Chapter 1
Mysterious Girl
"Ahhh! Nakakainis naman!"
Nasabunot ng binata ang buhok niya dahil sa sobrang inis.
Nandito nanaman sa park ang isang binata na nagngangalang Jiro. Sa tuwing may problema siya, dito siya laging pumupunta. Dahil para sakanya, nawawala ang problema niya sa mga nakikita niyang mga bata sa sobrang saya sa paglalaro.
Gustong gusto niya dito dahil wala siyang away na naririnig, walang naguutos sakanya at walang nagsesermon sakanya. Ayaw niya kasing makita ang laging nagaaway na magulang niya, kaya dito lagi ang tambay niya. Sa lugar na tahimik at payapa. Sa lugar na kung saan siya masaya.
"Uwaaa! Uwaaa!" Napatingin si Jiro sa direksyon kung saan nang-gagaling ang iyak ng bata. Agad siyang tumakbo duon nang nakita niya yung nadapang bata, pero bago pa siya makarating may isa nang babae ang tumulong dito.
"Ayos ka lang ba? Hala, may sugat ka. Sa susunod wag ka na kasing tatakbo ha?" Napangiti si Jiro sa ginawa ng babae na kaedaran niya lang. Tumango lang naman ang batang tumigil na sa pagiyak. Binuhat ito ng babae na akmang dadalhin sa isang upuan.
"Ako na lang magbubuhat sakanya." Alok ni Jiro sa babae, napatingin naman sakanya ang babae at tumango ito. Hindi naman niya agad nakuha ang batang lalaki dahil sa pagkakatulala niya duon sa babae.
The way na nginitian kasi siya ne'to kanina, parang gustong sumabog ng puso niya. Ngayon lang kasi ata siya nakakita ng ganun kagandang babae. Oo, mukha siyang anghel kung ngumiti na nagtutugma sa di kahabaang dress niyang puti at sa malambot na mahaba niyang buhok na kung iisipin mo ay sya ang isang 'Ideal Girl' ng mga kalalakihan.
"Excuse me? Sure ka ba?" Bumalik sa realidad si Jiro at agad na kinuha na ang batang lalaki mula duon sa babae. Nakangiti namang naglakad si Jiro papalapit sa isang pinakamalapit na upuan kasama ang babae.
"Naku, sayang ang makinis mong balat. Wait lang, gagamutin yan ni ate." Napatingin si Jiro sa babae na kumuha ng panyo at alcohol sa maliit na bag ne'to. Nilagyan ng babae ang panyo nya ng kaunting alcohol.
"Medyo mahapdi 'to baby ha? Pero parang kagat lang 'to ng langgam promise! Hihipan naman ni ate eh." Dahan dahan ipinahid ng babae ang panyo niya sa batang lalaki at itinali na 'to sa tuhod ng batang lalaki.
"Masakit ba? Hindi diba?" Tumango naman ang batang lalaki. Napangiti si Jiro sa ginawa ng babae, sa totoo lang kanina pa siya nakangiti. Dahil sa kagandahan ng babae at sa kabaitan na ipinairal ne'to.
"Jc! Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap." Biglang may lumapit na isang babae na nasa mga 30's na at agad kinuha ang batang lalaki na nag ngangalan palang JC.
"Nadapa po kasi siya kanina, kaya po ginamot namin ang sugat niya. Wag po kayong magalala, gasgas lang naman po ang natamo niya." Napangiti ang matandang babae kila Jiro na sa totoo lang ay wala naman talagang naitulong si Jiro sa paggamot ng sugat ni JC.
"Naku, salamat sainyo. Sige mauna na kami ha? JC mag ba-bye kana." sabi ng matandang babae sakanyang anak na si JC. Nagwave lang naman si JC at gayun narin sila Jiro at ang babae.
Nang makalayo na ang matandang babae pati narin si JC. Napatingin naman si Jiro sa babaeng katabi niya na nakatingin parin kay JC.
"Ang cute niya no?" nakangiting sabi ng babae kay Jiro habang nakatingin lang sa direksyon ni JC.
"Oo nga eh. Kala ko nga kapatid mo, parehas kayong cute." Napatingin naman ang babae kay Jiro at nginitian lang siya ne'to. At sa pangalawang pagkakataon, para nanamang sumabog ang puso ni Jiro. Unang beses niya 'to maramdaman sa tanan ng buhay niya.
"Haha. Salamat." Yaan nalang ang sinabi ng babae at tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Tumayo rin si Jiro para sundan ito, gusto niya kasi malaman ang pangalan ng babae. Napatigil sa paglalakad ang babae ng nalaman niya na sinusundan siya ni Jiro.
"Bakit?" Tanong ng babae kay Jiro. Napakamot naman ng ulo si Jiro dahil hindi niya alam kung papaano uumpisahan ang pagtatanong sa pangalan ng babae.
"Gusto ko lang kasi malaman ang pangalan mo?" Nagaalinlangang tanong ni Jiro, tumawa ng mahina ang babae at tinitigan siya.
"Secret." Natatawang sabi ng babae, at tinalikuran na muli si Jiro. Para namang nasa heaven ang pakiramdam ni Jiro ng humampas sa mukha niya ang malambot na buhok ng babae na may napakabangong amoy. Para bang cloud 9 feels?
"Bye Jiro!" Napatingin siya sa pinangalingan ng boses, at nakita niya ang babae kanina na medyo kalayuan na at ito'y nag wa-wave sakanya.
Kung kanina ay para lang sumabog ang puso ni Jiro, ngayon naman ay parang may world war III na sa puso niya at parang may mga ipis narin sa tyan nya. At pilit niya paring sini-sink in sa utak niya ang pag wave sakanya ng babae at sa pag tawag sa pangalan niya.
Para bang na-estatwa siya sa pagkakatayo niya at hindi ma-absorb ng utak niya ang pangyayari na alam ng napakagandang babae ang pangalan niya. Napatingin naman siya ulit sa pwesto ng babae, pero sa kamalasan nga naman wala na ito.
Umuwing may ngiti sa mga labi si Jiro at pilit iniimagine muli ang mukha ng misteryosong babae.
-
vote x comment x thankyou x
BINABASA MO ANG
Miss Stranger (SOON)
Teen FictionLove comes from the most unexpected time & place. © blossomheartgirl 2014 |