Chapter 2
Bucket ListMuli, nandito nanaman si Jiro sa di kalayuan na park sakanila. Hindi dahil sa nag-aaway nanaman ang kanyang mga magulang, pero dahil sa nagbabakasakali muli siya na makikita niya muli ang misteryosong babae kahapon.
Halos mag da-dalawang oras na syang palakad lakad dito sa buong park pero hindi parin niya na kikita ang dalaga. Mag aalas singko narin ng hapon kaya't napagdesisyunan nalang niya na umuwi nalang at babalik nalang bukas.
Akmang maglalakad na siya palabas ng park pero para nalang siyang baliw na napangiti ng nakita niya ang misteryosong dalaga na nakangiting kumakain ng icecream at naglalakad lakad na parang bata.
Muli, hindi nanaman mawari ang nararamdaman ni Jiro ng makita niya ang dalaga, sa bawat pag ngiti ne'to na lumalabas ang mapuputing ngipin at malalalim na dimples sa mataba ne'tong pisngi.
"Miss!" tawag ni Jiro dito at tumakbo papalapit sa dalaga. Napatingin naman sakanya ang dalaga habang patuloy parin ang pagkain ng ice cream.
"Bakit mo nga pala alam pangalan ko?" tanong ni jiro dito ngunit hindi ito sinagot ng babae sa halip ay umupo lang ito sa isang bench at nginitian lamang siya. Napakamot naman ng ulo ng Jiro.
Ang weird talaga... yaan nalang ang naisip ni Jiro.
"Gusto mo ba maglakad lakad tayo?" Medyo nagaalangan pang sinabi yan ni Jiro yan kasi baka hindi ito pumayag pero nagulat si Jiro ng bigla nitong hawakan ang kamay niya't nagumpisa na maglakad sa park. Nung una medyo naiilang pa si Jiro pero ng napatingin siya sa dalaga na nakangiti pang naglalakad, napangiti nalang din siya.
"Jiro, bili pa tayo ng sorbetes!" parang batang sinabi yan ng dalaga at hinatak si Jiro papunta sa nagtitinda ng dirty icecream. Hindi alam ni Jiro, pero sa bawat pagbigkas ng dalaga sa pangalan niya ay may ibang tensyon na bumabalot sa katawan niya't..... puso nya.
Bumili naman si Jiro ng dalawang sorbetes na may iba't ibang flavors at ibinigay na ito sa dalaga. Nag pasalamat naman sakanya ang dalaga at nagumpisa nanaman muli sa paglalakad. Isang makabasag pinggan ang bumalot sa paligid nila sa buong paglalakad nila.
*PEEP PEEP*
"Hala!" Napatingin naman si Jiro sa dalaga ng bigla itong bumitaw sa kamay niya at tumakbo papalapit malapit sa tuta na muntikan na masagasaan. Napalapit nalang din si Jiro dun.
"Itabi mo nga yang aso mo! Pati ikaw tumabi! Pakalat kalat! Tsk." Napakunot ang noo ni Jiro sa sinabi ng tryc driver, sisigawan nya rin sana ito ngunit naka alis na 'to. Napatingin naman siya sa dalaga na hawak hawak ang tuta at nakanguso habang tinitignan ang tryc palayo.
"Kawawa ka naman, nasaan ba ang magulang mo? Bakit ka kasi nila iniiwan dito.." Hindi alam ni Jiro kung matatawa ba siya o maaawa. Naisip niya kasi na hindi naman tao ang aso para maging responsibilidad sila ng magulang nila pero bakas sa mukha ng dalaga na talagang naaawa siya sa tuta.
Napatingin ang dalaga kay Jiro na may malaking ngiti sa mga labi. Napakunot naman ang noo ni Jiro at naisip na... naku, hindi magandang ideya 'to. tsk tsk.
"Jiro, pwede bang iuwi mo siya mamaya?" Napakamot naman sa ulo si Jiro, sa totoo niyan kasi hindi talaga siya mahilig sa aso at nakakatawa man isipin pero medyo takot siya dito.
Sabi ko na nga ba.. isip ni Jiro.
"Ah-eh." Hindi alam ni Jiro kung ano ang isasagot niya dahil ayaw talaga niya sa aso, pero sa mukha palang ng dalaga parang bigla nalang siya mapapa 'oo'.
"Kawawa kasi siya, baka masagasaan ulit siya." Nagumpisa ulit maglakad ang dalaga, napakamot nalang siya sa ulo niya. Paano na 'to? Isip niya.
"Hindi kasi ako mahilig sa aso." At sa wakas nasabi narin ni Jiro ang gusto niyang sabihin sa totoo lang nahihiya kasi siya baka isipin ng dalaga na takot siya pero totoo naman yun.
"Takot ka ba sa aso Jiro?" Gulat na napatingin siya sa dalaga at napatingin sa ibang direksyon, medyo nahiya pa siya pero napayuko siya ng matawa ng mahina ang dalaga.
"Hindi naman sila nangangagat, ang bait kaya nila. Hawak mo siya Jiro, dali!" Medyo napaatras si Jiro ng ilapit sakanya ng dalaga ang aso. Napakunot naman ang noo ng dalaga.
"Jiro naman, mabait kaya siya. Hawakan mo siya dali." Wala nang ibang nagawa si Jiro kundi ang hawakan ang aso, medyo ilang si Jiro dahil takot dalaga siya dito. Pero lumipas ang ilang minuto ay naging komportable narin siya sa aso. Napatingin naman siya sa dalaga na nakangiti sakanya.
"Sabi ko sayo Jiro e! Ang cute cute niyong dalawa! Yehey!" Parang batang pumalakpak ang dalaga at napatawa nalang si Jiro dun. Binilhan nila ang tuta ng tali para makapaglakad sila ng maayos sa park. Medyo padilim narin dahil 6 na ng hapon at napagdesisyunan nilang umupo muna saglit bago umuwi.
"Lalaki pala siya. At ang gusto kong pangalan niya ay, Lero!" napakunot ang noo ni Jiro sa ibinigay na pangalan ng dalaga sa tuta, nawala naman ang ngiti ng dalaga dahil sa ibinigay ni Jiro na reaksyon.
"Bakit? Pangit ba?" Nakapout na sabi ng dalaga habang nilalaro si Lero. Napailing naman si Jiro sa dalaga.
"Hindi naman, pero bakit kasi Lero? Di siya fit." Natawa naman ang dalaga at naisip na dati ayaw ni Jiro sa aso pero ngayon gusto niya siya na halos ang pumili ng pangalan neto. Ngumiti nalang siya kay Jiro na hawak hawak ang tali ni Lero.
"Oo nga pala, bakit ako pa kailangan mag uwi? Bakit di nalang ikaw?" tanong ni Jiro sa dalaga, napatingin naman sakanya ang dalaga.
"Gusto ko, maging close kayo." Nakangiting sabi ng dalaga at tumayo na ito mula sa pagkakaupo at inaya na si Jiro na umuwi. Pero napatigil si Jiro at kinuha ang isang papel na nahulog mula sa dalaga.
"Sayo ba 'to?" tanong ni Jiro sa dalaga, napatingin naman sakanya ang dalaga. Nang makita ito ng dalaga agad netong hinablot ang papel na hawak ni Jiro.
"A-ano yan?" Medyo nagulat pa kasi si Jiro sa biglang paghila ng dalaga sa papel na hawak niya.
"Bucket list ko 'to." Nakangiting sabi ng dalaga kay Jiro, nagtaka naman si Jiro sa sinabi ng dalaga, at iniisip na para saan yun?
"Bucket List?" nagtatakang tanong ni Jiro sa dalaga. Napangiti naman sakanya ang dalaga at sinabing...
"Oo, at gagawin ko 'to lahat ng kasama ka, Jiro."
-
vote x comment x thankyou x
BINABASA MO ANG
Miss Stranger (SOON)
Teen FictionLove comes from the most unexpected time & place. © blossomheartgirl 2014 |