I burst out laughing when I read something funny from the story I'm reading.
Putek! Hahaha! Pati ba naman yun!?
Alam niyo na siguro kung anong ginagawa ko no? Bakit ba? Trip ko yan eh. Kumbaga, routine ko na yan noon paman.
Dahil sa biglang pagtawa ko, umingit bigla ang natutulog kong kapatid na nasa crib. Yeah, you read it right. Sa edad kong to meron akong kapatid. Wag muna kayong magtaka. Eh kasi naman eh!
I, Asherr Grey Sy, 19 years of age meron ng kapatid. Hindi naman sa ganun. Nasanay na kasi akong mag-isa. Lalo na't busy pareho ang mga magulang ko sa mga trabaho nila. Hindi naman kasi kami mayaman eh. Ewan ko ba bakit biglang naisip nila na bigyan ako ng kapatid sa edad nilang yun! Weird!
Paksheett! Bigla akong napatigil sa pag-iisip nang marinig ko na naman ang nakakabibinging iyak ng kapatid ko. Bakit ba ako biglang natawa ayun tuloy. Arghhh!
Kinuha ko na ang kapatid kong babae na si Angel sa kanyang crib.
Naku! Nakapanggigil naman tong batang to oh! Hindi ko maiwasang bigyan ng masamang tingin si baby Angel. Ang hindi ko pa naman gusto eh yung naiistorbo ako sa pagbabasa ko.
Sinimulan ko ng ihele siya hangang sa makatulog siya. Nang makatulog na siya ulit ay inilagay ko na siya sa kanyang crib.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya kinuha ko muna ang aking cellphone.
Wala eh. Kahit nasa C.R yata dala ko to.
Pumasok na ako sa aming kusina. Binuksan ang ref tsaka kumuha ng tubig na mula sa pitsel. Nagsimula na akong uminom ng biglang tumunog yung cellphone ko.
One message received
Sino kaya to? Hindi naman siguro sila mama at papa ko no? Wala rin naman akong inaasahan na text. Sa totoo lang, ngayon lang yata ulit nakatangap ng message to eh. Walang love life eh kaya walang ka text.
Binuksan ko na ang inbox at nakitang from an unknown number galing.
+639*********
Hi! Psst!Who u? Napangiti ako sa aking naisip. Baka pwede ko ng gawing text mates to. Mhehehe. Nagtipa ako then I send it to whom may it is. Nagreply kaagad ito nang wala pang sampung segundo. Aba! Ang bilis ha!
+639*********
It's me. Zack 😘Nawala bigla ang ngiti ko at napalitan ng simangot. Excited sana akong sagutin pero nanlumo ako ng malaman ko kung sino ito.
"Tssk. Akala ko pa naman kung sino. Zack-zakin ko yang pagmumukha mo eh!" Bigla ko nalang nasambit.
Tsss. Akala mo naman kung sinong gwapo. Kung nagtataka kayo kung sino siya, well siya yung kapitbahay namin na ubod ng pangit. Hindi lang mukha pati na ata ang ugali nun eh. May tsismis pa naman na isa siyang gangster. Well, kita naman sa kanyang itsura. Kada dadaan lang ako papuntang school eh kung makaasta parang ang cool. Palaging nakasmile na kita pati gilagid. Akala mo naman parang si Lee Jung Sok kung makapagsmile. Hayyss.
Nakalawalang gana naman ouh. Akala ko pa naman chance ko na yun para magkaboy friend.
Napapailing nalang ako habang padabog na inilagay ang baso sa lamesa at hinayaang nakabukas lang ang aking cellphone.