"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko pero parang walang lumalabas na boses sa bibig ko. Dinadaanan lang nila ako.
Sinubukan kong gumalaw pero hindi ako makagalaw.
Sa di kalayuan ay may nakita akong lalakeng nakatayo at tila ba minamasdan ako, blurred ang kanyang mukha kaya hindi ko makilala kung sino ito.
Sinubukan kong gumalaw ulit nang biglang sumakit ang ulo ko.
Para ba itong tinutusok at pinipiga. Nahilo ako at..."Panaginip nanaman"
Ilang buwan ko na ring napapanaginipan yun kaya parang yun na ang naging alarm ko, wala naman akong maalalang nangyari yan saakin kaya hindi ko alam kung bakit lagi ko yung napapanaginipan.
Tumayo na ako at dumiretso sa cr para maligo, paniguradong late nanaman ako.
Di na ako pinapagalitan ng teacher ko kapag late na ako dahil siguro eh nag sawa na sila.
Paalis na ako ng bahay ng nagsalita si mommy
"Nak, di ka nanaman kakain?"
"Nagmamadali na ako mommy eh"
Kinuha ang susi ng aking supersport at pinaandar ito, kapag nadadaan ako sa mga tindahan at timing na may tao eh lagi silang tumitingin saakin. Para bang nagtataka o nagugulat. Bakit? Lalake lang ba ang pwedeng mag motor? Ha? Kala niyo eh. Oo babae ako at nagmomotor ako eh sa traffic masyado dito sa pilipinas kaya mas maganda kapag may motor ka. Para makasingit lang sa mga masisikip na lugar.
Pinark ko na ang motor ko sa tabi ng gate ng school namin at sinabihan ko ang guard.
"Goodmorning guard, dito nalang 'to ha? Thank you!" Hindi pa umoo ang guard eh umalis na ako at pumasok.
"Goodmorning guards" bati ko sa mga guardya ng eskwelahan namin
"Goodmorning imnida" bati ko naman sa korean teacher namin.
Oo, tama ang narinig niyo. May korean lesson ang school na pinapasukan ko. Kaya nga nandito ako eh kasi ito lang ang school na nagtuturo ng korean. Bakit? Siempre para pag magkita kame ng mga oppa ko e di naman ako nganga sakanila.
Hindi lalampas ng 350 ang estudyante dito dahil mahal ang tuition fee. Pero hindi naman ako nagbabayad ng tuition dahil full ang scholarship ko. Hindi kame mayaman at hindi rin kame mahirap, kumbaga sakto lang.
Ang unang klase ko ay Physical education. Nakakatamad ng pumasok dahil puro exercise lang naman dun at sports. Sporty ako pero sino ba namang di tatamarin kung ang nagtuturo e tamad.
"Goodmorning miss" bati ko sa aming guro
Habang nag didiscuss ang teacher namin sa kung ano e antok na antok ako. Di ko mapigilan ang hindi ipikit ang mata ko. Kaya nabatukan ako.
"Ms. Eustaquio, ang aga mo naman para matulog sa klase ko"
"Sorry miss"
Nagsimula na ang exercise pero matamlay parin ako. Gusto ko talagang matulog. Nang malapit na ang time ay nagkaroon na ako ng lakas dahil korean na ang lesson namin.
"See you next meeting"
"Bye miss" malaki na ang ngisi ko ngayon.
Tumayo ang class president namin at nagsalita
"1...2..3...and" sabi ng president namin na si Amy
"Annyeonghaseyo seonsaengnim" (Hello teacher) sabay sabay naming bati sabay bow ng 45 degree.
BINABASA MO ANG
PAIN
Teen FictionHow will you live when your life is full of pain? How will you survive this chapter of your life? Will you still be okay? Or you'll end your life so that you can no longer feel the pain.