Chapter 17

12 0 11
                                    

Cali's P.O.V.

Yesterday, was the best day. Bukod sa dumating na si kuya, sinagot ko na rin si Tom. Enough with the chit-chat. Gumising ako ng maaga para ipaghanda sina kuya at Tom. Katabi ko si Tom matulog kasi sabi ni Kuya, ayaw daw niya ng may katabi. Nagmamaktol pa nga siya na parang bata kagabi eh. Oh no!!!! 7:00 na, paano na yan? Ginising ko kaagad si Tom.

"Huy, Tom!! Gising na!!" Pero imbis na bumangon siya eh ngumuso siya.
Ano yan? Aaaah, owki.

"Sige hindi kita hahalikab kapag hindi ka bumangon!" Tapos tumayo agad ako ng mabilis at nagpunta sa pinto. Tumayo agad si Tom na mabilid pa sa alas-kwatro.

"Byee!!"

"Cali ang daya mo!!" Tapos hinabol niya ako. Bigla nalang siyang sumimangot. Nung nagluluto ako, tahimik lang siya hanggang sa kumain kami at hanggang sa makatapos na kami. Nung paalis na kami, nagpaalam na kami.

"Alis na kami!" Sigaw namin kay kuya na di namin malaman kung tulog pa.

Lumabas na si Tom ng pinto ng di ako pinapansin. Ay! Nagtampo siya.
Papunta na siya sa kotse niya kaya hinabol ko siya. Nung makalapit ako sakanya, niyakap ko siya sa likod.

"Tom, pansinin mo naman ako."
Pero imbis na sumagot siya ay inalis niya ang yakap ko sakanya.

Tom's P.O.V.

Inalis ko na yung uakap sa akin ni Cali at sumakay na hinihintay ko na lang siyang sumakay pero sa likod siya sumakay. Habang nasa byahe kami, sa bintana lang siya nakatingin. Nung makarating na kami sa school, tiningnan ko siya sa rear mirror at nakita siyang umiiyak. Pababa na ako ng kotse pero bumaba na agad siya at nagtatakbo. Sinara ko kaagad yung kotse at hinabol si Cali. Naabutan ko
na siya sa hallway at pinagtitinginan na siya ng mga tao doon. Nung maabutan ko siya hinila ko kaagad siya at niyakap.

"I'm sorry Cali."

"I'm sorry." Sabi niya habang humahagulgol sa dibdib ko.

'Oh my anyare?'

'Di ko alam naabutan ko lang tumatakbo si Ate Cali na umiiyak tapos hinablot siya ni Kuya Tom. '

'Maybe.. Nagmakaawa siyang maging girlfriend ni Tom pero tumanggi si Tom dahil mukha lang siyang basura. Tapos umiyak siya para maawa si Tom sakanya.'

Narinig kong humagulgol na naman si Cali at kakaiba na ang paghinga niya. Sa sobrang inis ko, nabitawan ko si Cali pero nakayakap parin siya sa akin.

"WHO SAID THAT?!?!" Napatingin kaming lahat sa sumigaw. Nakita kp si Jona na pinapakalma ni Johnny na hawak naman ni Jori. Tinuro nilang lahat yung babaeng makapal ang make-up.

"Hoy! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!" Sigaw ni Jona DOON sa babae.

"Bakit?! Totoo naman!"

"Makinig kayong lahat!" Sigaw ko.

"Oras na saktan ninyo o kung ano mang gawin niyong hindi maganda kay Cali, pagsisihan niyo kung bakita kayo pumasok dito!"

"S-sorry." Sabi nung babae kanina. Naramdaman kong kumalas si Cali sa yakap niya at biglanh bumagsak sa sahig. Hinimatay siya!! Binuhat ko kaagad siya hanggang sa clinic at kasunod naman namin yung apat. Pagkadating namin sa clinic, inihiga ko kaagad siya at tinawag naman ni Johnny yung nurse.

"Anong nangyari?"
Kinwento ko sakanila yung nangyari at halatang nagulat sila.

"Paano yan, kakasimula niyo palang." Hindi ko na sila sinagot at hinintay nalang namin na magising si Cali.

***
Breaktime na pero hindi parin gumigising si Cali.

"Guys, bumili muna kayo ng kakainin niyo, tsaka namiss niyo narin yung mga klase." Sabi ko sakanila.

"Bro, inannouce kanina na walang pasok dahil busy ang faculty." Sabi ni Evan.

Evan's P.O.V.

Habang bumibili kami ng pagkain, lumapit ako kay Johnny.

"Pssst! Mamaya ha?!"

"Oo boto ako sainyo eh! Alam na ba ni Tom?"

"Oo tinext ko siya kagabi pati si Cali at Jona."

"Okay!"

Cali's P.O.V.

Nung magising ako, nakita ko si Tom na nakahiga sa tabi ko.

"Babawi ako." Bulong ko. Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sakanya para halikan siya pero...
Nagulat ako nung halikan niya ako bigla. Nung humiwalay siya, nakatulala lang ako.

"Hello? Cali you there?" Tapos kinakaway niya yung kamay niya sa mukha ko.

"H-ha? Oo."

"You're blushing BABE!"

"B-babe?"

"Starting from now, yun na tawagan natin. Okay babe?"

"Opo babe!" Tapos niyakap ko siya.
Tinulungan niya akong tumayo at nagpunta na ng parking kasi nandoon na daw yung apat.

"Tuloy ba yung plano ni Evan?"

"Oo daw babe eh!"

"Oh talaga babe?" Tapos tumingin ako sakanya at..

"Hahahahaha! " Tumawa ako ng malakas.

"Why you laughing babe?" Tanong niya habang naka-pout.

"Ang cute mo mag-blush! " Tapos nagderetso na kami. Naabutan namin sina Jori sa parking. Tapos biglang lumapit sa amin si Evan.

"Cali, makakasama ka ba?" Tanong ni Evan sa akin.

"Oo naman hindi ako pwedeng wala dun!"

"Oh sige tara na!" Pero bago kami sumakay, natigilan kami kasi may sumigaw...

Maria's P.O.V.

"We're so disappointed to you Maria!"

"Because of what happened! You're going to U.S."

"I can't believe you bullied the daughter of the President! In her own party!"

Naalala ko yung sigaw sa akin ni Dad dahil dun sa pag-away ko doon sa anak ng Presidente. Nung nasa parking ako ng school, nakita ko silang pasakay ng kotse.

"Wait!!!" Halatang nagulat sila lalo na si Cali.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang ganang tanong ni Jona.

"I-I just want to talk to Cali."
Papalapit na sana si Cali sa akin pero hinigit siya ni Tom at nag-smack sila sa lips. Pasalamat lang lalaki ka! Wala na akong feelings sa'yo! Kasi baka makalbo ko tong si Cali. Nung lumapit siya sa akin hinila ko siya sa isang side. Nakatingon lang ako sakanya ng matagal. Nabigla siya nung lumuhod ako at hinawakan ang kamay niya.

"Maria, ano bang ginagawa mo?"

"Cali, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo. I'm sorry. I'm sorry. "

"Tumayo ka."

"Hindi ako tatayo hanggang di mo ako napapatawad."

"Maria, yung mga ginawa mo sa akin, kinalimutan ko na. Parte yun ng buhay natin. Masaktan, magimg masaya, mabuhay at kung ano pa. Isa pa hindi ako nagtatanim ng galit sa isang tao. Kaya please, tumayo ka na jan." Dahil sa sinabi niya, tumayo ako.

"Salamat talaga Cali."

"Saan ka nga pala pupunta?"

"Sa U.S."

"Sige ingat ka!" Tapos umalis na siya.

Best Luck EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon