Chapter 1

36 2 0
                                    

Congrats

Pagkarating ko ng eskwelahan ay nakita ko na ang mga estudyanteng sobrang busy sa paghahakot ng mga kanya kanyang gamit para sa itatayong booths.

Tipid akong ngumiti ng may tumawag sa akin. I'm not always fond of this kind of events in our school. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ng mga estudyante dito. Para kasi sa akin ay boring ito.

Dumaan ako sa bulletin board at nahagilap ko ang poster kung saan nakalagay ang mga listahan ng mga mangyayari sa araw na ito. Ngumiwi ako.

What a boring day!

Pumasok ako sa classroom at nakita ko ang mga kaklase kong nagkakagugulo. Nag aagawan sila sa tubig na ibibigay nila sa mga players ng basketball.

Sumigaw na ang aming presidente dahil sa iritasyon ng mga babae naming kaklase.

Every section is assigned para sa gagawin nila ngayon. And for our section, kami ang magbibigay ng mga tubig sa basketball players ng team namin. Kasama namin ang mga 3rd year college department.

And guess what? Si Julius Caesar Castro ay nandoon.

Tumikhim ako kaya ay nahinto sila sa pag aagawan ng tubig. Nag angat ng tingin ang presidente namin. Kumunot ang kanyang noo.

"Gusto mo ikaw na lang ang magbigay?" sabi ng kaklase kong babae.

Umiling ako. I dont even like that guy. He is never my ideal guy kahit na gwapo siya. Ang pangit kasi ng standings sa school. Bulakbol at bagsak pa sa mga subjects. Hindi ko talaga alam bakit nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. He is no good. Useless.

Nakita ko ang sabay sabay nilang pagbuntong hininga.

Kahit na tahimik ako sa klase ay may mga kaibigan pa din naman ako kahit papaano.

"Antheia..."

Lumingon ako at nakita si Jeszhen. Naka black jeans siya at suot niya ang t shirt na kulay pula. Pula ang kanilang grupo.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"What are you doing here?" bungad ko pagkalapit.

Tumawa siya. Naguluhan ako.

"Mga classmates ko na ang bahala sa booth namin. Manonood kasi ako ng game nina Tristan,"

Kumunot ang noo ko. Tristan? Sino na naman si Tristan?

"Sinong Tristan? Tristan Vernandez?"

Tumango siya.

"Bago mo?"

Nagdadalawang isip pa siya sa isasagot. Ngunit kalaunan ay tumango siya ng may malaking ngisi.

"What? Kakabreak niyo lang last month ni Jared ah!"

She is really unbelievable. So meaning, isang buwan lang ang ligawan nila ni Tristan?

"Hindi pa kami. Fling lang..."

Tumaas ang kilay ko. E, ano bang patutunguhan noon diba? Siguro ay mga next month sila na ni Tristan.

"Pareho lang 'yun..." umiiling iling kong sabi.

Tumawa lang siya at saka humalukipkip. Nagpaalam ako saglit sa kanya at dinaluhan ang presidente namin. Nag distribute na siya sa mga bote ng tubig na ibibigay sa players. Laking gulat ko noong sa akin napunta ang tubig ni Tristan Vernandez.

What the heck?

Tumalikod ako at bumalik na kay Jeszhen na naghihintay sa akin sa pintuan ng classroom namin. Kunot noo ko siyang tiningnan at pagkatapos ay ipinakita ko sakanya ang tubig na dala ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Be With You (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon