Chapter Five - Instant Nurse.

16 0 0
                                    

Instant Nurse.

Sabrina Levy's.

Hindi pa lumalabas si Glen sa guestroom. Ang tagal maligo ng isang yon, a! Naunahan ko pa? Ts, habang nagluluto ako ng sopas na kakainin namin ay kumakantakanta lang ako.

Dito ako ngayon nakatira sa townhouse na palihim na binili nila kuya Henrix para saming tatlo. Pag nagsasawa kami sa bahay ay dito kami pumupunta. Hindi naman na siguro ito naaalala ni kuya Excel kaya dito muna ako..

Namuo nanaman ang mga luha ko. Lungkot nanaman ang bumalot sa sistema ko. Ang bigat sa pakiramdam.

Tama lang ang laki ng town house na ito. Two storey, sa ibaba ang living room. Kitchen. At entertainment room. Pati ang basement. Sa second floor ay may apat na kwarto. Tigiisa kaming magkakapatid at ang nasa dulo ay guestroom na. Kumpleto na rin ito sa gamit. At san galing ang pera ko? Edi sa dalawang magagaling kong kuya. Sige ang pasok ng pera sa Bank account na hindi rin alam ng mga magulang nila. Alam kasi nilang pasaway ako at alam din nila ang pinagdadaanan ko sa bahay namin. Para daw alam nilang may gagastusin ako pag nagtangka akong umalis sakanila. Magkano ang laman nong Bank Account? Well, sapat na halaga nang pera na kaya na akong buhayin ng 20years. Isama mo pa ang luho ko. Oo ganon kalaki. Di ko ma imagine.

Pagtapos kong magluto ay umakyat na ako. Ano bang ginawa ng isang yon? Hays!

Kumatok lang ako. Pangatlong tawag ko na sa pangalan nya ay bumukas na ang pinto ng guestroom. Nginitian ko sya. Namumula sya at halatang bagong ligo. Bagsak na bagsak ang kanyang itim na itim na buhok na may highlight na blonde. Humaharang ang ibang hibla sa kanyang malalalim na mata na parang mga mata ng agila. Brownish eyes na nanlilisik tumitig. Namumula ang kanyang matangos na ilong pati ang kanyang maninipis na labi. Perfect jawline. Mahghad! Sa puti nya ay halatang halata na namumula sya. Nagulat naman ako dahil yong tshirt ni kuya na napili nyang suotin ay ang sibling shirts naming tatlo. Suot ko rin ang akin ngayon, para tuloy kaming naka couple shirt.

"Nakapagluto na ako. Tara sa baba?"

Tumango sya at lumabas ng pinto ngunit nakakadalawang hakbang palang sya ay tila na sya tutumba. Agad ko naman syang naalalayan. "Ayos ka lang ba?" Hindi sya sumagot. Ang ginawa nya lang ay ipatong ang noo nya sa balikat ko. Nakayuko sya ngayon sa harap ko. Hinipo ko ang leeg nya at.. "Sh*t. Ang init mo Glen. Inaapoy ka ng lagnat."

Hindi pa rin sya nagsasalita. Iniakbay ko sakin ang kanan nyang kamay tsaka ko yon hinawakan. Inilagay ko naman sa bewang nya ang freehand ko at Inalalayan ko sya papunta sa kwarto ko, may heater kasi doon. Ang initinit nya.

Marahan syang nahiga sa higaan ko. Agad ko naman syang pinatungan ng comforter. Bumaba ako at kumuha ng mangkok tsaka ko nilagyan ng tubig at malinis na bimpo. Inilagay ko iyon sa isang tray tsaka umakyat sa taas.

Inilapag ko lang ang tray sa side table ng kama ko. Tinitigan ko sya saglit at nagsimula na rin akong punasan sya. At panghuli, itinupi ko ng ayos ang bimpo tsaka iniwan yon sa noo nya.

"You'll be fine, I'll take care of you." Mahinang sabi ko kay Glen na ngayon ay tulog na.

Bumaba ako ulit at nagsandok ng sopas. Kumuha narin ako ng mga gamot na kailangan ni Glen. Ipinagtimpla ko lang sya ng chocolate coffee tsaka inilagay yon lahat sa isa pang tray at umakyat ulit sa taas.

Tinanggal ko ang bimpo sa noo nya at binanlawan ulit yon sa tubig sa mangkok tsaka ko ulit sya pinunasan. Hinipo ko ang noo nya, "Not bad, atleast di na kasing taas nung kanina."

Marahan kong tinapik ang pisngi nya. "Glen, gising ka muna. Kain ka para makainom ka ng gamot."

Dahan dahan nyang iminulat ang mata nya. Bakas parin dito ang panghihina. Ngunit isang tipid na ngiti ang lumabas sakanyang labi. Napangiti din ako.

Everything I Do, I Do It For You.Where stories live. Discover now