Mahigpit na hawak ng batang si Hannah ang kamay ng labing-apat nabtaong gulang na si Vincent habang hinihila papunta sa kung saan. Nakakunot ang noo ng binatilyo, na walang magawa kundi ang magpatangay sa makulit na bata hanggang sa makarating sila sa likod-bahay, doon sa ilalim ng punong-Caballero.
"Ano ba kasi ang mahalaga mong sasabihin?
Bilisan mo na dahil tiyak na hinahanap ka na nila Tita Minerva at Tito Larry," wika niya nang bitawan siya ni Hannah.
Ngayon ang araw ng pag-uwi ni Hannah sa Maynila matapos ang isang buwang summer vacation sa farm na pag-aari ng kanyang Mama Adelaida. Si Adelaida ang nakatatandang kapatid ng Mommy ni Hannah. Taon-taon, mula noong limang taong gulang ang batang babae ay nag babakasyon ang buong pamilya nito sa farm, maliban na lang ngayong taon na iniwan si Hannah ng mga magulang sa pangangalaga ni Adelaida.
At noong isang araw lang dumating ang mga magulang ng bata para sunduin. Kasalukuyang naghahanda sa pag-alis ang pamilya ni Hannah nang bigla na lang siyang hilahin at sinabing may importanteng sasabihin sa kanya bago umalis.
"Puwede bang maupo ka muna rito sa duyan?" sabi ni Hannah at hinila ang tali ng duyan papunta sa kanya. "Nananakit na ang leeg ko sa kakatingala sayo, eh. Kung bakit kasi ang taas-taas mo na kaagad," reklamo nito.
Naaliw na pinisil ni Vincent ang ilong ni Hannah. Ang cute-cute talaga ng bata. Napakatabil pa at hindi nauubusan ng kwento at mga tanong. Kaya kahit may-pagkamakulit at minsang pinasakit ang kanyang ulo ay natutuwa siyang nakakasama ito tuwing summer vacation. Iyon na siguro ang pinakamasasayang tag-araw ng buhay niya sa nakalipas na apat na taon.
"Dapat lang na mataas na ako dahil binata na ako, hindi gaya mong bubuwit pa." Nakangiti siyang umupo sa duyan na gawa sa lumang gulong ng bisikleta na nakasabit sa isa mga sanga ng punong-Caballero. Siya ang gumawa niyon ilang buwan pagdating niya sa Adelaida farm.
Umingos si Hannah. "Hmp. . . hindi ka pa binata. Binatilyo ka pa lang. At kapagbinatilyo, hindi pa puwedeng mag-girlfriend, " mariing kontra nito na akala mo matanda na kung binatilyo, " natatawa niyang pagsuko. Alam naman niyang hahaba ang usapan nila tungkol doon kung hindi siya magpaparaya. Hindi lang niya maintindihan kung paanong napunta ang pakikipagnobya niya sa kanilang usapan.
"O, ano na yong sasabihin mo? Bakit kasi hindi mo pa sinabi kahapon o kagabi hindi ngayong kung kailan aalis na kayo," naiinip na wika ni Vincent.
Kumibot-kibot ang mga munti ngunit mapupulang labi ni Hannah bago dumukot sa bulsa ng suot nitong jumper. Pagkatapos ay muling kinuha ang kanyang kamay at may kung anong bagay na inilagay sa kanyang palad. Ikinuyom iyon at ikinulong sa maliliit nitong mga kamay.
"Vincent, kapag dalaga na ako, sayo ako magpapakasal kaya huwag kang makikipag-girlfriend sa ibang babae kahit binata ka na. Pangako, babalikan kita basta hintayin mo lang ako," seryoso nitong wika habang titig sa kanya.
Hindi maipaliwanag ni Vincent ang init na gumapang sa kanyang dibdib. Ang alam lang niya napakasarap niyon sa pakiramdam at bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Yumuko so Hannah at tiningnan ang kamay niyang nakakulong pa rin sa mga kamay nito. "Ingatan mo to , ha, dahil ito ang tanda ng pangako ko sa yo," anito na ang tinutukoy ay ang bagay na ipinaloob nito sa kanyang kamay. "I love you, Vincent, and I'm going to be your wife someday."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin bagaman parang sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng dagundong doon. Hindi niya alam kung normal na sa isang labing-apat na taong gulang na binatilyo ang magkaroon ng crush sa isang pitong taong gulang na batang babae pero iyon ang kanyang naramdaman. Gayunman, hindi niya puwedeng seryosuhin ang pangako ng isang pitong taong gulang na bata. Isa pa, napakabata pa nito para maunawaan ang kahulugan ng pagmamahal at ano ang pakiramdam ng tunay na umiibig.
"Hannah, hindi tayo puwedeng magpakasal kahit binata't dalaga na tayo dahil magpinsan tayo. Bawal iyon. At imposibleng love mo ako kasi bata ka pa. Ang mga bata hindi pa nai-in love, " malumanay niyang wika.
Lumabi si Hannah at naningkit ang mga mata. "Hindi ako naniniwala sa yo. Hindi naman tayo totoong mag magpinsan," she said in a defiant tone. "Narinig Kong nag-uusap sina Mommy at Daddy. Sabi ni Mommy ampon ka ni Tita Adelaida. Hindi ka niya tunay na anak kasi ang tunay mong mommy ay yong matalik na kaibigan ni Tita Adelaida. Ibig sabihin hindi tayo totoong magpinsan kaya puwede tayong magpakasal kapag malaki na tayo. At saka love talaga kita kahit bata pa ako. Ikaw ang gusto kong i-kiss sa umaga, sa tanghali at sa gabi gaya nila Mommy at Daddy, " inosente nitong dugtong.
Banayad siyang ngumiti at inabot ng isa pang kamay ang ilang hibla ng buhok nito na umalpas sa pagkakatali saka maingat na inipit iyon sa tenga ng bata. Minsan pa, pinagmasdan ni Vincent ang maamong mukha ni Hannah; ang mga matang kulay-tsokolate na tila ba palaging nagniningning ngunit higit na manining nang mga oras na iyon. Ang mamula-mulang mga pisngi at kulay-makopang mga labi. Sigurado siyang magiging napakaganda nito paglaki.
"Hannah, nasaan ka ba? Aalis na tayo ."
Sabay silang lumingon ni Hannah sa direksiyong pinagmumulan ng boses ni Tita Minerva. Natigilan siya nang naramdaman ang pagdampi ng malambot na mga labi ni Hannah sa kanyang pisngi.Pilya ang pagkakangiti ni Hannah nang muli siyang bumaling. Good-bye kiss ko," sabi nito at nagtatatakbo na nagtungo sa mommy nito na hustong lumitaw sa gilid ng bahay.
Tinanaw ni Vincent ang papalayong sasakyan nila Hannah habang walang tigil sa pagkaway sa kanila mula sa likuran. Sa kamay niya ay mahigpit niyang kuyom ang bagay na iniwan nito bilang tanda ng pangako sa kanya. At kung may iniwan sa kanya ang batang babae ay mayroon din itong dinala na bahagi ng kanyang pagkatao sa pag-alis nito.
YOU ARE READING
Morning Dew
Romance"Love talaga kita kahit bata pa ako. Ikaw ang gusto kong i-kiss sa umaga, sa tanghali at sa gabi gaya nila Mommy at Daddy."