Prologue

4 0 0
                                    




Hindi ko alam kung bakit. Kung bakit nung una kitang nakita sa school, tumigil ang mundo ko. Yung para bang tumigil ang oras. Lahat tumigil nung una kitang makita.
'Diko alam kung bakit simula nuon, lagi na kitang hinahanap hanap. Gusto ng mga mata ko pag tapak ko ng school, ikaw agad makikita ko. 'Diko alam kung bakit tuwing makikita kita, bumibilis ang tibok ng puso ko. 'Diko alam kung bakit tuwing nakikita kita, napapatigil ako, napapatulala ako. So ayun, dahil dun naging stalker mo ako. Ini-stalk kita at nagulat ako sa nalaman ko. Miyembro ka pala ng isang banda. Ang Crude Play, isang sikat na banda, tinitilian, iniidolo, minamahal. Naging fan nyo ako dahil dun. Number 1 fan pa nga. 'Diko inaasahan na mapupunta ko sa sitwasyon 'nato. Nagdalawang isip ako nung una dito sa pagiging fan nyo dahil nga sa sikat kayo. Mahirap kayo abutin. Marami akong kaagaw, maraming babae ang may gusto sa inyo. Maraming magagandang babae ang tinitilian kayo. Pero inisip ko, what if may patunguhan tong pagiging fangirl ko? What if matuwa ako sa pagiging fangirl ko? Sumaya ako lalo dahil fangirl ako. Gusto kong maramdaman kung anong pakiramdam ng isang fan. Kung ano ang ginagawa ng isang fan. At masaya ako na naging fan nyo ako. Masaya ako sa nagagawa ko sa inyo--- sa iyo, sinusuportahan, sinisilayan, tinitilian, at higit sa lahat, minamahal kita.

Hoping you'll be mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon