My beki boyfie

122 1 0
                                    

PROLOGUE

"Woooooooooh, ang galing gumiling! Galing kumembot!" Napakalas na sigaw ni Pearl, na ikinagulat naman ni Lance.

"A-ba-a... anong g-ginagawa mo d-dito?" Pautal-utal na tanong ni Lance, matapos malamang nakita ni Pearl ang kababalaghang pinaggagawa niya.

Wala kasing magawa si Pearl, kaya'y naisipan niyang maglibot-libot na lang muna sa paaralan nila. Nang naglalakad-lakad siya, napansin niyang bukas ang pintuan ng abandonadong room sa school nila. Sa di inaasahang pagkakataon ay naroon pala si Lance at sumasayaw ng 'I got a boy' ng Girls' Generation. Syempre nagulat si Pearl, pero ito'y di natinag at vinedeohan pa ang kabaklaan ni Lance.

"HAHAHAHAHA! So bakla ka pala?" Natatawa pang tanong ni Pearl.

"So porket gumigiling at kumukembot, bakla na?" Maang-maangan pa ni Lance.

"No. Well to tell you the truth, nung una palang kitang nakita, nagduda na ako. And tama nga ako. "

"Psh. I'm not g-gay. Mali ang pagkilatis mo." Pagtanggi pa rin nito.

"Well, kung hindi ka bakla. Patunayan mo." Pearl.

"I will."

Lumapit ng lumapit si Lance kay Pearl. Lapit. Lapit. Lapit. Lumapit ito hanggang sa super lapit na ng mga mukha nila.

"Sige nga. Tignan natin kung keri mo." Pang-aasar pa ni Pearl.

Lumapit pa ito. Pero di niya natiis kaya lumayo rin siya.

"Fine. Aamin na ako. Yes, I'm g-gay." Lance.

"Thought so."

Papaalis na sana si Pearl nang nagsalita muli si Lance.

"Please, just keep this as a secret. I'm so dead pag malaman 'to ni Dad."

Malaki nga pala ang shares ng pamilya ni Lance, sa paaralang ito. Close friend/Bussiness partner nila ang family owner.

"Pag-iisipan ko." Sabay walkout.

*****

My beki boyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon