Chapter 1

11 1 0
                                    

"Taint! Ano ka ba? Gumagana pa ba ng ayos iyang utak mo? Ha? This is probably the biggest and most craziest party of the year, sabay hindi ka pupunta!?" Eksaheradang sabi ng bestfriend kong si Washelinda Pristine T. Quesila habang tinatahak namin ang kahabaan ng hallway sa building ng mga grade 12 students.

We stopped by our locker at binuksan ko iyon ng marahan. Una kong nakita ang maliit na parisukat na salamin na naka-dikit sa may likod ng pinto nito. Bukod pa roon, ay nagkalat rin ang iba't ibang litrato ko at ng aking bestfriend simula grade 7 hanggang grade 12 at idinikit ko ito gamit ang tape.

Meron din doong litrato na bukod tanging naka-frame, may mga puso-puso at bulaklak iyon na design sa paligid. In the picture was a smiling boy wearing black ragged jeans paired with a white T and an unbottoned checkered long sleeves on top, agaw pansin rin ang kumikintab niyang cross earrings sa may kaliwang teynga. I almost fainted seeing him in this picture. It was a stolen picture of him way back when we were in grade 9 at sasayaw sila para sa foundation day.

Neon Jinevix A. Creed, my ultimate irrevocable crush since gradeschool. Hihi.

Napailing nalang ako sa munting alaalang sumagi sa aking isipan. Moving on, maayos rin na naka-stack ang aking mga libro at notebooks, at nakalagay rin sa isang case ang aking mga lapis at ballpen. Nang natapos na ako sa pagmasid, ay kinuha ko na ang aking sketch pad at lapis na gagamitin namin sa first subject which is literature and arts.

Naglagay rin ako ng pulbos sa mukha at konting pabango sa katawan. Tiningnan kong mabuti ang sarili sa salamin at ng makontento na sa aking itsura ay agad ko iyong isinarado at lumingon sa kanya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay, kumunot rin ang aking noo, at marahan akong umiling sa kanya. Sumimangot siya sa sagot ko.

Why would I do to that party anyways? Dance? Drink liquor? Get wasted?

No way! Mas gugustuhin ko pang magbasa ng libro sa bahay o kaya manunuod ng sweet flicks maghapon kesa umuwing gumegewang-gewang at nasusuka.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa aming classroom, na malapit sa dulo ng hallway. Naramdaman ko naman siyang sumunod.

Habang mabagal na humahakbang ay mataman kong pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Like the usual high school scenes, maraming nagtatapunan ng papel sa bawat classrooms, meron ring nagbubugbugan ng pabiro, may mga naglalandian sa mga sulok, naghahalikan, nagtatawanan, at isang nakakabinging ingay ang namamayani sa paligid. Napahinga ako na malalim. This is it Taint Fertility B. Madrigal, it's your last 3 months in high school.

"We're graduating Taint! 3 months na lang ang natitira sa atin!" Hindi ko man siya nakikita ay ramdam ko ang lubos na pagka-irita sa tono ng pananalita niya.

Napa-ismid naman ako. "You made it sound like we're dying Wash. Besides, magkikita-kita pa naman ata tayo sa college diba?"

What's so important 'bout this party anyways?

Nakarating na kami sa tapat ng classroom at nadatnan namin roon ang nakasaradong pintuan. Before I turn the knob ay hinarap ko muna siya.

"Yeah! But....but....but.....!" nauutal-utal niyang saad.

She's out of words.

"I'm still not going Wash and that's final."

Pagkasabi ko noon ay pinihit ko na pabukas ang pintuan. I was about to enter the room when my forehead suddenly bump into to this hard thing.

"Ouch!" I initialy reacted. Naka tungo akong nagkamot ng noo at pinatong ko rin ang aking kamay sa mismong bagay na nabanga ko para ma-maintain ko ang aking balanse.

HEARTBREAK(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon