18

902 95 25
                                    

8:03am

Park Jimin: hey

Kim Taehyung: yes? Morning, how was it? Okay na kayo?

Park Jimin: can we meet

Kim Taehyung: what? Yeah sure, kelan ba?

Park Jimin: now

Kim Taehyung: yea sure I'm free. Saan?

Park Jimin: thanks, I'll text you kung saan

Kim Taehyung: here's my number, 09123456789

Park Jimin: thanks

Kim Taehyung: I'm worried Jimin, go there asap okay

Park Jimin: okay

-
Unknown Place
8:45am

Nandito ako ngayon sa meeting place namin ni Jimin. Ewan ko ba dun, bakit bigla bigla nalang gustong makipagkita. Siguro crush ako, hehe joke lang.

Nag-aalala ako para kay Jimin, ang tamlay niya kasi magchat kanina eh. Parang pinagsakluban ng langit at lupa, u know that feeling? Cause I don't.

Bakit ba niya kasi pinagsisiksikan sarili niya kay Yoongi eh ang dami namang iba dyan, nandito pa kaming lima oh! Tsk tsk tsk.

Nagkita na rin kami ni Jiminnie, maraming beses na. Ang kulit nga nun e, sarap sapakin hahaha.

"Taehyung" Biglang may nagsalita sa likod ko kaya nahulog ako sa kinauupuan ko. Anak ng tinola naman, o! Ang hard ng pagkakabagsak ko ah? Masakit sa kamay, aish. Buti nalang walang sugat nung tinignan ko. Madamo kasi dito.

"Nakakagulat ka naman, e!" Sabi ko sa likod ko nang makarecover na ko sa pagkakalaglag ko.

Ngumiti lang siya sakin ng pilit at lumapit sakin, "bakit?" Tanong ko nang makita kong mugto yung mata niya. Sino nanaman kaya iniyakan nito? Si Yoongi nanaman? Hays, sabi ko naman sakanya na wag na niya habulin yun e, di naman sila bagay.

Kahit parang nung nakaraan lang kami nagkakilala ni Jimin eh bestfriend na turingan namin, madalas din kaming nagkikita, pag trip niya o pag trip ko. Baliw kami eh.

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako, since maliit siya ay nasa dibdib ko yung ulo niya. Niyakap ko rin siya pabalik habang pinapatahan siya.

Kawawa naman ang bestfriend ko, hays.

"Shh, tahan na" sabi ko habang hinihimas likod niya.

"B-bakit ba ayaw niya saakin? Ano bang ginawa ko sakanya?" Sabi niya habang humikikbi. "Sige lang.. shh"

"Maganda naman ako ah? Mahirap ba ako mahalin? Bakit ba lagi nalang sila ganyan sakin? Huhuhu" Hinayaan ko lang na maging ganun ang posisyon namin, nasa park kami kung gusto niyo malaman, maraming tumitingin at nakikiusyoso saamin, para nga kaming drug lord na ngayon lang nahuli dahil sa atensyon na binibigay nila.

"Bagay sila bes!"

"Ang sweet naman!"

"Baka inaway ni guy si girl kaya umiiyak?"

"Kawawa naman si ate!"

"Sayang pogi pa naman si kuya"

Kumalas sa pagkakayakap si Jimin nang marinig niya yang mga yan.

Yakapin mo pa ako.

"Sorry" sabi niya nang nakayuko at humihikbi pa, "Tingin ka sakin" sabi ko at iniangat ang ulo niya gamit ang daliri ko na nasa baba niya.

Nakita ko ng malapitan ang mapula niyang mata at ilong,

Yari ka sa'kin, Yoongi.

"You're beautiful" panimula ko. "Wag na wag mo nang iiyakan si Yoongi, makinig ka saakin, hindi siya deserving iyakan, okay? He's not worth it. Marami pang iba diyan. I know it hurts but let the time heal it"

Tumango naman siya habang sinusubukan niyang patahanin ang sarili niya. "Salamat, Tae" sabi niya ang ngumiti.

Sana lagi kong makita yan sayo.

"Oh, halika na" sabi ko nang nakangiti at inilapad ang mga kamay ko para mayakap siya, at yumakap naman.
-
Third person's POV
Meanwhile

Masayang magkayakap ang dalawang magkaibigan habang nakatingin sakanila mula sa malapit si Yoongi.

Mula sa pagdating ni Taehyung sa park, hanggang ngayon ay nakatingin parin siya dito, nakikinig sakanila.

"Love is for people who deserves it.." narinig niyang sabi ni Taehyung kay Jimin nang kumalas na ito sa pagkakayakap.

"..and he doesn't deserve it"

Yeah, I really don't.

Sabi ni Yoongi sa sarili niya.

###

[A/N: okay wala talaga akong plano na iPOV tong story na 'to. Pero okay nasulat ko na, wala na kong magagawa hahaha. Don't forget to vote and comment guys!]

Messenger || Yoonmin BOOK 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon