Unspoken Words

0 0 0
                                    

Hi, kumusta ka na?
Mukhang okay ka naman na
Buti ka pa,
Pero ako nandito pa rin sa bakas ng ating nakaraang lumipas na. 😔

Nagulat ako, isang araw nakita kita ng hindi sinasadya. Kukumustahin sana at lalapitan pa,
Ngunit nakita ko ang iyong mga ngiti,
Na 'ni minsan ay hindi ko nakita noong ako'y iyong kapiling...

Nakita kita, kasama mo siya. Sa inyong mga tawa't kulitan, ramdam kong ika'y masaya na. Kaya't hindi na guguluhin pa, masaya akong makita kang ganyan ☺

Nandito pa rin ako sa ating nakaraan, patuloy na binabalikan ala-ala nating unti-unting kumukupas. Mahal pa rin kita, pero hindi na maaari, sapagkat sa puso mo'y may iba nang nagmamay-ari.

Naaalala ko pa, mga panahong tayo'y magkasama't magkahawak-kamay, mga labi mong sinasambit ang salitang "Mahal kita". Pero teka, mahal nga ba? Ay mali, hindi pala dapat ganon, dapat nga pala ay "MINAHAL NGA BA?"

Sa araw araw noon na tayo'y magkasama, hindi kita nakitang masaya kahit minsan. Sa tuwing ako'y manghihingi ng kahit katiting na oras, ika'y nagagalit, sinisigawan na parang ako'y walang halaga.

Napapagod na ako sayong mga hampas at sampal, pero mahal kita kaya ang mga ito'y natitiis ko!
Nakalimutan kong tao lang din pala ako, may hangganan at napapagod din. 😪

Isang araw, nagising ako sa katotohanan; katotohanan ako'y hindi mo mahal at ako'y iyong pinaglalaruan mo lamang. Sa larong pag-ibig na ito ako'y natalo at uuwing luhaan.

Iniwan kita at ako'y lumisan. Nagpakalayo-layo at sayo'y hindi nagparamdam. Nagbabaka sakaling ikaw ay matauhan at ako'y iyong balikan.

Ngunit taon na ang lumipas, patuloy na naghihintay sayong pagbabalik. Ngunit hindi ko na kaya, napagod na akong maghintay kaya't binalikan kita!

Ngunit sa pagbabalik ko, siya ang iyong kapiling, ang kaibigan kong itinuring na parang tunay na kapatid! Bakit siya pa? Ano bang nagawa kong pagkakamali sa iyo, para parusahan mo ako ng ganito? 😭

Masaya ka na, sapat na siguro para sa akin iyon. Ikaw ay papakawalan na, sarili ko'y papalayain sa mga tanikalang iyong itinali. Minahal kita at Mahal kita, pero hindi ko na kayang mahalin ka pa, dahil pagod na ko at paulit-ulit na lang na nagkakaganito.

Kaya mahal, paalam na sa ating mga ala-alang kay tamis ngunit ngayo'y nagdudulot ng pait, sa ilang taon kong paghihintay sa wala na umaasang ika'y matatauhan. Paalam na, mas uunahin ng mahalin ang sarili kaysa iba, uunahing pahalagahan ang sarili kaysa sayo! Pagod na ko, pagod na pagod. 💔

Bes, alagaan mo siya at huwag mong papabayaan, masaya siya sayo, kaya't huwag mo siyang papaiyakin kahit minsan. Bes, mahal ko siya, pero mas papahalagahan ko na ang sarili ko.

Susuko na ko, at mas magiging matatag para sa sarili ko.

PoemsWhere stories live. Discover now