Mutual

7.7K 520 74
                                    

"Ah, eh...ano —"

"Cut!"

Tiningnan ko sila nang masama. Lumapit ako sa tatlong bugok kong mga kaibigan at isa-isa silang binatukan ngunit nakailag ang pangatlo. Umismid ako at umirap. "Ang eepal ninyo kamo!"

Lumapit sa'kin si Grace at tinapik ako sa balikat. "Ang arte kasi, may rehearsal pang nalalaman. Umamin ka na lang kasi agad!"

"Hindi naman kasi 'yon gano'n kadali, eh!" Humalikipkip ako at pumadyak. "Kapag nakikita ko kasi siya —"

"Alam na namin." Sabay-sabay na putol nila sa sinasabi ko.

"Kapag nakikita mo siya, bumibilis iyang tibok ng heart mo," sabi ni Grace.

"Kapag nakikita mo siya, naba-blangko 'yang utak mo," dagdag ni Mariel.

"Kaya ang ending, waley — nga-nga." pagtapos ni Rea. Umismid pa ito. "Ang hina mo, boy!"

"Eh...anong gagawin ko?" Naiiyak kong tanong. "Hindi ko mapigilan na maging gano'n, eh. What am I gonna do?"

Umiling-iling si Grace. "Mag-move on ka na kung hanggang diyan ka lang. Masasak —"

"Ayoko!" Pagkontra ko kaagad. "Hindi ko 'yon kaya. Mahal ko siya, mga bru."

"Agad-agad?" Halata ang pagkairita sa ekspresyon ni Mariel. "Akala ko ba crush lang? Dyusmiyo, Iris! Tanga ka ba?"

Aray, ah. Na-tanga pa ako.

Hindi na lang ako sumagot. Tanga nga yata ako. Sino ba namang maniniwala sa'kin na na-in love ako kay Miku kung never pa naman kaming nagkausap? Hanggang titig lang naman ako sa kanya. Araw-araw ko siyang napapansin, araw-araw ko siyang nakikita, araw-araw ko siyang pinagpapantasyahan. Siya kaya, napapansin niya kaya ako? Hindi naman siguro masama mag-assume. Magkaklase naman kami, araw-araw kaming magkasama sa iisang classroom. Siguro naman, kahit isang beses lang, napatingin din naman siya sa'kin. Pwede naman 'yon siguro?

"Hoy!"

"Aray naman!" Napadaing ako sa lakas ng batok ni Grace. "Ang bigat ng kamay mong babae ka."

Ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay. "Asset 'yan, be."

"Ewan ko sa'yo." Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Humalumbaba ako at napatingin sa kawalan nang kaagad ay may mahagip ang paningin ko.

Parang karera ng kabayo na nag-uunahan sa pagtibok ang tibok ng puso ko. Baduy, pero 'yon ang totoo. Right now, I'm looking at the most beautiful woman that I've ever seen. Ang babaeng nagpa-bend ng mas straight pa sa ruler na pagkatao ko. Ang korni ko, sobra.

"Miku..." mahinang sambit ko.

Kasalukuyan siyang naglalakad. Maraming bumabati sa kanya, halatang kinikilig ang mga ito kapag nagre-respond ang dalaga sa pagbati nila — babae man o lalaki. Ang ganda niya talaga. Ang tangkad niya, sexy, yummy — lahat na yata ng magandang adjective, pwede nang i-describe sa dalaga. Maganda na, brainy, at talented pa.

Nasaan ang hustisya, 'di ba?

"Hoy, babae!"

"Aray na naman!" Muli ay nakatanggap na naman ako ng malakas na pagbatok kay Grace. "Grabe, child abuse na 'yan, ah. Ang sama mo."

"Sira ka." Namaywang ito. "Huwag mo akong dramahan at baka masapak naman kita."

Hindi ko napigilang ngumuso matapos siyang irapan. "Kainis."

"Alam namin kung saan ka nakatingin, Iris — or more like — alam namin kung sino ang tinitingnan mo." Tudyo ni Rea. "Lapitan mo na si Miku, chance mo na 'yan."

Mutual (GL) [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon