Chapter Nineteen

7 0 0
                                    

Sabrina Levy's.

Lumipas na ang ilang buwan. Balasyon na. Bumalik na ang lahat sa dati. Si kuya, si mom, si dad.

Kami ni Glen? Masaya, mahal ko sya at mahal nya ako.

Maayos na ang lahat..

Nag vibrate ang cellphone ko.

Wilfred calling..

"Hello? Wil?"

"A-ace." Base sa boses nya ay hingal na hingal sya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Anong nangyari?"

"Sa tingin ko kailangan nyo nang bumalik ni Queen sa palasyo. Nakuha nila si Glen, si Alleah, si Gia, si Gieann at si Michael. Sinubukan kong pigilan.. Pero.. Sorry Queen." Bigla akong nalaramdam ng kaba sa buong sistema ko. No!

Mali ako.

Hindi pa maayos ang lahat.

"At hindi BRM's ang kumuha sakanya. Ibang grupo ng mafias." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"Ano?!"

"Ace, please. Bumalik na kayo sa palasyo."

Ibinaba ko ang tawag. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit.

Ipinahamak mo ang sarili mong anak. Mr.Salazar!

Madadamay pa ang iba.

Wag lang tatama ang hinala ko.

Tumunog ulit ang cellphone ko at isang mensahe galing sa unknown number ang natanggap ko.

From: 09*******78

'Ano Queen? Kinakabahan ka naba? Tapos na ang maliligayang araw na meron ka. Tinatapos ko na. Masarap diba? Masarap mag alala. Tama ba? Magsisimula na ang pagdurusa mo pati ng mga tao sa paligid mo. Maglalaro tayo.. At ikaw ang taya.'

"Your'e just a piece of bullshit!"

Wag lang tatama ang hinala ko.

Dahil handa kong bawasan ang katorseng kinabibilangan ko.

Handa akong pumatay sa isa sainyo..

Kung isa man sya sa taong pumapaligid skin ngayon.

Ikaw ang magdurusa.

Ikaw ang magiging taya.

Ikaw ang paglalaruan ko.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang nagaalab na galit na mayroon ako ngayon. Basta ang gusto ko ay matagpuan ko na sila Glen.

Nasa death forest ako ngayon nang may mga hindi pamilyar na tao akong nakita na nagtatangkang pumasok sa palasyo. Tahimik kong binawian ang isang pinaka malapit sakin.

Isang bagay ang napansin ko sa bangkay sa harap ko.

Ang tatlong tuldok sa likod ng tainga na hugis tatsulok..

Ngumisi ako.

Kilala ko na kayo.

Kilalang kilala ko.

Isa ka nga sakanila.

Hindi talaga ako nagkakamali ng pakiramdam.. Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa mga labi ko.

Mukang magsasaya ako sa larong ito.

Kinuha ko ang phone ko tsaka tinawagan si Wilfred. Tatlong ring lang ay nasagot na nya agad ang tawag ko.

"The Queen is unmasked now, gusto nyo ba syang makilala?" Ngumisi ako. "To the death forest now." Saad ko tsaka pinatay ang tawag.

Sunod kong syang tinawagan. "Alas, lumabas ka na dito." Hindi ko na inintay ang tugon nya bagkus ay in end ko ang call tsaka itinago ang phone ko at sunod sunod na tahimik binawian ang mga taong pumapaligid at nagtatangkang pumasok sa palasyo ko.

Everything I Do, I Do It For You.Where stories live. Discover now