Agatha's POV
(2016 CALENDAR)
October 3, iyan ang petsa kung kailan ko nakilala ang mga topaking mga Strangers. Sa first three days ko sa kanila, naiinis ako kasi ang iingay, pero I got used to it. Omg, birthday ko na pala ngayon! It's October 30! Sem break na pala namin ngayon dahil sa nalalapit na Araw ng mga Patay.
Yehey! Sigurado akong may surprise sa akin yung mga nagpipinsan, magkakakilala pala sila ni Mama eh.
Bumaba na ako sa hulaan nyo ang sumalubong sa akin.
Mali yang sagot nyo, ang sumalubong sa mga mata ko ay isang topless with abs na... Grey! Nakahiga sya sa sofa, *^▁^*yiiieeeh! Like a model! Hoooo it's so hot in here.
"Oh, gising ka na pala Agatha, halika, kainin mo na ito. "
Hala! Omg, ano raw yung kakainin ko? Huhu please help me, help me na kontrolin yung sarili ko! Naaano ako sa abs nya, nakakagutom!
"A-ano yung kakainin k-ko? "
"Eto oh. *turo sa pandesal*."
Tinikman ko yun, never pa kasi akong kumain ng pandesal eh, hihi, you know, spoiled girl.
Okay naman yung lasa nya. Lasang tinapay parin.
Matapos kumain, naligo na ako, na may pagkadismaya, alam naman na nila na ngayon yung birthday ko eh, bakit di pa naman nila ako batiin? Hay, baka kailangan nila ng Memo Plus Gold, baka sakaling di na nila malimutan. Nagbihis na ako, uupo sana ako sa sofa nang magsalita si Grey.
"Agatha, bili ka nga ng kahit ano, basta pambabae, ipabalot mo rin ah? Salamat! Tska dumaan ka rin mamaya sa bakery, sabihin no lang yung pangalan mo, ikaw na rin kumuha ng inorder ko okay? Ah, sa dress shop pa pala, mamili ka ng isang cocktail dress, ka size mo naman sya eh, kahit anong kulay na." wow, ganon, utusan na lang ako?
"Oo sige. "
Bakit hindi nila alam na birthday ko ngayon? Grabe, ganyan ba talaga ang ugali ng mga lalaki?
Sumakay na ako sa van namin.
Iistart ko na sana yung engine, pero ba't walang...
"Magtaxi ka na lang Agatha! Naubos na yung gas nyan, okay? "
Argh.
..
Mall.
Hmm, ano ba pwede rito? Mug? Nah, masyadong simple, ito kayang singsing? Psh. Baka magandahan pa yung pagbibigyan ng Grey na yan. Hmmph! May gusto na daw syang babae eh! Baka yun ang pagbigyan nya. Psh. Kainis. Naglakad lakad lang ako at tumitingin.
T shirt? No.
Couple shirts? Nah.
Chocolates? Nope.
Jewelries? Big No.
Flowers? Wag.
Hmm, how about new phone? Ah, mas lalong hindi.
Phone Case? No.
Phone case na may picture ng BTS? Never. Baka Army sya at ultimate bias nya si Jungkook. Akin lang yun.
What about... Ay,wag.
Panties? Bras? Hmm, hindi.
Brief? Ahahaha ano kayang hitsura ng babaeng binigyan ng brief? Ah basta wag.
Breath mint?
Napkin?
Diaper?
How about deodorant? Yeah, perfect.
..
Dress shop.
Hmm, cocktail dress? Para di naman mapahiya yung babaeng yun, maganda naman pipiliin ko.
Okay ba ito? Ay, wag, yung medyo pangit na lang, hihi.
Hmm, eto na lang.
..
Bakery
"Agatha Mendalia po. "
"Agatha? Ah, oo, Agatha. Oh, ito oh. Wag mong bubuksan, baka masira mo. " Grabe ka naman, sira agad? Pwede bang, masunog muna?
Hay nakakainis talaga. Nagawa pa akong utusan ngayong birthday ko? Argh.
Buti na lang at deodorant itong kinuha ko at sobrang plain na dress, hihi, ay, binili ko pala yung isang dress, yung color blue na floral. Para sa akin yun.
..
"Ta-!"
*splash*
"Xi. "
Ghaaa! Bastos! Nakikitang may tao, ayan, basa tuloy ako. Natalsikan ng tubig. Grr. Kainis itong araw na ito. Malas!
"Taxi. "
"Taxi. "
"Taxi. "
"Argh! Taaxxxi! "
"Aaah mumu! " mumu? Sa ganda kong ito, magmumukhang multo? Bwisit kayong lahat! Grrr.
Argh, parang ayaw sa akin ng mundo. Pagod na akong pumara. Kaya umupo muna ako sa sahig.
"Ate, wawa ka naman. Eto piso. Pambili ng kendi. " huhuhu, napagkamalan pa akong pulubi.
Halata namang yung mukha ng nanay ng bata ay takot na takot. Hay, ang sama nyo. Kinuha ko na yung piso. Dali dali namang hinila ng nanay yung bata at tumakbo. Bwiset! Mga pisti kayo!
"Hoy taxi! Hawak ko yung buhay ng pamilya mo at kung ayaw mong tumigil, mamatay ang pamilya mo!!!""O-opo. E-eto na nga p-po. Nakat-tigil na. S-sakay na po k-kayo. "
Agad naman akong sumakay at nagpahatid na sa bahay. Saka ko binayad yung piso na binigay ng bata.
"K-kula... "
"Mamatay kayo! "
"Sabi k-ko nga p-pong sakto yung b-bayad nyo. Hehe. " at nagpaharurot ng mabilis at malaks yung utu-utong taxi driver.
Pumasok na ako sa bahay at...
"Happy Birthday Agatha! "
BINABASA MO ANG
(Slow UPDATES) Living with the Strangers
HumorSlow updates. Wag basahin kung tinatamad maghintay dahil tamad rin ang author. Si Agatha ay isang exchange student from Korea. At sa mga Strangers sya makikituloy! Ano ba ang mangyayari sa buhay nya ngayong kasama ang magpipinsang... gwapo na lang...