Nakarating na kame sa mall. Manonood nalang raw kame ng sine at maglalaro sa WOF. Kita kong panay parin ang pag tingin ni Ras sa kanyang phone. Curious na talaga ako kaya di ko na napigilan ang sarili ko na mag tanong.
"Bakit ka panay tingin sa phone mo?" Tanong ko
Kita kong nagulat siya sa tanong ko at agad itinago ang kanyang cellphone. Iba ang pakiramdam ko dito ah.
"Ras... May tinatago ka ba?" Kabadong tanong ko
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba sa tanong ko o dahil sa magiging sagot niya.
"Wala"
Nawalan na ako ng ganang manood ng movie dahil di ako mapakali. Hindi niya maialis ang mata niya sa phone niya.
Pinilit kong intindihan ang palabas na pinapanood namin pero hindi ko maintindihan dahil puno ang isipan ko. Nang di ko na matiis eh sinabihan ko na si Denise na uuwi nalang ako. Nakakainis naman kasi, ngayon nalang nga kame nagkasama eh ganun pa.
Tumayo na ako sa upuan ko at lumabas. Busangot ang mukha ko paglabas ko. Kita kong nakatingin saakin ang mga mata ng karamihan sa labas. Pake niyo ba kung nabubwisit ako! Ishhh
Itetext ko nalang si Ras mamaya para sabihing nakauwi na ako. Babalikan ko pa pala ang motor ko sa school. Hindi ako pinamotor ni Denise kanina eh dapat daw sabay kame.
Kinuha ko ang cellphone ko at naalalang wala nga pala akong number ni Ras. Shit!
Tumingin muna ako sa likod para tingnan kung hinabol ba ako ni Ras. Pero wala.
Tinext ko nalang si Denise na pakisabihan si Ras na mauna na ako.
Pumunta na ako ng eskwelahan at kinuha ang motor ko. Para makauwi na, pagod na rin kasi ako.
Nakarating na ako ng bahay. Hinanap ko si mommy pero wala siya. Walang ibang tao sa bahay maliban saakin. Pumasok nalang ako ng kwarto ko at humiga.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may 10 missed calls galing kay Denise.
Ano kayang problema nito. Dinial ko ang number niya at agad naman niya itong sinagot.
"Hello Eunice!" Medyo nagmamadali niyang sambit
"Ano? Ba't ka tumawag kanina?" Tanong ko
"Sabi kasi ni Ras na tawagan ka eh"
Bakit naman siya magpapatawag. Pwede naman niyang hingiin ang number ko eh. Tsk
"Bakit daw?" pa inosente kong tanong. Obvious naman kung bakit.
"Malamang umalis ka. Akala niya raw mag si cr ka pero di ka na bumalik. Papunta na ata siya jan sainyo"
Bigla akong napaupo nang marinig ko yun. Ang kalat ng kwarto ko ngayon. Dali-dali kong inayos ang mga kalat sa kwarto ko.
"Shit...Sige Denise. Salamat!"
Inayos ko ang bed sheet at inamoy ko ang mga unan kung mabaho na na sila.
Bigla kong naisip na bakit nga ba ako nag aayos dito sa kwarto. As if naman na papapasukin ko siya dito lalo na't dalawa lang kame.
"Eunice... Sa sala lang siya ano ka ba!" Sabi ko sa sarili ko.
Ilang sandali lang ay may kumatok na sa gate. Baka siya na ito.
Dali dali akong pumunta sa pintuan para pagbuksan siya ng pinto. Pag bukas ko bumungad ang nag aalala niyang tingin saakin. Bakit parang nag aalala siya. Wala naman nangyari saamin. Di naman kame nag away.
"Eunice..." napapaos niyang sambit
"Hmmm?" Sabay taas ng dalawang kilay ko.
"Galit ka?"
Bigla akong umiling. Bakit naman ako magagalit diba. Di niya naman kasalanan kung bakit panay ang tingin niya sa cellphone niya. Wala akong pake.
"Tumawag kasi si papa saakin kanina. Sabi niya may isesend daw siya, kaya lagi kong chinecheck ang phone ko. Sorry"
Yun naman pala eh. Ba't di niya pa sinabi. Kaasar naman oh!
"Sana sinabi mo nalang agad" ngumuso ako at tiningnan niya ito.
Bigla akong kinabahan. Baka halikan niya ako at di ko mapigilan ang sarili ko dahil sa kagwapuhan niya jusq!
Bigla akong umiling. Ano ba itong nasa utak ko? Anong nangyayari saakin?.
"Bakit ka?" Pagtatakang tanong niya
"Ha?... Wala"
Awkward.
"Ahmm... P-pasok. Ka"
Nabubulol na ako. Ano ba naman Eunice, umayos ka nga!
Umupo siya sa sofa. Binuksan ko ang tv para hindi masyadong awkward.
"Ano gusto mong kainin or inumin?"
Parang di niya narinig ang sinabi ko kaya inulit ko ulit. Kita kong parang malalim ang iniisip niya. Nang narinig niya na ang sinabi ko ay sumagot siya.
"Ah... Juice nalang" sabay ngiti
Ano ba yan Ras. Mas naiinlove ako dahil sa ngiti mo.
Pumunta na ako ng kusina para ipagtempla siya ng juice.
Habang nag tetempla ako ay nakikita ko siyang nakaupo lang at nag aantay. Hindi ko mapigilang isipin kung ano ba talagang nagustuhan ko sakanya pero isa lang ang alam ko. Gusto ko siya, gustong gusto. Hindi ko na kailangan ng dahilan para malaman na gusto ko siya.
Ilang saglit lang ay may naramdaman akong mainit sa likuran ko. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa beywang ko. Inilapit niya ang kanyang pisngi sa pisngi ko at nag salita
"I missed you. So. Much!" He whispered
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pinapawisan na ako dahil sa kaba.
"I missed you too" sabi ko
Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sakanya.
Dahan dahan siyang lumalapit. Ang mga mukha niya ay palapit ng palapit sa aking mukha...
5 inches
4 inches
3 inches
2 inches
1 inch
Pumikit ako.
Naramdaman kong may mainit sa aking noo. At pagtapos nun ay niyakap niya ako. Mahigpit na mahigpit.
Mahal ko talaga 'to. Mahal na mahal. Naiiyak ako habang kayakap ko siya.
"I love you Eunice. I love you so bad" sabi niya habang nakayakap saakin.
Kinalas na niya ang pagkakayakap saakin. Kita kong may kung anong kumikislap sa mga mata niya. Umiyak siya. May mga konting bahid ng luha sa mata niya. Di ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na ako.
"Why are you crying?" gulat niyang tanong
Umiling ako at bahagyang ngumiti.
"I just missed you so so much! I love you too Ras"
Pagkasabi ko nun ay niyakap niya ulit ako. Sobrang higpit. Halos di na ako makahinga buti nga sandali lang yon.
Kumalas siya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
PAIN
Teen FictionHow will you live when your life is full of pain? How will you survive this chapter of your life? Will you still be okay? Or you'll end your life so that you can no longer feel the pain.