"Jhe!Si ark andyan na!kyaaahh!Pakipulot nga ng panty ko bes!"
Kinikilig na sabi ng kaibigan kong si Kay.(A/N:Pronounced as Kaye)
Ako nga pala si Jhenica Dayle.Isang babaeng taga probinsya.NBSB ako.Mas gugustuhin ko kasing magfocus sa pag aaral ko.Gusto ko kasing tumulong sa mga magulang ko.Syempre taga probinsya,Hindi naman kami mayaman kaya mas gusto ko mag aral muna para mairaos ang aking pamilya."Sus!mag aral na lang tayo kesa magpakabaliw ka dyan sa playboy na yan.Hindi naman kagwapuhan.Dali na! May test pa tayo mamaya"
"Kj mo talaga bes!At anong di gwapo?Eto salamin oh!Ku! Ang gwapo gwapo nga nyan e!" Sabi sakin ni kay habang pilit na ibinibigay ang salamin nyang may grado.Malabo kasi ang mata nya.
"Kj ka dyan.Sinasabihan lang kita no!"
Sabay balik sa librong binabasa.Istrikto pa naman yung teacher namin.Kaya kailangan talaga magreview ako ng sobra.Lumipas ang ilang sandali at may nagvibrate na sa cellphone kong de keypad.Hindi naman ako maarte.Ayos lang kahit de keypad pa ang cellphone ko.Atleast may cellphone diba.
*Kringg!*
SHEMS.11:40 na.Talagang nagalarm ako para hindi ako malate sa klase.
"Kayy!10 mins na lang!dali takbo na tayo!Terror pa naman yung next teacher natin!dalii! Tara na!"
Walang lingon lingon ay hinigit ko na agad si kay.Ayoko talaga malate lalo nat may exam.Shunga kase!Bat ba kasi 11:40 ang alarm ko? Dapat kasi 11:30! Malayo layo pa naman ang room namin sa cafeteria.
Halos malapit na kami ni kay sa room namin ng huminto muna ako saglit.Tiningnan ko ang halos sira ko ng relo.May 4 minutes pa ako.Pahinga muna kami dahil hinihingal na ako.
"Kay pahinga muna tayo.Pagod k-"
Nagulat ako ng bigla akong lumingon e iba pala ang nahigit ko.
"BES!whooo!A-Ang *hooo*! A-ang bilis mo! Hindi m-mo *hooo* man lang ako h-hinintay"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at lumingon uli ako sa taong nahigit ko.Bigla akong pinagpawisan ng malamig.Umurong rin ata ang dila ko at hindi ako makaimik.Tulala parin ako hanggang ngayon.
"Bes!Whoo,"Hingal na sabi nito at napalingon rin sa katabi ko"Ah I-ikaw pala A-ark.H-hi" Pacute na sabi ni kay.
Bigla tuloy akong namula nang makita syang nakatingin sakin naalala kong nakahawak ako sa kamay nya dahil hinigit ko sya, napabitaw agad ako sa kamay nya at napatakbo ako ng wala sa oras sa classroom namin.Shocks!Nakakahiya!Huhuhu!Lupa lamunin mo na akoo!Waaaaah.Ang gaga mo jhe.
"Jhe! Ano ba bat bigla ka na lang tumakbo uli?tska bakit nga pala kasama mo si ark kanina?Yiee ikaw ha!Aagawan mo pa ako.Hihi"
Napayuko uli ako sa desk ko.shet!wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.Omo,pano na to. T_T
Saktong dumating yung prof kaya napaayos ako ng upo.
"Okay class get a clean sheet of paper and we will start the test..Okay No.1 blah blah blah"
Lutang parin ako habang nagtetest.Pero buti na lang nakakasagot pa ako.Sana lang mapasa ko yun.Ano ba kasing kabaliwan ang pumasok sa utak ko!
Nakayuko ako habang naglalakad palabas ng school.Si Kay kasi sumakay ng tricycle.Medyo malayo kasi ang bahay nila kesa samin.Malapit lang naman ang bahay namin sa school.
Palabas na ako ng gate nang may biglang humawak sa braso ko.Unti unti naman akong napatingala.At OMG.Bigla akong nanlambot sa nang makita ang taong kaharap ko.
"Jhe right?" Nakangiting sabi nito sakin.
SHET.LUPA LAMUNIN MO NA AKO! T_T