Prologue

10 0 0
                                    

Precilia Geraphile

Pilit kong tinatatagan ang aking loob, kahit na gustong gusto ko nang maglumpasay sa sobrang pagpipigil ko ng iyak.

Masakit man pero gagawin ko to para sa pamilya ko, ayoko nang magtiis pa sila ng sobra ng dahil sakin.

Kahit na pilit nilang sinasabi na kaya nila pero ramdam ko ang sobrang pagod nila—physically and mentally. Lalo na si mommy.

Housewife siya pero masasabi mong siya ang pinakamabigat ang trabaho samin. Di dahil nasa bahay siya, dahil sa pagaalaga saming tatlong magkakapatid.

Kitang kita ng dalawang mata ko ang pagkalugmok niya dito, kahit na sabihin mong ngumingiti siya pero ramdam ko ang mabigat niyang pasanin sa dibdib niya.

Isinilid ko ang mga importanteng papeles at mga gamit sa malaki kong bagpack, aalis ako ngayon di dahil napapagod na ko dito sa bahay kundi para sa ikabubuti nila.

Dahan dahan akong lumabas ng bahay namin upang di lumikha ng ingay.

Ng makalabas ako ay pinigilan ko ang aking sarili na lumingon pa. Dahil kung lilingon ako ay alam kong babalik at babalik ako.

"Goodbye..."

Umalis na ako, kasabay ng pagalis ko sa buhay nila...









(c)M.A 💋

My Barbie MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon