Mahal

14 0 0
                                    

Kahit saan magtingin
Ikaw lang napapansin

Bawat sulyap sa langit
Ika'y sa isip sumasaglit

Giliw ko ika'y nakakaakit
Kahit pa ang mga mata'y nakapikit

Tila ikaw ay bituing
Hindi humihinto sa pag ningning

Salamat at ika'y nakilala
At nagbigay kulay sa buhay kong maputla

Salamat at ika'y naging akin
Ika'y aking tunay na mamahalin

Hanggang sa pagtanda
Hanggang sa kumuba

Hanggang sa pagkulubot
Kahit sa agawan ng kumot

Tanggap ko kung sino ka man
Tanggap ko kung ano ka man

Saakin ikaw ay biyayang bigay
Aking mahal na tunay

Heartbreak PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon