01

356 8 0
                                    

Aice's POV

Ang dampi ng hangin sa aking mukha ay nagpapagaan ng aking loob. Nakaupo sa nakalatag na tela sa damuhan sa parke ng aming village. Ang sarap lang talaga ng simoy ng hangin.

Nasa tahimik na kalagayan ako nang may sumigaw. "Yels" ang sabi ng boses. Kilala ko iyon. Siya lang naman ang tumatawag sakin ng ganon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit naman ganito, heart, tama na. Masasaktan ka lang. Hindi naman ikaw ang gusto.

Lumingon ako at nasilayan ko ang maputi at maaliwalas niyang mukhang. Shit, ang gwapo. Ngumiti siya sakin at umirap lamang ako. Alam ko na iyang ngiti na yan. May hihinging pabor nanaman to. "Samahan mo ko sa flower shop." Sabi na eh.

Gusto ko sana itanong kung bakit pero ayoko na nga masaktan tsaka ano ba gagawin sa flower shop, Aice? Ayoko sana sumama kaya lang kaibigan at crush ko to. Paano ako tatanggi? Marupok ako.

Hindi pa man ako pumapayag at umo-oo, hinila na ako nito. Ano ba, crush, wag mo hawakan kamay ko. Charot. Tropa ka lang naman, Aice.

Nakabili na kami ng bulaklak at nagsimula na siya magtipa sa kanyang cellphone. "Punta kang court, Clau. Hintayin kita doon ah?"

"Iantot, una na ko. Lalandi ka pa eh." Sabi ko pagkababa niya ng telepono.

"Samahan mo na ko, Yels. Gago kasi mamaya hindi pumayag eh. Baka mag mukha akong tanga don." Umiling-iling ako. Ayoko. Hindi ko na kakayanin.

"Grabe, Aice, parang hindi ka naman kaibigan. Akala ko ba you got me? Sige na, umalis ka na. Okay lang naman. Hindi ako magtatampo." At ayon, tinawag na niya akong Aice. Hay. May magagawa pa ba ako?

"Oo na, oo na." Naiiling kong sagot at ang hayop? Ang lawak ng ngiti.

"Gago, Yels. Kinakabahan ako." Saad niya habang papunta kami sa court.

Kaya ko ba? Makita yung crush ko tanungin yung gusto niya kung pwedeng maging girlfriend niya? Kaya ko ba? Pwede bang ako nalang? Charot uli.

Dumating na si Clau. Mas kinakabahan pa ata ako kaysa kay Ian. Ewan ko pero ang sama ko yata? Hinihiling ko na sana hindi umoo si Clau.

"Oo, Ian. Sinasagot na kita." Tangina. Kakasabi ko lang.

Umalis na agad ako nang makita ko silang magkayakap. Kailangan nila ng oras tulad ko.

Dumiretso ako sa katabing playground at umupo sa swing. Ang bigat sa dibdib. Oo, crush ko lang naman siya pero masakit pa din.

Hindi ko namalayan na kasabay ng pagpatak ng luha ko ay siyang pumatak ang luha ng langit. Naalala kaya ako ni Ian?

Shit naman. Magkakasakit na ko pero si Ian pa din naiisip ko.

Hindi ako nataranta sa paglakas ng ulan. Hinayaan ko lang itong yumakap sa aking katawan.

Natutuwa na ko sa ulan nang bigla ko itong hindi maramdaman. Huh?

Tumingala ako at nakita ang isang lalaking may hawak ng payong sa tapat ng ulo ko.

"Hindi ka dapat nagpapaulan, Aice."

Bakit siya nandito?

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon