I. SERAPHIM

7 0 0
                                    


"Ginoo Bakit po maraming anghel na nababa Sa lupa?"

" nababa sila doon dahil may misyon silang dapat gawin "

" Ano naman pong misyon ang ginagawa nila doon?"

Iniluhod nya ang isang tuhod upang maging magkapantay kami makita ng mabuti ang aking muka

" Marami at ibat ibang misyon ang kanilang ganagawa sa lupa iho"

*RIIIIIIINGGGGGGGGGGGG*

" Hoy seraphim, Tapos na ang lunch break balik na tayo sa classroom "

Nagulat ako ng may tumapik saakin. Idinilat ko ang aking mga mata at nag unat lumipas na pala ang lunch break, inayos ko na ang aking mga gamit at tumayo na upang bumalik sa aming silid

"Salamat sa paggising saakin belle"

" walang ano man Seraphim " nakangiti nyang tugon at nauna nang maglakad saakin

Halos wala nang estudyante sa paligid, marahil ay nasa kanya kanya na silang silid.

Habang tinatahak ang pasilyo patungo sa aming silid ay may nakita akong isang babaeng natakbo at mukang ito ay naiyak, sinundan ko sya ng tingin hanggang sa nakita kong pumasok ito sa loob ng janitor's room. Nakakapagtaka man ngunit ipinagpatuloy ko nalang ang aking paglalakad dahil baka ma late na ako sa aming susunod na asignatura.

Lumipas ang mga oras at sa wakas ay uwian na rin.

Nagtungo ako sa likod ng skwelahan upang kunin ang aking bisikleta na madalas kong ipinaparke roon.

Dumiretso ako sa maliit na canteen ng aking inay upang tulungan syang mag asikaso doon.

"Inay nandito na po ako" bungad ko ng akoy pumasok at nagmano Kay inay

"Nako iho mabuti at nandito ka na pumaroon ka na sa kusina Dali! Ang tatay mo kasi ang tigas tigas ng ulo, sabi kong magpahinga na lang sya sa bahay eh gusto nya raw tumulong dito kaya ayun sya ang nagluluto ngayon doon sa kusina" sabi ni inay at agad naman akong pumasok sa kusina,

Nandoon nga ang itay at nagluluto ng kaldereta. Nagmano rin ako sa kanya

" itay mas mabuti po na umuwi na kayo at magpahinga sa bahay, Hindi po makakabuti sainyo kapag kayo ay napagod rito"
Kinuha ko sakanya ang sandok at ipinagpatuloy ang kanyang niluluto. Nagpaalam naman na sya agad ngunit parang masama ang kanyang loob.

Ayaw lang naman namin ni inay na mapagod sya dahil masama iyon sa kanyang sakit. May TB si itay kaya kailangan naming magtrabaho ni inay upang may maipambili sa kanyang mga gamot, sapat lang ang kinikita namin ni inay para dun.

Alas singko na ng hapon at Hindi pa rin kami nagsasara nang biglang may humahangos na sa tingin ko ay isa sa aming kapit bahay nagtungo sya kung nasaan ang inay at narinig ko ang kanyang sinabi
" aling mesi! Aling mesi! Si mang Nato po! Nakita kong nakabulagta sa tapat ng bahay nyo! " humahangos nyang sabi Kay inay
Kinabahan ako sa narinig kong yon, at agad na tumakbo papunta sa bahay namin. Nakita ko namang sumunod agad si inay saakin at ibinilin ang canteen sa kanyang kakilala doon

Dalawang kanto pa ang layo ng aming bahay at mas binilisan ko pa ang aking takbo dahil baka mahuli na ang lahat

Nang makarating sa tapat ng aming bahay ay pumasok kaagad ako sa aming gate, nakita ko nga si itay na nakabulagta sa sahig, agad akong lumapit sa kanya at binuhat ang ulo ni itay
Hindi maaari itooo!!

"Itayy!! "

"Itayyyy!!! "
Nakita kong dumating na rin si inay na pagod na pagod sa kakatakbo

"Nay! Si itayyyy!!! "

"Anak--"

"Nay ang itayyyy!!! "

"ANAKK!!! " natigilan ako ng biglang sumigaw ang inay

" anak naman! Napaka drama mo dyan! Lasing lang Yang itay mo oh! Amuyin mo amoy alak! "
Inamoy ko si itay, amoy alak nga! Nakanang naman oh!! Sayang yung luha ko

Napasapo nalang ako sa kahihiyang nagawa ko. Binitawan ko ang itay at pinagtulungan namin ni inay na ilipat sya sa kanilang higaan

Mga alas sais ipinasarado na saakin ni inay ang canteen.

"Tignan mo naman itong itay mo, may sakit na lahat lahat nagawa pang mag inom" sabi ni inay habang pinupunasan ang itay ng maligamgam na tubig.

"At kanina nga pala iho, infairness ang galing mo umarte ha! Pang best actor! May luha luha pang effect. Hahaha! "

Napasapo ako sa aking noo dahil naalala ko nanaman ang kahihiyan ko. Para akong tanga kanina

Lumabas nalang ako ng kanilang silid at nagtungo sa aking silid. Hayyyy! Nakakahiya talaga ang ginawa ko kanina

Naisipan kong umakyat sa bubong namin. Naglagay kasi ako ng hagdan mula sa bintana ng aking silid para makaakyat doon.

Alas otso na ng gabi at napakaganda ng langit lalo na ang buwan na sinabugan ng mga bituin

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang pinagmamasdan ang magandang kalangitan,

pagdilat ko ng aking mga mata hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita may mga apoy na bumubulusok pababa mula sa kalangitan

Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako unang beses na makakita ng ganoon. Tinignan ko ang aking orasan ala una na pala ng madaling araw

✴✴✴✴

" Rafi! Anak bilisan mo na dyan baka malate ka na sa eskwelahan, aalis na ako ah! Yung baon mo iniwan ko nalang sa lamesa " tawag ni inay saakin

"Opo inay! Nariyan na po. Umingat po kayo ah! " paglabas ko ng aking silid nakasalubong ko si itay na kalalabas lamang ng kanilang silid ni inay

"Oh iho nasaan ang inay mo? " tanong ni itay

"Kaaalis nya lang po itay. Cge po aalis na rin po ako itay, malalate na po kasi ako eh. Kumain na po kayo dyan ah"
Nagmamadali kong kinuha ang aking baon na iniwan ni inay at dalidaling nagbisikleta patungo sa aming paaralan. Hindi naman kalayuan ito sa aming tahanan kaya sigurado akong hindi ako malalate kapag binilisan ko pa ang takbo ng aking bisikleta

Dali Dali akong pumasok sa gate ng eskwelahan dahil kakatapos lamang nitong magbell at wala na ring mga estudyante sa paligid. Binati ako ng guard at binati ko rin ito, sinabihan pa ko neto na wag tumakbo kasi baka madapa daw ako. Pero late na ako eh, sabi ko rito

Hingal na hingal akong pumasok sa aming silid nang biglang sitahin ako ng aming guro

"Oh Seraphim nalate ka ata ngayon, magpunas ka nga ng pawis mo at umupo na sa upuan mo" ani ni miss Naomi

"Yes miss, sorry po" tumango naman sya at ipinagpatuloy na ang lucture

Time To LeaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon