SIMULA

8 1 1
                                    

"Taxi!"


Shit naman o'! Kung kailan malalate tsaka wala pang taxi, samantalang kapag maaga pa, marami namang dumaan. Sige, 5 minutes nalang, kapag wala, magji-jeep na talaga ako.


58

59

60


"Saan kayo ma'am?"


Thank you Lord! Agad-agad kong sinabi ang address ng work ko. I didn't mind kung magkano ang gusto niyang idagdag na bayad sa kadahilanang traffic sa daan, dahil nagmamadali na talaga ako.


And fuck, I'm 30 minutes late!


"Dito nalang ho, manong." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng building namin, sabay abot ng 375.00 na bayad ayon sa metro. Bababa na sana ako nang,

"Ma'am, kulang ho ng 100.00, traffic e'."


Oh, so kasalanan ko pa?


Hindi na lang ako nagsalita at inabot na ang 100.00 kuno na dagdag dahil traffic. Duh, matagal nang traffic sa Pilipinas, 'wag niyang sabihing 'di niya alam 'yon. Hay life.

Naglakad na ako papunta sa desk ko at binagsak lahat ng dala ko dahil nakakastress na umagang-umaga palang e' malas na ako.

Bubuksan ko na sana 'yung laptop ko nang marinig kong may tumawag sa'kin,

"Ms. Buenavantura, sabi ni Boss paki-check nalang daw itong manuscript. Edit mo nalang if necessary. After one week, pakipasa nalang kay Boss." Sabi ni Angelie, assistant ni Boss.


Oh, I forgot. I'm working as a writer sa isang publishing company here in Manila. Finished the course of Creative Writing. Working for almost 3 years, I think? Tinatapos ko nalang ang kontrata ko with this company then I'll start travelling, what I've always wanted to do ever since pero wala pa akong ipon.


"Okay. Thank you." Sagot ko and read the manuscript.


"Hmm. So far, maganda 'yung flow ng story, 'di masiyadong common. Just need some sort of editing then done." Anas ko sa sarili ko nang naka one fourth na ako nu'ng manuscript.


I stopped reading the manuscript and done some editing sa laptop ko. 'Yung iba na binigay sa akin these pass weeks, and the others, my own works.


I wasn't done with my work nang narinig kong kumulo ang tiyan ko.


Tumayo na agad ako at dumiretso sa pantry habang bitbit ang baunan ko. Hindi ako bumibili rito dahil ang mamahal ng pagkain, akala mo naman ginto ang binebenta. Kaya nagpapabaon nalang ako kay mama para makatipid din ako. Dagdag ipon din 'yon, ano!


"Hoy! Hindi ka pa ba kakain?" Sigaw ko kay Mari nang nakita ko siyang may bitbit na mga folders. Sabay lang kami ng lunch nito pero ewan ko kung bakit nagpapaka-busy nanaman ang isang 'to.

"'Di pa bes, daming binigay ni Ma'am. Gabundok ba naman na mga file? Kailangan ko raw tapusin ng 1 week. Aber, ano bang akala niya, ako si Wonder Woman? Jusko. Diyosa lang ako pero 'di ako si Wonder Woman. Shetness!" Sagot niya na may lasamang irap pagkatapos. Aba, ako ba naman ang irapan? Ako ba ang nag-utos sa kaniya? Baliw.

"Sana 'wag kang liparin sa sobrang hangin mo. Alis na!" Pagtaboy ko sakaniya.

Tumawa nalang siya at naglakad na papasok sa office. Magkaiba kasi kami ng department kaya mediyo magkaiba kami ng mga trabaho pero magkalapit lang kami ng desk.


Nagsimula na akong kumain nang may isang lalaking umupo sa bakanteng silya sa harapan ko.

"Hi miss." Sabi niya. Aba, baliw ba ito? "Hi" muna bago magpaalam na umupo?

"Nagpaalam ka ba?" Pagiiba ko sa sinabi niya at sinimulan ko nang kumain.

"Sa'yo ba 'to? O may pangalan mo?" Pamimilosopo ng tukong nasa harap ko.

"'Di porket sinabi kong magpaalam ka, ibig sabihin sa akin 'yan. Respeto nalang dahil nakita mong may tao diba? Uso lagiyan ng common sense ang utak, sa lagay mo kasi mukhang wala ka." Sabi ko sakaniya at 'di na uli siya pinansin.

Akala ko may sasabihin pa siya nang narinig ko nalang siyang bumuntong hininga at umalis na.


Aalis din pala, dami pang sinabi.


"Beh, tapos ka na?" Narinig kong sabi ni Patrick,

"Hmm, oo."

"Tapos ka na?"

"Oo nga, Patrick. Ang kulit!" Ano sirang plaka? Kailang paulit-ulit?

"Patrice nga beh. Ba't ba lagi mong nakakalimutan? Kaloka!" Sabi niya at umarte pang masakit ang ulo.


Hala siya o'.


"Ang alam ko, Patrick sa umaga, Patrice sa gabi. E' umaga palang, Patrick." Sagot ko pero 'di ko pinahalatang nagbibiro lang ako.

"Hay kainis. Bahala ka nga diyaan!" Dabog niya sabay upo na sa lugar kung saan ako kumain kanina.

"Patrick! Sabay tayo!" Rinig kong sigaw ni Chris sa likod ko kaya napalingon na rin ako.

"May tainga kami, 'di mo kailangang sumigaw." Sabi ko kay Chris nang makalapit siya sa amin.

"Habang buhay ka na bang masungit? Wala na bang pag-asang bumait ka pa?"

"Hoy, hoy, hoy, fuck boy. Tigilan mo 'ko ha." At naglakad na ako pabalik ng office.

"Hindi sabi ako fuck-.. Mabait kay-"


"Chrisissippy!" Dinig kong sigaw ni Pat nang tuluyan na akong makapasok sa office.


I smiled habang naglalakad papunta sa desk ko. Konting paghihintay nalang, I can already live my dream!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Chose HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon