Astrid's POV
"Guys! Si Miss andiyan na,"napaangat ako ng tingin at nakita ang ka-block kong lalaki na siyang sumigaw.
Mabilis pa sa kidlat na nagsiayusan silang lahat.
"Good Morning Class!" Bati ni Ms. Rodrigo habang nasa pintuan pa lamang at hindi pa tuluyang nakakapasok.
"Our topic for today is epidemiology..."paliwanag lang siya nang paliwanag pero kahit isa ay walang pumapasok sa utak ko. Pasok sa kabila labas naman sa kabilang tenga. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi talaga ako makapag-concentrate paggutom.
"Ms. Astrid McNate nakikinig ka ba?"tanong ni ma'am na nagpabalik sa akin sa wisyo.
"Yes ma'am,"mabilis na sagot ko.
Tinapunan lang ako ng tingin ng mga kaklase ko bago nagpatuloy ang discussion ni Ms. Rodrigo. Buti naman walang follow up questions kung 'di ay patay ako.
It's really hard to keep up lalo na kung hindi mo gusto 'yong degree na kinuha mo. I've always had a pretty clear idea of what I want to do in life and that is to become a criminal investigator. Pero wala akong nagawa because I'm from a family of doctors. My mom and dad are both doctors. Not to mention that my big brother is a veterinarian doctor na kasalukuyang nag-iintern kayla mom and dad dahil gusto niya raw maging people's doctor din.
Everyone's expecting na susundan ko ang yapak ng mga magulang ko and even my mom and dad wants me to take medical degree and I can't say no to them. I don't want to disappoint my family kaya tinake ko ito kahit pa labag sa kalooban ko.
Binalik ko na lang ang atensyon sa pakikinig kay Ms. Rodrigo. For me to keep up ay kailangan kong makisabay at makinig.
Namalayan ko na lang na tapos na ang klase dahil sa pag-alingawngaw ng bell sa loob ng apat na sulok ng silid namin.
Kung ano-ano pa ang mga binilin ni Ms. Rodrigo sa amin na sinigurado kong inilista ko bago siya tuluyang umalis. Inayos ko muna ang gamit ko bago sinukbit sa likod ko ang aking bag para makalabas na at makapag-lunch.
"Ash!" Naagaw ng pansin ko ang boses na tumawag sa akin. Napalingon ako sa likod at medyo binagalan ang lakad para makahabol siya sa akin.
"Nakakaloka 'yong test namin sa calculus! Wala akong kaalam-alam. Pasurprise-surprise quiz pa kasing nalalaman!" Minna Guerra, my friend.
"Nagugutom na ako. Tara kain na tayo. Do'n tayo kain sa, Streets Food. Namiss ko na 'yon,"aya niya at agad na akong hinila papalabas ng school.
Nagpahila na rin ako sa kanya. Tatanggi pa ba ako eh gutom na rin naman ako. Wala namang problema sa aming lumabas ng school as long as hindi class hour siyempre.
Sakto naman na may huminto na gump sa may waiting shed at agad na kaming sumakay rito. Medyo malayo rin kasi 'yong sinasabi niyang kainan. Actually, puwede naman kaming mag-jeep na lang, ang kaso mainit at baka bago pa kami makapunta ro'n eh maligo na kami sa pawis dahil sa sobrang init. That's the least thing I want to happen 'no.
BINABASA MO ANG
Unknown Disease
Science FictionA sudden event will destroy the world putting millions life in danger. An unknown disease is rapidly spreading throughout the world and is slowly killing the immune system of the humans. This story is about a girl who did nothing but obey her parent...