A Writer's Love Story (COMPLETED)

109 3 0
                                    

A Writer's Love Story

Hindi nab ago sa karamihan ang iba't ibang social status sa facebook. Sa kabila ng mga status na nakikita natin gaya ng "single" o "in a relationship" , nagtatago naman ang mga "emo" , broken-hearted , hopeless romantic , "forever alone" , at yung mga "zoned" - mapa- "seen , bro , o friend". Hindi naman talaga 'to tungkol sa love story ng isang manunulat o kung paano pa siya nakakahanap ng maisusulat na kwento. Tungkol ito sa lahat ng taong gumagawa ng sarili nilang love story chapter sa buhay.

Hindi naman masamang mag-imagine sa mga bagay na gusto nating mangyari. Kailangan lang talaga ng mga limitasyon at unawa. Hindi pwedeng lagi tayong lulugar sa isang sitwasyon na makakasakit na rin sa damdamin natin.

Nandyan ang mga umasa o "assuming" at paasa. Ang dahilan ng iba ay wala naman talaga sana silang mararamdaman kung ang isang tao ay hindi rin nagpaparamdam. Oo nga naman. Pero, hindi ba dapat ilugar ang realidad sa pag-iilusyon lamang? Merong mga nagagalit sa paasa pero hindi ba't may mga "assuming" at kabaligtaran pa ng sitwasyon? Hindi rin naman kasi alam ng paasa ang pakiramdam ng umaasa. Hindi rin  naman nasisiguro ng mga umaasa kung ano ang pakiramdam na mapagbintangang paasa.

Nandyan rin ang mga kontento na sa "crush". Yung tipong "Mas masaya 'to kayasa maging in a relationship." Dapat pa ring igalang ang mga taken , single , at single with a crush. May kanya-kanyang pananaw at desisyon ang mga tao. Hindi naman pwedeng lahat nakakarelate sa isa o lahat manhid.

Meron naman ang mga nadadagdag thrill na mga bitter at hopeless romantic. Kadalasang naloko , nagseselos , o walang pakialam ang mga bitter kung love ang paguusapan. May mga mas mahahalagang bagay siguro silang ginagawa. Hindi natin alam ang dahilan ng isa't isa kaya kailangan natin silamng intindihin. Ang mga hopeless romantic ay dapat nating mapagtiwala sa mga salitang "hintay at pananampalataya" kahit pa maaaninag mo na talaga sakaila ang kapaguran at pagsuko.

Syempre , nangingibabaw pa rin ang mga taong kuntento na sa takobo ng love story nila. HINDI SILA PERPEKTO. Sadyang naiintindihan lang nila ang mga limitasyon at pinapahalagahan ang lahat ng klase ng pag-ibig. Kinakaya nila , basta i-multiply lang tiwala sa paghihintay.

Sa'yo naman talaga nakasalalay ang bawat pahina ng love story mo. Nasa pananaw na natin ang paggawa sa sarrili nating fairytale. Walang masama sa status  , parang damit lang yan , nasa nagdadala. Hinay-hinay lang lalo na sa mga bata pa kagaya ko! Pag-asa lang yan. Hindi kasi minamadali ang pagsusulat ng isang love story , o kahit ano mang kwento , magugulo lang kung ganun. "Focus on the people who truly love and care for you." Pamilya , kaibigan ,............mga mahal sa buhay. Sila ang mas kailangan natin sa buhay. Sila ang mas kailangan natin sa buhay. Sila ang unang characters sa introduction ng isang magandang love story. Sila'y handing magtitiis sa drama mo , sa kilig , at magpapayo sa kabila ng katigasan ng ulo mo bilang writer.

"Kung tutuosin ang love story hindi naman tungkol sa mga magsyota , o may nararamdaman sa isa't isa tungkol ito sa mga taong nagmamahal sa atin kagay na lang mga magulang at kaibigan natin kahit pinapagalitan tayo ng mga yan anjan parin sala para damayan tayo sa hirap , at ginhawa ng buhay mo."

---------------------------------------------------------------------------------------

ok lang po ba?

ComVo?

LipBiter23 is signing off

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Writer's Love Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon