/Gabrielle/
🔸🔸🔸
Sobrang nag-enjoy kami ni Jake sa ilang araw na stay namin sa Boracay. We're back after five days at para bang nararamdaman ko pa rin sa katawan ko ang hampas ng alon sa dagat. The place was a paradise, too. Busog na busog ang mata ko sa magandang tanawin sa isla. Pero mas busog ang puso ko dahil kasama ko si Jake.
Alas-siyete na yata ng gabi nang makalapag ang eroplano na sinakyan namin pabalik sa Maynila. Nag Uber na lang kami pabalik sa condo unit ni Jake para na rin mas kumportable ang byahe namin pauwi.
"Mag dinner na lang tayo with mama," suggest ko kay Jake habang nasa sasakyan kami.
May condo unit si Jake sa QC dahil malapit iyon sa University kung saan siya nagtuturo at ilang sakay naman ang layo papunta sa pinapasukan kong ospital. We decided to stay there after we got married. Kaya dinala na ni Jake ang ilan sa mga gamit ko ilang araw bago ang kasal. I haven't been around his unit for weeks. Jake said it's under renovation and he wants to surprise me with the complete output after the wedding.
Hindi ko alam kung anong renovation ang tinutukoy nito. Maayos naman kasi ang condo niya. Kung para sa aming dalawa lang ay malaki na ang unit na iyon.
"She had plans for tonight. Lunch na lang bukas," sagot naman ni Jake sa akin.
"Gano'n? Sayang naman."
Jake smiled and squeezed my hand. Medyo traffic dahil bukod sa Friday ay payday pa ngayon kaya napakaraming sasakyan sa daan. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat ng asawa ko dahil medyo napagod ako sa byahe dahil ang dami rin naming sinakyan bago makarating sa airport. I can't wait to get home where I can lie down and sleep.
Nang makalagpas kami ng highway ay napansin kong iba ang nilikuan ng sasakyan. Nangunot ang noo ko nang biglang lumiko ang sasakyan sa isang subdivision. Sa pagkakaalam ko walang shortcut from this subdivision papunta sa condo building kung saan may unit si Jake. Tinignan ko si Jake na tila ba wala man lang reaksyon sa maling direksyon ng driver. Confused, I asked Jake.
"Where are we heading?"
"Home?"
"Bakit dito tayo dumaan?"
Malambing na pinisil niya ang kamay ko na hawak niya, "Malapit na tayo."
I know this subdivision. Ilang lakad lang ang layo nito mula sa ospital. Dito ako madalas mag jogging at sigurado akong walang daan dito papunta sa condo unit ni Jake.
After few more turns, tumigil ang sasakyan sa harap ng isang dalawang palapag na bahay. That made everything weird. Sarado ang bahay at walang bukas na ilaw. Kung may bibisitahin man kami rito, obviously they are not around.
After paying the driver, tinulungan kami nito na ibaba ang mga gamit namin. Sandali kaming nakatayo sa harap ng bahay na may kulay itim na gate. Mababa lang ang gate at may maliit na front yard ang bahay. Hindi naman kaiba ito sa mga usual two-floored houses na makikita mo sa flyers ng mga for sale na bahay sa mga subdivisions, nevertheless it was a beautiful house. Mayroon ding garahe kung saan ko naaninag ang pamilyar na kulay itim na Ford Escape. Parang nahihinuha ko na kung anong nangyayari pero para bang wala akong lakas ng loob na magtanong.
"Shall we go inside now?" tanong ni Jake na tila ba nabasa ang iniisip ko.
"Jake..." hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya. Makahulugan itong nakangiti sa ekspresyon ko. Agad ko namang naramdaman ang pakahulugan ng mga ngiting iyon.
"You.. don't mean to say that..." I stuttered.
Jake reached for his pocket, fished set of keys before handing them to me.
BINABASA MO ANG
Just Like Summer (WAHS #2)
RomanceJake and Gabby embarking new season of life, officially together. Sequel of We'll Always Have Summer by JuannaBeWriter