unexpected comback

7 0 0
                                    

Hannah's POV

"Hey Pao, may sakit ka ba?? Bat matamlay ka? Ilang araw ko na din napapansin yan ah.."
Tanong ni pia kay pao..

Palagi na nga syang matamlay at palaging tulala..

"Hayyyy... wala to.. si Amber nga oh malungkot din.." sagot ni pao.

"Lately kasi di na kami magka intindihan ni yves.. may mga gusto syang gawin na ayaw ko.. may mga bagay na gusto ko na ayaw nya din.."
Malungkot na sabi ni amber..

"Oh well, ganun naman talaga diba? Walang perfect relationship..."
Sabi ni jane..

"MERON!!"
pasigaw na sabi ni pao.

"Sa fairytales lang yun pao.."
sagot ko..

"Diba almost perfect na kayo ni kuya noon? Masaya ka msaya sya ! Yun naman ang mahalaga diba? Yung masaya kayong dalawa?"
Malungkot na sabi ni pao.

"Almost... "
Mahinang sabi ko.. hindi ko nga alam kung lumabas ba yun boses ko or bulong nalang..

"Kung perfect sila edi sana sila pa diba? Sana walang umiyak at nasaktan.. sana walang nag papanggap na masaya na kahit hindi pa.." sabi ni pia..

"Wow pia ang lalim nun ah? Para sa akin ba yun o para sayo? Hahahha!"
Ex nya kasi si prinx..

"Ewan ... para siguro sa lahat ng nasaktan sa love!"
Mahinang sabi ni pia.

"Ikaw jane, masaya ba kayo ni miggy? I mean, naiisip mo ba na magkakahiwalay din kayo pag dating ng tamang panahon?"
Tanong ni pao.

" Oo.. "
Sagot agad ni jane. Tapos tuningin sa akin..

"Huh? Alam mo na magkaka hiwalay din kayo?? Ano naman yan jane! 2months palang kayo.."
Sabi ni amber..

"habang tumatagal ang relasyon may mga bagay kang malalaman mo sakanya kahit ayaw mo man o gusto mo.. masaya man o masakit.."
Nakatingin si jane sa akin habang sinasabi yun..

"Woohhh!! Ang lalalim nyo naman ngayon! Isa lang yan eh, masaya maging single! Hahahha!"
Sabi ko nalang. Ano kaya ibig sabihin ni jane?

"Masaya ka ba talaga hannah?"

Napatingin ako kay pao, bakit parang may galit sa tanong ni pao? May bitterness.. sabagay, kahit alam nyang si vanna ang dahilan ng pag hihiwalay namen ni paul, kuya nya parin yun.. kakampihan nya talaga yun!

" May mga bagay na dapat nalang tanggapin.. masaya ka man o hindi.. gusto mo man o ayaw.. haist! Ano ba yan nagpapaka emo tayo dito ehh, nood nalang kaya tayong Sine??"
sagot ko kay pao..

Masaya ba talaga ako?
Ilang beses ko na din natanong sa sarili ko yan..

"Ayoko.. dito nalang tayo.. nag bake pala si mom ng brownies! Tara merienda nalang tayo!"
Aya ni pao.. nandito kasi kami sa bahay nila...

Tumayo na kaming lahat! Magaling gumawa ng cakes and cookies ang mom nila pao.. noon palagi ako dinadalahan ni paul ng mga binibake ng mom nila..

SALA nila pao

Pag baba namen sa sala nila andun din pala sila paul at mga kaybigan nya..

"Hi babe, nandito ka din pala hindi mo nasabi sakin.." bati ni miggy kay jane..

"Hello.. sorry biglaan lang naman kasi, naiwan ko din cp ko sa bahay.." sagot ni jane kay miggy.. napaka casual nilang dalawa.. kumbaga sa TV love teams walang spark na madama..

"Hui.. kayo ba talaga??"
Napalingon ako kay prinx. Bakit nya naman natanong yun kay miggy at jane? Ramdam nya din kaya na walang spark?

Biglang nagtinginan si miggy at jane..
Huh?? Ano yun? Bakit??

We Still Have Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon