Chapter 1

77 1 0
                                    

Chapter 1: First Day of School

Abby's POV's

"Mama! Pasok na po ako" sigaw ko mula sa labas. Nasa kusina kasi si mama.

Hindi ko na hinintay si Mama na sumagot baka kasi di naman niya ako narinig. Paglabas ko nakita ko si Kuya nag aantay sa labas na nakasandal sa kanyang sasakyan.

"Kaya naman pala wala sa kwarto niya." simpleng sabi ko. "Ang aga mo ata kuya?" tanong ko.

"Bakit masama ba?" nakataas naman ang isang kilay niya.

"Ikaw masama" bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun?"

"Wala! Sabi ko tara na at malalate na ako" papasok na sana ako ng sasakyan niya pero hinarang niya ako.

"Hep hep" harang niya naman ng kamay niya. "Hindi ka sasabay sakin"

"Kuya naman e!" reklamo ko.

"HINDI!" Hala mukang seryoso si kuya.

"Mamaaaaaaaa" sigaw ko naman. Isang sigaw ko lang kasi kay mama lalabas na yun at siguradong papagalitan niya si kuya. Bwahahahaha.

"Ano nanaman ba 'to?!" natatarantang tanong ni Mama.

"Mama si kuya oh!" sabay turo kay kuya at nagpa awa effect naman ako.

"Ano nanaman ba to Angelo?!"

"Ayoko siya pasabayin" bitin na sagot ni Kuya.

"Mama malalate na ako oh!" reklamo mo sabay turo ng relo ko.

"Tara na nga!" dabog naman agad si kuya.

"Yyiee lab na lab talaga ako ni kuya" sabay yakap ko naman sa kanya.

Habang papunta na kami ng School di ko alam kung ano ba mararamdaman ko. Sabi kasi nila mahirap daw maging highschool pero kaya yan basta tiwala lang.

"Hoy bruha nandito na tayo!" kahit kailan talaga 'Bruha' ang tawag niya sakin. Haysss.

"May pangalan po ako Manoy!" asar ko din. 'Manoy' tawag ko sa kanya talaga kaso ayaw niya daw nun e. Kaya naman inaasar ko din siya.

"Hoy di ako Manoy!" sigaw naman niya.

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa makababa na ako. Si kuya kasi parang dragon kapag tinatawag ko siyang Manoy. Ewan ko ba tinalo pa ni kuya ang babaeng meron. Lol.

Pagpasok ko ng classroom wala pa yung teacher namin. Nang may biglang lumapit sakin.

"Hi. My name is Kylee" sabay abot niya sakin ng kamay niya.

"Uhm Abegail. But you can call me Abby for short" inabot ko naman kamay niya at sabay ngiti.

"So Friends?" nakangiting sabi niya.

Muka naman siyang mabait na kaibigan. Ang amo nga ng muka niya e. Yung parang inosenteng bata?

"Friends" sabay ngiti din.

Natapos ang klase namin. Wala naman kaming ibang ginawa dahil First Day of school palang naman kaya nandiyan yung Introduce your self, then yung mga schedule niyo. Napabuntong hininga na lang ako.

----------------------
Read.Vote.Comment

My Highschool Life with the Four BadboysWhere stories live. Discover now