Naglalakad ako patungo sa klase ko. Tipikal na araw lang ngayon. Mga babae nag chichismisan. Mga babae na nakaupo sa mga bench dito sa school. Mga lalaking loko-loko. Mga lalaking nag uusap, mga lalaking may binubully. Tinignan ko sila isaisa. Katulad din nila ako. Isa akong istudyante. Isang simpleng tao. Simple manamit. Pero isa ang di ko kapareho sa kanila. Di ako mayaman. Mahirap lang kami kung tutuusin. Ngunit kahit ganto ay nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Scholar ako dito sa school, St. Therese Academy. Simple lamang akong tao. Di ganun pumorma, di mamahalin ang mga damit, sa totoo nga yung iba kong mga damit, galing lang sa ukay-ukay. Ngunit kahit ganito ang pamumuhay namin, di ako galit sa magulang ko. Di ako nag rereklamo na ganto lang ang buhay namin. Laking pasasalamat ko na pinalaki ako ng mga magulang ko na ganto. May takot sa diyos, masiyahin, matulungin, pag may problema, tinatawanan lang namin to ng pamilya ko. Sa bahay namin, Lima kami dun. Di ganun kalaki ang bahay namin. Nangungupahan lamang kami. Ngunit maayos naman ito dahil sa akin Ina. Ang tatay ko ang nagtatrabaho para samin. Minsan ako rin. Nag papart time job ako. Para matulungan ang pamilya ko, para rin sa pagpapaaral sa mga kapatid ko. Panganay ako kaya kailangan kong tumulong. Syempre para rin sa baon ko. Pag walang maibigay ang akin tatay ay yung sahod ko ang aking baon, kumukuha ako dun ng kaunti at ang matitira ay para sa pamilya ko. Ang dami ko ng nasabi ngunit hindi nyo parin alam ang aking pangalan. Ako si Krystal. Krystal Juenzo. 17 years old. College student. Taking up Psychology.Ayun nga. Dumeretso nako sa first class ko. Pagpasok ko ng classroom, iilan pa lang ang mga students na nadoon. Kaya umupo ako sa may bandang dulong upuan. Ayoko na sa unahan kasi basta ayoko lang. Unti unti rin nagsisidatingan ang mga tao. Maya maya pa at dumating narin si Aeriana. Ang Bestfriend ko.
"Hoy, lukaret ka! Ba't hindi moko inintay sa gate? Nag text ako sayo ah?" Sabi nya sabay pabagsak na paupo sa tabi ko. Tinignan ko naman ang cellphone ko sa bag at nandun nga ang text nya.
"Haha. Sorry na, Aeri. Nakasilent pala ko kaya diko namalayan na may text ka." Napakamot na lang ako sa ulo. Nagtataka kayo kung bakit may phone ako? Regalo sakin to ni Tatay nung unang sweldo nya. Sabi nya kinakailangan ko raw to ngayong nasa kolehiyo nako. Kailangan ko daw sila tawagan kung sakaling may mangyari.
"Anyways. Besi! Nakita ko ulit sya! Shems. Napaka gwapo nya talaga!" Ayan na naman sya. Nagkwento na naman sya tungkol sa mga idol nya.
"Ayan ka na naman, besi. Nagpapantasya ka na naman jan sa idol mo. Ganun ba sila kagwapo para mabaliw ka ng ganyan?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, besi! Ganun sila kagwapo para kabaliwan ko ng ganito! Nako. Pag sila nakita mo, sinasabi ko sayo matutulad ka sakin." Sabi nya at nginisian ako. Inilingan ko na lang sya dahil dumating na ang prof. namin para sa araw na ito.
Mabilis na natapos ang pagtuturo ng prof. namin. Nakinig ako ng mabuti kaya ready ako sa quiz namin bukas ngunit may isa akong parte na di maintindihan. Kaya pupunta ako ng library para aralin yun.
"Tara na, besi. Cafeteria tayo. Nagugutom ako eh. Di ako nakakain kanina kasi akala ko late nako. "Sabi nya sakin habang nililigpit ang mga gamit nya.
"Nako, besi. Di muna kita masasamahan. Kailangan kong pumunta ng library. May kailangan akong aralin na lesson. Diko maintindihan eh. " paliwanag ko sa kanya.
"Napaka grade-conscious mo talaga, babae. Osya. Sunod na lang ako dun pagtapos ko kumain. Dalhan na lang kita ng pagkain. " sabi nya sakin.
"Ay, wag na besi. Okay lang. Di naman ako masyado gutom. " sabi ko.
"Hay nako, Krystal. Umayos ka nga. Alam kong di ka nakakakain ng maayos. Alam kong yung parte mong pagkain ang binibigay mo na lang kela Tristan at Trisha. Alam kong nagpapaka ate-duties ka na naman sa mga kapatid mo. But sino ba ang hindi mamimigay ng food dun sa mga kapatid mo. Eh napaka ku-cute nila! Anyways, umayos ka, Krystal! " Nakairap nyang saad. Kilalang kilala na nya talaga ko. Hays. Tumango na lamang ako kaya sya ay tumahak na papunta sa cafeteria. Ako naman ay binitbit ang bag at hawak ang dalawang libro at isang notebook sa braso ko. Naglalakad ako patungo library. Walang kumakausap sakin habang naglalakad ako. Ganyan ang mga tao dito. Nababasa ko basi sa mga mukha nila na hindi nila ko gusto. Syempre, hindi ako katulad nila. Hidi nila ako kauri. Kaya ganyan sila sa akin. Buti nga di ako nabubully dito. Di lang talaga sila kumakausap sakin. Naglalakad ako papunta sa library at bubuksan na sana ang pinto ng may bumukas ng pinto mula sa loob kaya nagulat ako at dahilan yun kaya nahulog ang mga dala kong libro. Yuyuko na sana ko para kunin ang nga libro ko ngunit sumabay rin ng yuko ang taong nag bukas ng pinto, kaya nagkauntugan kami.