"Isang mabilisang tanong lamang, Ano na ang estado ng relasyon nyo ngayon?" tanong sa amin ng host ng talk show na dinaluhan namin ni Jack.Nginitian ko ang host at tumingan ako kay Jack na katabi ko lang sa upuan. Heto na, ang lahat ay naghihintay sa aming sagot. Pinisil ni Jack ang aking kamay na hawak-hawak nya ngayon na umagaw sa aking atensyon. Siguro ito na ang hudyat ng pag-sangayon nya at pagpayag nya na ipasapubliko na namin ang estado ng relasyon namin ngayon.
"Naghihintay ang ating mga manonood at ang buong Pilipinas na sumusuporta sa inyong tambalan," saad muli ng host na sinabayan naman ng sigawan ng mga manonood na naroroon kasama namin sa studio.
Nginitian ko sila at kinawayan. Kinuha ko ang microphone at tinapat ko ito sa aking bibig, hudyat na handa ko ng sagutin lahat ng mga tanong at isyu na binabato sa amin ni Jack.
"Yes, totoo po ang mga naririnig nyo at nababasa nyong balita tungkol sa amin..." saad ko habang may namumuong luha sa aking mata. Sinundan ko ito ng pag-ngiti upang matakpan ang luhang sa anu mang sandali ngayon ay babagsak.
Inalis ni Jack ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa aking mga kamay at inilipat nya ito sa balikat ko.
***
"....We're officially in relationship." pagpapatuloy ko at hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko mula sa sobrang kasiyahan. "Kami na po." dagdag ko habang niyayakap ako ni Jack. Kasabay din nito ang walang humpay na sigawan ng lahat ng manonood na nasa studio. Walang humpay silang tumitili at isinisigaw ang aming pangalan.
"GaJa forever!!" "I love you Gabby!" "JACKsters!!" sigaw nilang lahat.
Ang saya, nakakataba ng puso, para ako ngayong lumulutang sa saya, para akong nasa ulap.
***
Hindi ko na pa lubusang napigilan ang aking pagluha ng biglang bumalik sa aking isipan ang mga ala-ala. That was two years ago ng magtapat kami ni Jack sa tunay na estado ng aming relasyon. At ngayon nauulit ang nakaraan at muli na naman kaming tinatanong tungkol sa aming relasyon.
Hinimas ni Jack ang aking likod upang pagaanin ang aking loob. Pinunasan ko ang mga luha ko at muling ngumiti. Pero bago pa man muli akong magsalita ay biglang nagsalita si Jack.
"We're not together anymore." sambit nya ng may mapait na mga ngiti.
Napayuko na lamang ako at kasabay nito ang tuluyang pagbuhos ng aking mga luha.
"We tried to fix and save our relationship but unfortunately we failed." pagpapatuloy nya.
"Can we know what's the reason behind your break up?" tanong ng host. "If it's okay to you." dagdag ng host.
Pansamantalang tumahimik ang lahat at naghihintay sa sagot ni Jack. Pero ano nga ba? Ano nga ba ang naging daghilan ng break up namin? Time? Money? Trust? Third party? Even me, litong-lito ako.
"The reason is - - -" bago pa man maituloy ni Jack ang sasabihin nya ay pinutol ko na agad ito. Ayaw kong marinig ang dahilan nya at ayaw ko rin masaktan pa ng sobra kaya agad akong tumayo at nagsalita.
"I'm sorry." tanging nasambit ko at agad akong umalis papalabas sa studio. Lahat ay nagulat at nalungkot sa mga nangyari ngayon. Malayo sa mga expectations nilang lahat. Masakit sa akin ito pero kailangan tanggapin dahil nandito ako sa showbiz, kung saan bukas sa publiko ang pribado kong buhay.
BINABASA MO ANG
Pagsuko
RomanceAng kwentong ito ang magpapakita na sa isang bahagi ng pag-ibig, mayroong sakit at lungkot. Hindi lahat nagtatapos sa masaya at sa katagang "happy ending". Minsan, may isang bahagi na tulad nito na nagtatapos sa isang "paalam". *This is my first sto...