Smile of Happiness

5 0 0
                                    

"Kuya paano pag tuparin ni julian yung pangako nya kay hannah 6years ago?"
Malungkot na sabi ni pao.

Papunta akong washroom hindi parin bumabalik si pao. Sa may pathway papuntang washroom nakita ko si pao at paul na seryosong nag uusap.. kaya nag tago ako sa halaman para di nila ako makita..

"Pao, labas na tayo dun.."
- paul

"Kuya alam kong mahal mo pa si hannah, wag ka nalang kasi umalis, dito ka nalang mag masteral pwede mo naman sabihin kila dad yun eh.. wag na sa amerika kuya.."

Aalis si paul? Masteral sa amerika? 1month nalang pala graduate na sya ng college..

"Gusto ko din yun pao, may sarili akong dahilan.."
Seryosong sabi ni paul

"Paano si hannah? Hahayaan mo nalang na maging sila ni julian? Kuya... alam kong mahal mo pa sya.."

"Hindi ko na sya mahal pao.. hindi ko na mahal si hannah..."

Hindi na ako mahal ni paul.. alam ko yun nuon pa dahil kay vanna.. bakit parang may tumutusok sa puso ko? Naluluha ang mata ko.. iba parin pala pag narinig mo na talaga na hindi ka na mahal ng taong mahal mo... napahawak ako sa dibdib ko para akong sinasaksak sa puso..

"Hannah! Anong ginagawa mo dyan?"
Napalingon ako, si pia yun.. nakita kong tumingin sya sa banda nila pao at paul..

"Hannah!!"
Narinig kong sabi ni paul. Ayokong tumingin sa kanila.. ayokong makita nyang tutulo ang luha ko..

"Hannah, narinig mo lahat?"
Lumapit sa akin si pao.. hinawakan nya ako sa braso ko at inangat ang muka ko.. hindi ko napigilang tumulo ang luha ko..

"Hannah, Im sorry..."
Sabi ni pao..

Alam kong walang kasalanan si pao.. umalis nalang ako at lumabas nalang ulit,. Pinunasan ko ang luha ko at ngingiti ako sa harap nilang lahat ..

PAO's POV

pagka alis ni hannah, sinundan sya ni pia.. tumingin ako kay kuya..

"Aaarrrgghh!!! "
Sabi ni kuya at sinasabunutan nya ang sarili nyang buhok..

"Hindi kita masisisi kuya kung hindi mo na mahal si hannah, siguro nga tama si hannah, ano nga naman ang 3yrs kumpara sa 7yrs ninyo ni vanna..."

Pagka sabi ko nun ay tumalikod na ako kay kuya..

Nag aalala nga ba ako na baka tuparin ni julian ang pangako nya kay hannah at masaktan si kuya o nag aalala ako na baka masaktan ang puso ko?

* * *

Pag labas ko ay nag aasaran sila at pinipilit na pakantahin si Julian, oo nga pala.. magaling talaga kumanta si Julian..

"Marami ka ng utang sa barkada julian kumanta ka na hahhahaha!!"
Sabi ni yves.. ang saya saya nilang lahat..

Pagtingin ko kay hannah, ngumingiti lang sya...

"Sige na nga!"
Nag lakad na si Julian papunta sa harap.. inayos nya yun mic..

"sabihin mo muna kung para kanino yan! Hahahha!"
Sigaw ni pia...

"Para sa iniwanan ko ng pangako, anim na taon ng nakakaraan.."
Sabi ni Julian habang, naka titig lang sya kay hannah.

Napatingin ako kay hannah, nagulat sya sa sinabi ni julian, nakita ko si kuya kakalabas lang din at narinig nya yun sinabi ni julian... nakatingin lang din sya kay julian..

"Ikaw At Ako"

Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
'Di mo ba pansin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Still Have Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon