero maski isang reply wala. Tinawagan ko ulit siya.

Wohoo! Sinagot niya.

"Hello, Cali nasaan ka? "
Bat walang sumasagot.

"Hello?"

"Umm Ron si Tom to. Dadalhin namin si Cali sa Hospital na malapit sa bahay niyo, hinimatay kasi kanina siya sa daan."

In-end ko kaagad yung call kahit gustong gusto ko na siyang kausapin. Haaay, my sister is always close to bad luck. Pinaharurot ko yung kotse ko sa Hospital.

Cali's P.O.V.

    Nagising ako sa puti. Patay na ba ako? Eh, hospital pala to. Ano ba kasing iniisip ko?

"Anong ginagawa ko dito?"

"Hinimatay ka sa gitna ng daan at ulan." Sabi ni Johnny.

"Pasensya na, naabala ko pa kayo."

"Ok lang." Sabi ni Evan.

Tiningnan ko si Tom at titig na titig lang siya sa akin.

"Haaay." Huminga ako ng malalim.

"Bakit may problema ba Cali?" Tanong ni Tom.

"Nasaan na kaya siya?"

"Sinong siya?"

"Yung kaibigan kong lalaki dati nung bata kami. Pinangako kasi niya sa akin na siya daw magiging Mr. Lucky ko paglaki hanggang pagtanda. Pero di ko na siya nakita."

"Sino ba yang kaibigan mong yan?"

"Di ko alam pangalan niya eh. Ang tawag ko sakanya... Tonks, yun kasi tawag ni kuya sakanya dati."

Pagkasabing-pagkasabi ko noon. Nagulat ako kasi ang wierd ng reaksyon nung tatlo. Pero mas nagilat kami nung bumukas yung pinto. Pumasok yung doctor..

Best Luck EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon