Agatha's POV
Science.
"So as you can see... " kadaldal nitong kalbong ito. Anyway, nitong mga nagdaang araw, palagi nang nakangiti si Louie. Palagi ring tulala. At palagi nang nagfefacebook. Noon eh, palaging naka °_° , blank face. Ngumingiti naman sya noon kaso yung kitang kita mo yung lahat ng ngipin nya, pero ngayon ibang ngiti na eh. Tska ngayon, parang may iniistalk sya sa fb, hehe. Kasi nakikita ko yung kulay ng fb sa mukha nya, tapos bigla na lang ngingiti na parang tanga pero cute ah?
"Ms. Mendalia, would you mind solve this problem... " psh. Tanda mo na. Kaya mo yan. Kung kinaya mong magpakalbo, sus, kaya mo ring maghanap ng solusyon sa problema mo.
"Agatha. " tawag ni Bea. Hmph! Sandali! Okay, si Louie nga, sa pagkakaalam ko...
"Pst. Agatha! " ano ba Jamine?! Patapusin mo muna ako! So, si Louir nga,...
"Ms. Mendalia! "
"What?! Kalbong uugod ugod na nay tatoo sa pwet?! Inlove nya sya! " so inlove nga si Louie. Pero anong sabi ko? Kalb-bong u-uugod ugod? Hehe gotta go!
**
Kusa na akong pumunta sa Principal's Office kasi yun naman ang bukambibig ng kalbong yun eh.
"Welcome back Agatha! Ano na namang kalokohan ginawa mo? Dali, kwento! " sabi ni Ms Principal. Etong principal, dati syang estudyante rito, katulad ko rin sya, magulong babae. Tatay nya yung dating principal. Kaya nung namatay, sya na lang ang ipinalit. Nung second day ko dito sa school, na i office ako. Nung una, parang nagagalit sya kasi syempre may estudyanteng maganda ang pasaway at naioffice. Tapos, naulit na naman, hanggang sa naging friends kami ni Ms. Principal. No offense, pero ayaw nya rin kay Mr. Kalbo, palagi syang napapagalitan dahil kay kalbo.
"Wala naman. Nasabihan ko lang si Mr. Kalbo na kalbong uugod ugod na may tatoo sa pwet. "
Tapos tawa na lang kami ng tawa, pero mahina lang. Baka may makahalata.
**
Pinabalik na rin ako agad at hindi pa tapos yung science class namin. Uupo na uli sana ako nang...
"Uhmm,sir, may I excuse Ms. Mendalia? " sabi ni Louie.
"Oh Agatha, may bisita ka. " sabi naman ng kalbo.
"Thank you sir. " sabi ni Louie na naman.
"Dun na lang tayo sa cafeteria mag usap. "
"Oh sige. " sumunod ako kay Louie sa cafeteria at tinanong sya.
"Pa'no na yung class mo? Ba't ka pala umalis at inexcuse pa ako? "
"Vacant naman namin eh, tska may importante akong sasabihin. Na dapat hindi malaman ng mga pinsan ko. "
"Inlove ka? " natatawang sabi ko.
"O-oo. P-pa'no mo nalaman? "
"Wala. Kuya ko yata si Detective Conan. So, kanino ka inlove? "
"K-kay Bea. Uy wag mo sasabihin ah! Lalo na sa mga pinsan ko! Madadaldal yung mga yun. "
Ah, sorry. Ano pala, magkabatch kami nina Louie at Grey, kaso hindi magkasection.
Wait, si Bea?! Si Bea ang crush nya?!Dakilang Snob yun.
"Seryoso ka?! Hard to get yun! Tska s-... " hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita rin sya.
"Alam ko. Snob sya. Moody. Ayaw maistorbo ang fangirl activities nya. ARMY sya. Birthday nya December 30. Same kami. Tska... " di ko rin sya pinatapos dahil ganun rin ang ginawa nya sa akin kanina.
"Hep, tama na. So, ano na ang plano mo? "
"Plano saan? ", takang tanong nya.
"Like duh? Plano! Plano para magpapansin sa kanya. "
"Ah, yun ba? Siguro kaya ko na yun kahit walang plano. "
"Sure ka? "
"Oo. "
"Sige, babalik na ako sa room namin."
**
Papasok na ako sa room nang biglang magbell, hudyat na lunch na.
Bwiset. Nagsayang pa ako ng energy.
**
Nandito uli kami sa cafeteria, pero kasama na syempre yung lahat ng magpipinsan.
Kumakain kami nang may narinig akong ...
"Hi Bea. Uhmm, chocolates for you hehe. Uy, pansinin mo naman ako! "
"LECHE KA! BAKIT? BTS KA BA? HA?! BTS KA BA PARA PANSININ KO?! Buti sana kung Chocolates yan na gawa ng BTS! At umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong pakantahin pa kita ng kpop songs!" Yan si Bea.
"Whew. Mahirap nga Agatha. "
"Kaya mo yan Louie. "
**
Sensya na. Di ko maisulat yung imagination ko.
Labyu all, pero mas lab ko parin si Bwiii ko.
Bea ang pangalan ko at ultimate bias ko si Taehyungie, same kami ng ugali ni Bea jan sa kwento, kaso di ko birthday ang December 30.
BINABASA MO ANG
(Slow UPDATES) Living with the Strangers
HumorSlow updates. Wag basahin kung tinatamad maghintay dahil tamad rin ang author. Si Agatha ay isang exchange student from Korea. At sa mga Strangers sya makikituloy! Ano ba ang mangyayari sa buhay nya ngayong kasama ang magpipinsang... gwapo na lang...