For the Last Time(One-Shot Story)

12 1 1
                                    

Her POV:

Iniwas ko ang paningin ko sa mga taong naglalampungang nadaraanan ko. Hindi ko maatim makakita ng mga ganitong eksena dahil hindi ako sanay sa mga ganitong lugar.

Iginala ko ang aking mga mata at sa wakas ay nakita ko na ang taong kanina ko pa hinahanap.Dali-dali ko siyang nilapitan.

"Xav... " napasulyap siya sa akin at muling ibinalik ang tingin sa basong may alak na kaniyang hawak.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang pagkakasabi. Napayuko ako.

"A-ano bang n-agawa ko? Sabihin mo naman s-sa'kin oh" hindi ko na napigilan ang paggaralgal ng boses ko. Unti-unti na ring namamasa ang mga mata ko.Ayoko ng ganito. Nasasaktan ako sa pakikitungo niya.
"P-pag-usapan natin 'to Babe... please.Please kausapin mo 'ko .Bakit mo ba ako iniiwasan ha?"

Hindi siya sumagot.

"Bakit sa tuwing magkasama tayo palagi na lang malamig ang pakikitungo mo sa'kin.Iniiwasan mo 'ko na para bang may nakakahawa akong sakit.Ano bang nangyayari ha!? Sabihin mo sa'kin dahil gulong-gulo na ako! " Tuluyan na akong napahagulgol.Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

"Hindi na kita mahal"

Napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Para bang bigla akong nabingi.

"H-ha? "

"Hindi na kita mahal" pag-uulit niya.

"A-ano bang sinasabi mo... " pilit na hindi tinatanggap ng aking systema ang aking narinig. "S-sige... magpalamig ka na muna ng ulo ngayon. Bukas na lang natin 'to pag-usapan ha?" anas ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking mga daliri at pilit akong ngumiti sa kaniya.

"U-uuwi na lang muna ako ngayon Babe, tapos bukas... bukas natin aayusin ang problema natin"

Hindi siya sumagot.

"Uuwi na ako Babe. Hindi mo ba ako ihahatid?"

"Kaya mo na ang sarili mo."

"Ha? "

"Kaya mo na ang sarili mo, umuwi ka na"

"P-pero gabi na..." nagmamaka-awa kong tono kahit na alam ko na ang ipinupunto niya.

"Umuwi ka na. Nakaya mo ngang pumunta rito. Kaya mo na ring umuwi mag-isa" Tugon niya.Tumayo siya't naglakad papunta sa maraming taong nagsasayawan. Hindi ko na siya nakita.Iniwan niya na ako dito.

Napabuntong-hininga ako. Tila ba hindi nagsisink-in sa akin ang lahat ng nangyayaring 'to.

Tumayo na ako't naglakad palabas ng Bar na pinasukan ko. Wala ako sa sariling naglalakad habang papunta sa may waiting shed.

Nakarating na ako't nakitang may isa ring lalaking nag-aantay rin siguro ng masasakyan.Hindi ko na pinansin kung ano mang itsura niya dahil walang-wala ako sa sarili ko.Hindi na ako umupo't nakatayo na lang akong nag-aabang para makita kung may parating ng sasakyan. Gusto ko nang umuwi.

Tinignan ko ang oras sa aking wristwatch at nakitang mag-aalas-onse na.Wala ng mga mga sasakyan ang nababyahe sa mga oras na ito. Napagpasyahan ko na lang na bumalik sa Bar.

Napahinto ako bago ko pa man ihakbang ang aking mga paa.Naramdaman ko ang isang matigas at matulis na bagay sa aking leeg at isang malaking kamay ang tumakip sa aking bibig. Nakaramdam ako kaagad ng takot.

"Huwag kang sisigaw,kundi ay gigilitan kita"

Hindi ako nakagalaw.Pinipipilit kong alisin ang kaniyang kamay sa aking bibig ngunit dinidiinan niya ang kutsilyo sa aking leeg.

For The Last Time (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon