TERDYIR
Written by: Pinkballpens
*
Sabi nila, 3rd year daw ang pinaka masayang part ng Highschool. Nung una, sabi ko;Ows? Di rin.
Enrollment nun nung 3rd yr. Nalaman kong ang section ko ay section B parin. Nagonline agad ako para ichat yung mga classmates ko nung 2nd yr.
Pero pag bukas na pagbukas ko, hinanap ko kaagad yung pangalan niya.
At sakto.
Online siya.
Sana ichat niya ko :|</3
Nagantay ako kaso..
wala :(
chinat ko na lahat ng classmates kong online at. Lahat pala kami magkakaklase uli.
Nagstatus ako sa FB at sinabing:
Yess, Section B uli ako. Miss you all bestfriends.
Pagkatapos kong ipost yun, magooffline na sana ko nang biglang may magpopup sa screen.
O___O
S-siya.
C-chinat niya ko,
Sa sobrang gulat ko, nahugot ko yung internet connection.
Para kong tarantang ita na inayos yung internet at dun,
Matapos ang ilang buwan, nakapagusap na kami uli ng crush ko. Crush nga ba? Ay Hindi. Mahal pala.
-
Ewan ko, siya lang yung lalaking minahal ko ng tatlong taon. Sobrang close kami noon..
sa sobrang close, sakin niya sinasabi na may gusto siya sa bestfriend ko. First year ako noon. At second year siya.
‘Julia, favor naman?’ sabi niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Ang gwapo niya talaga.
‘Sure ano yun?’ sabi ko habang nakangiti.
‘patulong naman’ sabi niya habang nagkakamot nang ulo.
‘Hmm?’
‘ilakad mo naman ako sa bestfriend mo, si Linsay. Ganda niya kasi’ Sabi niya na biglang nagpabagsak sa mga balikad ko.
Sobrang sakit kahit na alam kong wala akong karapatang masaktan. Tandang tanda ko pa ang mga katagang sinabi niyang yun.
Matapos nun.
Nagkagirlfriend naman siya.
Sobrang excited pa niyang sinabi sakin yun,
’Uy. May girlfriend nako. Si Monica’
Nagpaulit ulit yung mga salitang yun sa utak ko, sobrang sakit pala. Ilang gabi ko rin yung iniyakan. Sobra. Gabi gabi, tinatanong ko si Lord kung bakit ganun yung nangyayari sakin.
Mas pinili kong umiwas sa kanya non.Dahil kailangan, dahil sobra kong nasaktan. Napansin niya yung pagiwas na ginagawa ko sa kanya, kaya tinanong niya ko kung ano daw ang problema.
Sinabi kong ayoko nang makagulo pa sa buhay niya kaya sinabi kong aalis nako. Ayaw niya dahil ’mahalaga’ daw ako sa kanya :|
Pero kahit na di kami nagkakausap at nagkakatext, sobra ko pa din siyang mahal. Parang feeling ko, mas tumindi yung pagmamahal ko sakanya nung nawalan kami ng communication?
BINABASA MO ANG
One shot stories♥
Short StoryMga storyang naging resulta ng pagdadrama ko. XD Comments are highly appreciated. -Pinkballpens♥