Chapter #8

1.5K 42 10
                                    

Clyde's P.O.V

"Arrgghhh! Bwiset kang shokoy ka!" Sigaw nya hahaha buti nga sayo.

"Good morning Class" biglang dating ni Mrs. Santos kaya nag-siayusan na ang lahat.

"Good morning Mrs. Santos" bati naming lahat. Napatingin naman ako Kay palaka at nakita Kong masama ang tingin nya saakin. Bwahahahahahaha siguro minimurdure na ako nito sa isip nya.

"Class sorry kung nalate ako. Pinatawag kasi ako ng dean at kinausap" sabi ni Mrs. Santos ng makaupo na kami.

"Meron ako dito sa fishbowl na mga naka roll na papel at nakasulat doon ang mga pangalan nyo. Except sa chaser." Sabi ni Mrs. Kaya naman nag taka ako.

"Mrs. Bakit po di kami kasali?" Tanong ko.

"Okay ipapaliwanag ko, Hindi kasali ang chaser dito dahil ang  mabubunot ko dito ay makakasama nyo sa pag-perform nyo sa Friday tig-isang solo kayo at dalawang duet ayun ang sabi ng dean" pag-kasabi noon ni mrs. Ay tumingin ako sa gawi ni kristan at tumingin naman sya saakin tinignan ko sya ng nagtatanong na tingin kung may alam sya doon ngunit umiling lamang ito. Tss, sino Kaya ang masuwerteng makakaduet ko?

"Okay, ito na" sabi in Mrs. At pinakita saamin ang pink na papel na nabunot nya.

" Ms. Fernandez!" Sigaw ni  Mrs. At tumayo Naman ang katabi ko.

A-ano?! Bakit sya? Sa dami-dami bat sya pa?

"Mrs. Bat sya?!" Sabi ko habang nakaturo Kay palaka.

"Bakit naman Hindi? Sya ang nabunot ko at wala na tayong magagawa don."

"Pero Mrs. Baka naman Di marunong kumanta yan!" Sigaw ko pang sabi.

"anong Hindi? Baka  main-love ka pag-narinig moko kumanta!" Sigaw nya saakin. Wow just wow ang lakas ng confidence nito tsk.

"Lakas mo naman mag-assume! Ang sabihin mo baka mabasag ang ear drums ko pag narinig kitang kumanta!" Sigaw ko naman ang lakas mag-aasume nito ah!

"Ah! Tignan nalang natin! Mrs. Kaylan po ba umpisa ng practice?" Tanong nya kay Mrs.

"Ngayon na sa music room at excuse kayong lima  sa lahat ng subject Simula ngayon hanggang Thursday" sabi naman no Mrs.

Rhienna's P.O.V

Bwiset na shokoy to! Argggh!!! Mukhang mapapasubo ako nito ah! Pero okay lang confidence naman ako sa boses at alam Kong kakayanin ko ang mag perform sa harap ng marami.

"Ngayon na sa music room at excuse kayong lima  sa lahat ng subject mula ngayon hanggang Thursday" paalala ni Mrs. Santos Kaya kinuha ko na ang bag ko at tumayo binalingan ko naman ng tingin si krissa at tumango lang sya tinignan ko naman sila Eunice at Tiffany at ang mga loka parang kinikilig pa na Ewan.

"Hoy! Siguraduhin mo lang na marunong kang kumanta" sino pa ba ang epal ng sa buhay ko? Syempre ang dakilang mayabang na si shokoy! Tinignan ko naman ito at nadalikod nya ang tatlong kaibigan nya.  Maganda naman Bose's ko pag kumakanta pero Hindi pako nakakanta sa harap ng maraming tao.

"Talaga! Pero wag ka makikinig sa Bose's ko pag ako kumanta!" Sabi ko at tinignan ang reaksyon nya bigla naman sya napangisi at tatawa-tawa.


"Hahaha, sabi na e! Kaya ayaw mo marinig ko ang boses  mo pag-kumanta ka kasi pangit yang Bose's mo hahahaha" sabi nya pa habang tumatawa ha! ASA! Kapal din nito ah!

"Asa! Ayaw ko marinig mo boses  ko dahil baka kasi mamaya main-love ka saakin!" Sigaw ko sakanya at dumila pa. Kala mo hahahaha basag ka ngayon!

"Alam mo ang kapal mo ding babae ka e! Asa ka namang maiinlove ako sayo!"

"Talaga! Baka balang araw kainin mo yang sinabi mo Hahaha wag mokong sisihin pag- nahulog ka saakin kasi ngayon palang binabalaan na kita!"  Ayun nalang ang lumabas sa bibig ko di ko alam ko San ko nakuha yun at kung bakit nasabi ko yun arggh kainis naman nakakainis din naman kasi tong shokoy na to e!


"Bakit naman!?"
 

Lumapit ako sakanya wala akong paki sa mga kasama nya mukhang wala din naman silang paki e! Aasarin ko lang hahaha ngayon ko lang to maaasar ng ganito kaya pag-bigyan nyo na ako!
Lumapit pako at napatigil naman sya sa pag-lalakad tumingkayad pako para maabot kp ang tenga nya at nung maabot ko na ay bumulong ako dito.

"Don't you dare fall in love with me or else" bulong ko at lumayo na sa kanya tignignan ko naman sya at nakita Kong nakatingin  sya saakin tapos yung mukha nya hahahaha laugh trip! Hahahaha namumula mukha nya hanggang leeg pati yung dalawa nyang tenga namumula hahaha!

"Pfft!" Pag-pipigil ko sa aking tawa sinamaan nya naman ako ng tingin at saka nag-iwas hahahahaha.




Nang  makarating kami sa music room ay umupo muna kami sa sahig ng naka-paikot para pag-usapan kung anong kakantahin.

"Okay, may naisip Naba kayong kanta?" Tanong ko.

"Actually wala pa e" sagot naman nung Dave kaya napatango nalang ako kaylangan ko din mag-isip ng kakantahin ko para sa solo ko.

"Ikaw ba rhienna may naisip kana ba?" Tanong naman ni Blake saakin si Kristan naman ay tahimik lang na nakikinig.

"Uhmm, wala pa e"

"Ah guys, sa ngayon mag break muna tayo ng mga 15minutes tapos tsaka natin pag meetingan kung Ano ang kakantahin natin para sa Friday bukas naman tayo mag umpisa ng practice. Kakayanin naman yata natin mag-practice ng dalawang araw lang e" mahabang paliwanag ni shokoy sangayon naman ako dun dahil may madali  lang naman Ipractice kung alam nila Blake,dave at kristan ang tono  ng kanta  o di kaya naman ay mahusay talaga sila at madali nalang din yun kung pagiigihan namin ang pag-e-ensayo bukas at sa makalawa.


"Sige, bukas tayo mag start ng practice then mamaya tayo mag-meeting" sabi ni Kristan at sumang ayon naman kami.


Madali  natapos ang araw at nandito ako ngayon sa kwarto ko. Napagusapan nadin namin ang tutugtugin sa duet namin ni Clyde at ng buong band sabi nalang nila ay pag-isipan ko kung anong kakantahin ko dahil di pako makapag-isip kanina.  Kaya ngayon ako nag-iisip madaming kanta ang  pumapasok sa aking isip ngunit Hindi ako makapamili hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag-iisip.










A/N: hello po sa mga nag-babasa nitong story ko salamat po sa pag-babasa nito kahit pangit ito? (Ayun kasi tingin ko e wala kasi ako confidence sa sarili ko) at salamat po sa pag-babasa kahit matagal ako mag update hehe pasensya napo dakilang tamad po kasi si ako e haha. Sorry din po kung laging maikli ang ud ko at laging bitin. Gagawin ko po best ko para mapahaba ang pag uud ko. Thank you po!








Mr.Yabang Meets Ms.SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon