[A/N: Enjoy Chapter One 💓]
Precilia Geraphile
"Maaari ka nang magsimula bukas." Napangiti ako sa balita saakin ni Ate Yaree.
"Salamat ate!" Akmang yayakap ako dito ng umiwas ito.
Tinaasaan ako nito ng kilay at nagkibit balikat.
"Kung di lang ako pinakiusapan ni Nanay Emi ay di kita papasok dito eh." Nanay niya kasi ang mayordona dito sa mansion ng Del Flor.
Oo tama kayo, matapos ng maglayas ako samin ay naghanap ako ng mapapagtrabahuan ko na pwede sa edad kong kinse. At dun ko napagtanungan si manang Emi na nanay ni Ate Yaree, at dito niya nga ako idineklara.
Mabait si manang Emi, ewan ko lang dyan sa anak niyang si Ate Yaree na galit na galit sakin. Mas matanda sakin ng tatlong taon si Ate Yaree kaya siguro ayaw niya sakin.
Yumuko nalang ako sa sinambit niya at napangiti sa isip. Excited nako bukas. Stay in kasi ako sa mansion at day off ko tuwing sabado, lahat lahat sagutin na ng mga Del Flor basta't stay in ka. Sila Manang kasi ay umuuwi at si Ate Yaree dahil sa tatay niyang maysakit at sa dalawa niya pang kapatid.
"Sige ate uwi muna po ako." Tumango nalang ito at naglakad na papasok sa mansion. Ako naman ay umuwi sa bahay nila manang, doon muna ako pansamantalang pinatutuloy.
Masasabi kong mababait sila.
"Oh ate Preci, kamusta? Natanggap kaba?" Tanong sakin ng bunsong anak nila manang. Si Yeri na seven years old lang.
"Oo naman, salamat sa ate Yaree niyo at sa mama mo." Yumakap ito sakin at tinap ko ang ulo niya.
"Ate may sasabihin ako sayo, sabi ni Kuya Yael ay cru—" bago pa matuloy ang sasabihin ni Yeri ay may dumampot sakanya at binitbit siya parang sako ng bigas.
"Waaaaaah! Kuya! Kuya! Baba! Baba!" Nagtititili si Yeri at pinakikikiliti naman siya ni Yael.
Natatawang nakatingin ako sakanila, somehow namimiss ko ang dalawang kapatid ko. Si Andoi at Eya. Sa isang linggo kong paglalayas ay napadpad ako dito sa Cebu, di ko nga alam kung paano ako nakarating basta't sakay lang ako ng sakay at nagwa-one two three ako.
Masyado nakong malayo sa pamilya ko.
Di ko mapigilang mapaluha at napahinto naman ang dalawa sa paghaharutan.
"Ate bakit?" Inosenteng tanong sakin ni Yeri. Naluluhang ipiniling ko ang aking ulo, naramdaman kong niyakap ako ni Yeri at si Yael naman ay kumuha ng panyo at pinunasan ang aking luha.
Napangiti ako sakanya at gumanti rin ito ng ngiting nagsasabing nandito lang kami.
"Wala ito, sige na maghanda na tayo ng tanghalian at baka gutom na ang papa niyo." Kumalas sakin si Yeri at hinalikan ako sa pisngi bago nagtatatakbo patungo sa kwarto ng papa nila.
"Preci..." tawag sakin ni Yael, lumingon ako dito. He extended his arms, sinugod ko ito ng yakap.
He brush his hands on my hair, nakaramdam ako ng comfort sa yakap niya.
"Yael, salamat... salamat..." Naiiyak ko nanamang sabi.
"Andito kami, Preci... Andito ako..." Niyakap ko siya ng mahigpit at isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang di pa gaanong matigas na dibdib.
