Ang Simula
Third person's point of view:
"Mahal na mahal kita anak,patawarin mo si mama kung mawawala ako ng maaga sa tabi mo." aniya ng isang babae sa kanyang anak habang karga-karga ito.Hindi mapigilan ng Ina ang labis ng lungkot gayong kailangan niya ng umalis para sa kaligtasan ng kanyang anak.
"Kung tutuusin anak,masaya ako at nabuhay pa kita. . .kahit na dapat ay patay na tayong dalawa" sambit nito habang yakap-yakap ang kanyang anak na maya-maya lang ay kailangan niya ng lisan.
Tama ang sabi ng mga matatanda,hindi na dapat pa nabubuhay ang dapat na matagal ng patay.
Isang kaluskus ang narinig ng Ina kaya agad itong napalingon at dahil sa takot na maabutan pa siya ni kamatayan ay agad niya ng kinatok ang pintuan ng isang bahay.
Hindi nagtagal ay pinagbuksan siya,Isang matandang babae ang kanyang unang nasilayan.
"Akin na" aniya ng matandang babae at agad na inilahad ang kamay,nagtaka ang Ina sa sinabi ng babae.
"Huwag kang mag-alala,ligtas ang anak mo. . . Nakatakda na ang kamatayan niyong dalawa ngunit nais mo pang mabuhay siya,hindi ba?" sambit ng matanda kasabay ng pag-ngiti.Agad namang gumaan ang loob ng Ina at sinuklian ren ito ng isang ngiti.
"Alagaan niyo ho siya,Akira. . .Akira ang pangalan niya" tugon ng Ina,Tumango ang matanda at kinuha na ang sanggol sa bisig ng Ina.
"Oras na para tumawid ka sa kabilang mundo,huwag kang mag-alala. . .sisiguraduhin kong hindi siya matutunton ni Kamatayan" paninigurado ng matanda.Hindi na napigilan ng ina at tuluyan ng umagos ang luha sa kanyang mga mata.Isiniil niya sa halik ang pisnge ng kanyang anak.
"Mahal kita,Akira" bulong nito at tuluyan ng umalis.
Napatingin ang matanda sa sanggol na nasa kanyang bisig,napangiti ito ng makita niyang iminulat ng sanggol ang mapupungay nitong mata.
Ngunit napawi ito nung tila nag-iba ang ihip ng hangin,nalalapit na si kamatayan.Agad na pumasok ang matanda at kinandado agad ang pinto habang buhat ang sanggol.
Alam ng matanda kung ano ang mangyayari bago pa man ito maganap.Kinuha niya ang 'blade' na nasa bulsa niya at agad na nilaslasan ang hintuturo at ipinahid sa pintuan ang dugo.Ito ang magsisilbing proteksyon nila kay kamatayan,ang dugo ng isang immortal.
Dumako naman tayo sa Ina na nagpasya ng tumigil sa pagtakbo mula kay kamatayan.Tumigil na siya dahil alam niyang hanggang dito na lamang siya,tumigil na siya dahil alam niyang oras niya na,Huminto na siya dahil alam niyang dapat ay matagal na siyang nawala sa mundo.
"Paalam Akira. . ." sambit nito.Hindi nagtagal ay naramdaman niya na ang paglakas ng hangin,alam niyang nasa tabi niya na si kamatayan.
"Marika Ascunsion,namatay noong Agosto --,----.Sa wakas ay natunton din kita" ani ng isang lalaki mula sa kanyang likuran,Buong tapang niya itong hinarap.Hindi nga siya nagkakamali,Si kamatayan nga ito.Isang lalaking naka-hood na itim at napaka-putla ng kulay ng balat.May hawak itong libro. . . Book of the dead.
"Mamatay na ba ako?" tanong ng Ina kay kamatayan,Nakita naman niyang mapait na napatawa si kamatayan kaya pinagsisihan niyang itanong ito.
"Hindi na tanong yan,dahil noon palang dapat ay patay ka na. . .at ng iyong anak" ani ni kamatayan,naglakad ito papalapiy sa ina at binuksan ang libro ng mga patay."Ayon dito,mayroon kang anak,ngayon sabihin mo sa akin kung nasaan siya."Utos nito sa Ina ngunit hindi nagsalita ang ina,sa halip ay umiwas ito ng tingin.
"Alam mo bang isang malaking kasalanan ang paglabag sa batas ng kamatayan ng isang mortal!"sigaw ni kamatayan.Napapikit ang Ina at hindi pa ren kumibo.
"Kung sino man ang bumuhay sa patay niyong mga katawan,malilintikan siya. . .Hindi ko talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa utak niyong mga mortal" Bumuntong hininga si Kamatayan,"Sisiguraduhin kong mapapasaakin ang dapat na sa akin,at iyon ay ang anak mo" dagdag nito.Tinignan nito ang orasan niya at napangisi ng wala sa oras.
"Marika Ascunsion. . .Your time is finally over" aniya ni kamatayan,binuklat niya ang libro ng mga patay at tuluyan ng lumabas ang kaluluwa ng Ina sa kanyang katawan at ang katawang naiwan ay agad na naging bangkay na inaagnas.
Kaluluwa na lamang ang babae,"Bakit agad na inagnas ang katawan ko?" naguguluhang tanong ng ina.
"Gaya nga ng sabi ko,matagal ka na dapat binawi mula sa lupa. . .dumiretso ka na sa pinto,naghihintay na ang kabilang mundo" sabi ni kamatayan.
Unti-unting naglakad ang babae patungo sa pintuan,bago siya pumasok ay may binulong muna siya.
'Mag-iingat ka Akira'
Naiwan si Kamatayan na nakatayo at tila inis na inis sapagkat mayroon pa ren siyang kailangang hanapin at yun ay si Akira. . .
-
-
-
-【This is Not The korean drama 'Goblin' na kung saan may grim reaper and all. . .This is my own story and my own plot,okay? Okay! 】
Don't sugar coat the truth cuz your not willy wonka! Kung gusto niyo nang realtalk game! Kasi ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung talkshit,nagkakaintindihan ba?
Oreo_Islayf
YOU ARE READING
PARTNERS IN CRIME
Horror【THIS STORY HAS CLICHES,SO IF YOUR NOT INTO IT THEN GO AHEAD AND CLICK YOUR 'GO BACK' BUTTON.】 "She loves Mystery so much,she became one" - - - Isang Determinadong Detective at Isang dalagang nakakakita at nakakausap ang mga patay na gustong malaman...