II. NEWBIE

3 0 0
                                    


3RD PERSONS POV

Sa pinakamataas na lugar sa baryo ng San Nicholas di alintana ng mga nagkakasiyahang mamayanan na may roong dalawang cherubim na pinagmamasdan sila mula sa malayo

Pista sa baryong iyon kaya't ang bawat kabahayan ay may roong handaan at Hindi alintana ang problemang tinatamasa ng mga ito.

Sa harap naman ng simbahan ay may mga taong nagkukumpulan dahil sa isang babaeng natugtog ng magandang musika gamit ang kanyang plauta. Napakaganda ng musikang kanyang tinitugtog kaya maraming nahahalina at masayang nanunuod ka kanyang ginagawa.
Ang kahon sa kanyang harapan ay napupuno na ng perang papel at mga barya mula sa manunuod.

Sa kabilang banda naman ay masayang nagsasayawan ang mga Tao sa plaza. Kahit saan dumako ay puro kasiyahan lang ang makikita.

SERAPHIM'S POV

Buong araw sarado ang aming canteen dahil inimbitahan kami ng bago naming kapitbahay na doon na sa kanila mag hapunan

Kakatapos lang naming magsikain at ngayon ay nandito kami sa kanilang bakuran.

7:21 na ng gabi
Kausap nila inay at itay sina tita merci at tito macky

Kahapon lang sila lumipat katapat lang ng aming bahay ang kanilang nilipatan. Si tita Merci at Tito macky ay may dalawang anak na babae si Evangeline ang kanilang panganay na kaedad ko lang rin at si Cassie ang bunso nilang anak na 2 years old pa lamang

" iho mabuti pa maglakad lakad na muna kayo sa labas, ipasyal mo muna si Evangeline " sabi ni inay sakin

"Oo nga iho para naman masanay na itong si Evangeline dito sa bagong lugar na titirahan namin" pang sang ayon naman ni Tito macky. Tumango nalang rin si tita Merci

Dahil wala naman na akong magagawa kaya sinunod ko nalang sila. Masaya ang kanilang pamilya dahil sila Tito macky at tita mercy ay mga mapagbiro, sila nga ang nagpumilit na tawagin ko silang tita at Tito eh, eto namang si Evangeline tahimik lang, nahihiya pa siguro saamin

Paglabas namin ng kanilang bahay naglakadlakad lang kami kung saan dalhin ang aming mga paa, sinasabi ko rin sakanya ang mga daan papunta sa simbahan sa plaza at kung saan ako nag aaral

Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid. Pista kasi sa aming lugar kaya kahit saan ka tumingin ay may mga nagkakantahan, at
nagsasayawan

Bawat madaanan namin bahay ay inaanyayahan kaming pumasok at kumain ngunit tinatanggihan ko lamang kasi may kasama ako baka mahiya sya lalo

" Seraphim! Kamusta na? Halikayo sa loob at kumain kayo "

" nako aling esmi Hindi na po, kakakain lang po namin eh. Maraming salamat nalang po "
Magalang na pagtanggi ko rito pagkalayo namin

" uhmm.. Seraphim? "

" Hay salamat salamat sa dyos sawakas nagsalita ka na. Bakit? "

kanina pa kasi sya walang imik at nasunod lang rin kung saan ako magpunta.

" ah- eh kasi, pwedeng umupo na muna tayo? " oo nga pala kanina pa kami naglalakad at malayo layo na rin ang aming narating, siguro napagod na sya

" oo naman, Tara doon tayo malapit sa fountain maganda doon " turo ko sa fountain. Ito ang pinaka sentro ng San Nicholas umupo kami sa mga batong upuan doon at pinagmasdan lamang ang fountain.

Time To LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon