Dismissal na at last subject na namin yun. Naglalakad kami ni Aeriana patungo sa gate para umuwi. Tumingin ako saglit sa relos ko at nakita ko ang oras dun, 2:30 na. Early dismissal kami kanina kaya mejo maaga pa."Krys. Nanjan na si manong. Una na'ko sayo ah? " hinalikan nya na ko sa pisngi at tinanguhan ako.
"Ingat kayo!" Pahabol kong sigaw. "Ikaw din, besi! Bye!" Sigaw nya pabalik. Kinayawan ko na sya.
Kailangan ko nang umalis para sa trabaho ko. Part-time worker ako ngayon. Kailangan kong magtrabaho. Malapit na matapos tong first sem at bayaran na naman sa mga school projects. Di ako nagbabayad ng tuition fee dahil nga scholar ako. Pero magastos parin dahil mejo may kamahalan ang mga projects oh di kaya ay bayarin dito sa schools. Nakakahiya kung hihingi pako kayla nanay para dun. Pumara na'ko ng trycicle at pumunta sa trabaho ko. Pumunta 'ko sa Caffè de jonggù. Isang cafe. Malapit lang to sa school namin pero sumakay parin ako dahil baka pawisan ako kung lalakarin ko 'to. Nakakahiya sa mga customer kung mabaho ako. Kaya pag dating ko sa loob ay binati na agad ako ng co-workers ko dun. Naabutan kong nagpupunas ng lamesa si Jason. Katrabaho ko sya. Mas nauna syang pumasok dito sa Cafe. Mag iisang taon na sya dito ngunit ako ay bago pa lang. Pabago bago kasi ako ng trabaho. Syempre, kailangan eh.
"Oh. Krystal, anjan ka na pala. Sakto, kailangan ko na ring umalis. Kailangan ako sa bahay eh. Nag loloko na naman yung baby ko." sabi sakin ni ate Myla nung makita nyako. Mommy na nga pala sya. Alam ko, bata pa yang si ate Myla eh. Maaga lang nabuntis tas tinakasan nung naka buntis. Hays. Napaka iresponsable. Ngumiti naman ako kay ate Myla.
"Sige po, ate. Ako na pala ang papalit sayo ngayon. Akala ko po si Fiona. " sabi ko sa kanya. Akala ko, sa mga tables ako naka assign for today. Cashier pala ko ngayon.
"Wala si Fiona ngayon eh. Nag leave ata sya ngayon. Diko pa sya nakikita simula kanina. " sabi nya. Tumango na lamang ako.
"Magbibihis lang po ako, ate Myla." Tinanguhan nya na lamang ako. Dumeretso ako sa likod, sa may locker area. Nilagay ko dun ang mga gamit ko at nagpalit na ng uniform namin. Nagsuot na din ako ng hairnet at apron. Kulay maroon tong uniform namin kaya maganda. Ang ganda kasi ng kulay. Tinernuhan pa ng puting damit sa loob. White and maroon ang kulay ang kulay ng unif. namin. Lumabas nako ng locker room at dumeretso sa cashier. Nagtatanggal na rin ng apron at hairnet si ate Myla. Mukhang di na sya magbibihis. Maya-maya pa at natapos na sya at ready ng umalis.
"Osya. Una nako. Kayo ng bahala dito ah?" Tumango kami at kumaway na kay ate.
"Ingat ka, ate Myla!" Mejo pasigaw kong saad. Tinanguhan nya lamang ako at kumaway. Tuluyan na syang umalis. Okay. Start na ng trabaho. Mamaya paguwi ko, mag rereview pa ako. May quiz kami bukas sa major subject ko. Nandun lang ako sa cashier at nag hihintay ng customer na oorder. Maya- maya pa at may pumasok na grupo ng babae. Mukhang mga high school student sila. Eto na.
"Anong sayo inyo, girls? My treat!" Sabi ni ateng girl. Nag sabihan na sila ng mga gusto nila at oras na para kunin ko iyon.
"Good afternoon po, maam. What's your order po?" Sabi ko. Nakatingin si atenggurl sa taas sa may menu.
"Uhm... Two blue berry cheesecake, one brownie milk shake, two banana milk shake, and two chocolate chips and churros with honey dip. That's all. " sabi nya.
"Okay ma'am. I'll just repeat your order ma'am. Two blue berry cheesecake, one brownie milk shake, two banana milk shake, and two chocolate chips and churros with honey dip." Sabi ko sa grupo ng mga babae. Tinanguhan lang nila 'ko.
"Okay, ma'am. Just wait for a couple of minutes and then we'll just serve it to your table." Sinabi ko na yung order nila na beverages kay Geoff. Sya ang gumawa ng mga milkshakes at ako naman ang nag sabi thru mic ng order nila na desserts sa likod, sa may kitchen kung saan dun sila nag babake ng mga pastries. Natapos na rin si Geoff sa mga milkshakes. Maya maya pa at tinawag nako, hudyat ito na tapos na ang niluto ng mga pastry chef. Tinawag ko na rin si Jason para ihatid ang order. Sinenyasam nyako na nagsasabing "sandali" dahil may nililigpit pa sya na mga kinainan ng customers. Pag tapos nya dun ay pumunta rin sya sa harap ko para ibigay ang order.