CHAPTER 1
[Pearl's POV]
"Hiwalay na raw sila ni Mico?"
"Oo raw eh. Last week pa daw."
"Oo raw. At ang sabi pa nila pinagpustahan lang raw si Pearl."
"Kawawa niya naman."
"Oo nga eh."
Sabi ko na nga ba't hot topic 'to. -.-
Well pano ba namang hindi, ang campus hottest, cutest, sweetest, and most popular couple, maghihiwalay, dahil pustahan lang pala lahat.
Ang nakakainis lang, harap-harapan na nga akong sinasaktan, mahal ko pa rin. Paktape lang.
Oh well, hindi tamang mag-drama ngayon, malelate pa ako.
-----
f a s t f o r w a r d ;;
"Omg babe, look who's here."
Biglang uminit ang dugo ko, nang marinig ko ang boses na yun. It's her.
"I heard na nung isang araw iyak siya ng iyak kasi di niya ma-take na pinagpustahan lang siya. Totoo kaya yun, babe?"
Hinarap ko ang babaeng kanina pa akong pinaparinggan. Ang maharot na babaeng, pinangpalit sakin ng ex ko.
"Ako ba pinaparinggan mo?"
"Sino pa ba? Ikaw lang naman ang babaeng di pa rin maka-move on, at nagpapaka-pathetic." Sabi nito sabay ngisi.
Natahimik ako. Natahimik at natigilan ang lahat ng tao sa cafeteria. Nanatiling tahimik rin si Mico na nakatayo lang sa tabi ni Leigh.
"Para sabihin ko sayo. Naka-move on na ako. Hindi ako magpapaka, tanga sa lalaking mang-gagago. At--" Napatigil ako sa pagsasalita. Wala na akong maisip na kasinungalingan. Oo, kasinungalingan.
"At?" Takang tanong ni Leigh.
Lahat naghihintay sa sunod kong sasabihin. Lalo akong nataranta.
Sa pagkataranta ko di ko alam kong anong biglang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong nanghablot ng tao.
"And this guy is my boyfriend."
Sabay walkout ko. Ayy, namin pala.
-----
[Lance's POV]
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang caf, ginugutom rin ang mga dyosa noh. (^_^) Hihi.
Pagdating ko sa caf, I was so shocked ⊙_⊙(Oha, english yun.) Lahat tahimik. Walang kumikilos. Walang umiimik. Parang di na nga mga humihinga eh. Di na ako magugulat na mamaya mga naka-handusay na sa sahig.
Oh well, wapakels. Gutom na talaga ang lola niya.
Oorder na sana ako nang biglang may walangyang babaita ang hinablot ang aking pretty, sexy, and flawless hands.
Nagulat ako nang makita ko na ang babaeng humablot sakin ay si.. Pearl.
Bakit niya kaya ako hinablot? S-sasabihin niya na kayang b-bakla ako? OMG NOOO!!!!!
"And this guy is my boyfriend."
E-ene rew? (A-ano raw?)
*****
BINABASA MO ANG
My beki boyfie
RomanceShe's Pearl Andrada. She's beautiful, kind, intelligent. Girlfriend material. He's Lance Caxtalla. He's handsome, sporty, smart. Heartthrob. Every girl's dream. But what if-- lokohin si Pearl. At matuklasan niya ang pinakatatagong sikreto ni Lance...