"Ginamit ko po ang pinaka-powerful na magic. Pinagdasal ko po na lumitaw na ang katotohanan." -Chichay
"Ako ang may kasalanan dito. Lumapit ako sa kanya kahit alam kong hindi na pwede..." -Chichay
"Pareho nating pinili ang tama. Ang pagkakaiba natin, nagtiis ka, ako tumakbo palayo." -Mama Bear
"Dumating na ang panahon mong magmahal at mahalin ng taong mahal mo." -Lolo Isko
"Kahit anong layo ko, may pagkakataong pinaglalapit kaming pilit." -Chichay
"Walang tayo Joaquin. Matagal na." -Chichay
"Malaki ang pagkakaiba ng totoong pagmamahalan sa pagpapakatanga." -Jaime
"Lahat kaya kong gawin para sayo kahit kapalit pa ng buhay ko." -Joaquin
"Bawat minuto ikaw ang iniisip ko, kung ano bang ginawa ko para magmukha akong tanga." -Joaquin
"Wala namang emoji na makapaglalarawan ng nararamdaman ko sayo." -Joaquin
"Wala rin namang salita na nakapaglalarawan ng nararamdaman ko sayo." -Chichay
"Wala ring silbi yan kung hindi rin kita makakasama habambuhay." -Joaquin
"Kahit na po buhay ko, kaya ko ng ipagkatiwala sa kanya." -Chichay
"Hindi na magbabago ang nararamdaman ko sayo lalo na't nakasulat na sa stars ang tadhana natin." -Joaquin
"Kung miss mo na ako at gusto mo na akong makita, magwish ka lang at sasakay ako ng rocketship papunta sa tabi mo." -Chichay
"Ikaw ang alaalang hindi mawawala sa puso't isip ko." -Joaquin
"Ako naman ang maninindigan para sayo. Para sa atin." -Chichay
"Kahit langit at lupa ang pagitan naming dalawa, siya ang gusto ko. At siya ang mamahalin ko." -Joaquin
"Natatakot ako na baka mawala ka sakin. Natatakot ako kasi mahal kita..." -Chichay
"Ikaw ang nagpatikim sa akin ng totoong buhay pero ikaw din ang bumawi nun." -Joaquin
"Hindi mo alam kung gaano ko gustong sabihin sa buong mundo na mahal ko siya." -Joaquin
"Hindi naman siya marunong manligaw pero ipaparamdam niya sayo na special ka sa kanya." -Chichay
"Chichay sorry pero ayaw na kitang maging kaibigan. Kasi gusto ko, higit pa sa kaibigan." -Joaquin
"Ang friendship, parang love, ipaglalaban mo hanggang sa huli." -Dominic
"Hahanap na lang ako ng mas makakaintindi sa new found love ko." -Joaquin
"Pwede ko bang bawiin yung sinabi ko dati na hindi tayo magkaibigan? Kasi qusto kitang kaibigan. " -Joaquin
"Iba yung linya ng mga mata mo eh. Parang nakita mo yung crush mo."-Tatay Poro
"Yan kasi! Di ka kasi nag-iingat. Nasaktan ka tuloy." -Joaquin
"Kailangan nating gawin. Paniniwalain natin yung mga tao na may magic pa din dito." -Chichay
![](https://img.wattpad.com/cover/12396473-288-k438021.jpg)
BINABASA MO ANG
G2B QUOTES
Short StoryLove story ni Chichay at Joaquin.. ♥ Salamat sa paggawa ng malupit na cover XC Artworks!!!!!! :)