Operation #12: Another One

34 2 0
                                    

Operation #12: Another One

{Iris POV}

Nakatulala lang akong nakatingin sa labas. Umagang-umaga naistress na naman ako sa mga sinasabi sa akin ni Cryssa. Hindi ko nga naubos ang pagkain na dinala nila Baekhyun. At hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko.


Tangina ang arte mong masyado, Iris.


Nakahalumbaba lang ako sa railings ng bigla ko na lang nakita sa katapat kong room sila Suho. Si Sehun kumaway lang sa akin at ako naman tumango lang.


Dali-dali akong pumasok sa loob kasi nasa terrace ako. Hindi ako takot na makita siya more on na nahihiya ako sa mga inasal ko.


Pumaligo ka na lang, Iris. Baka sa baho lang ng katawan kung bakit ka ganyan.

At yon na nga. I decided to take a shower kahit ang aga at wala naman akong mapuntahan. Basta wala kasi akong maggawa. Ayaw kong lumabas kasi baka nag-aabang na pala sa akin si Cryssa at pilitin pa akong magsagot e hindi ko naman alam kung anong nararamdaman ko sa ngayon.


Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng pwedeng irampa sa busy streets ng Seoul. Hindi naman pwede na may feelings issues ako ngayon ay mamimiss ko ang opportunity na mag feeling ramp model jan.


Hinanda ko na rin ang sling bag ko ng marinig ko ang doorbell. Bigla akong nagtago sa CR at parang tanga na parang walang naririnig sa sunod-sunod na ring ng doorbell.


Hayaan mo lang na humintay kung sino mang demonyo ang nasa labas, Iris. Basta wag mong bubuksan ang pintuan at safe ka.

Halos kalahating oras akong nakayuko sa bath tub dahil ang tagal umalis ng demonyo sa labas. Ngalay na ang buong mukha ko kakatago ah.

In fairness, ang sipag niya. Hindi niya talaga tinantanan. Tsk.

Nang malaman ko na bigla na lang tumigil lumabas na ako sa CR at pumunta sa nakasaradong pintuan.


Gusto kong tumingin sa labas pero hindi rin naman pwede at baka nga mahuli ako. Ang tanga ko na nga pinapalandakan ko pa.


Sino na kasi yon? Iris, putangina mo. Hindi mo nga kilala kung sino tapos daig mo pa ang kriminal sa kakatago jan.


Napabuntong hininga na lang ako at tiningnan yung bento na nakalagay lang sa dining table. Masarap naman pala siya mag luto e, inaamin ko naman kaso hindi ako nasatisfy. In a way na akala ko mabubusog ako.



Ang deep mo magsalita, Iris. Pagkain lang 'yan bakit mo binibig deal? Mukha kang tanga.



Minabuti ko na lang na tapusin ang bento meal at itapon ang lalagyan. Wala akong balak ipagluto siya para lamanan ko ang lalagyan at ibalik pa sa kanya.


Binuksan ko na rin ang phone ko at nabigla ako ng makita ko na naman ang mga missed calls and messages ni Cryssa sa akin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Make D.O Kyungsoo Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon