Pagsuko I

13 2 1
                                    

2013

"Gab, where do you think you're going?"

"I don't know, I just wanted to go away from you" sagot ko ng nananatili paring nakatalikod sa kanya.

"What's wrong with you?" tanong nya na naguguluhan.

"Ang sakit." sagot ko sa kanya ng may diin. "Atong, ang sakit dito." humarap ako sa kanya at mariing tinuro ang kaliwang parte ng aking dibdib."Ang sakit sakit dito."

Bumuhos ang luha ko at agad nya akong nilapitan ngunit sinangga ko ang aking mga kamay sa kanya at saka ako umatras.

"Please, leave me alone" pakiusap ko sa kanya.

"Gab, mahal kita"

"Your lying!" sigaw ko sa kanya. "Hindi mo ako mahal, lahat ng pinaramdam mo sa akin, lahat yun ay kasinungalingan lamang."

Nagpumilit syang lapitan ako hanggang sa tuluyan nya ng mayakap ako.

"Atong tama na" at muling bumuhos ang luha ko at nanlambot ang aking mga tuhod. Pinaghahampas ko sya ngunit hindi pa rin sya natitinag sa pagkakayapos sa akin.

Pinigilan nya ang aking mga kamay at tinitigan ang aking mga mata. "Mahal kita Gab, mahal na mahal." hinawakan nya ang aking pisngi at pinunasan ang bawat luha dito. Doon ko napansin ang mapupungay nyang mga mata, ang matangos nyang ilong at ang perpekto nyang mukha.

Sa sandaling yun tila nawala ako sa aking sarili at sa isang saglit lang ay naramdaman ko na ang kanyang mga labi sa aking labi. Nagulat ako sa mga nangyari at hindi ako makagalaw, hindi ko magawang itulak sya palayo sa akin. Tumagal ng ilang segundo kaming nasa posisyon na yun ng biglang may narinig akong palakpakan sa aming paligid na nagpabalik sa aking katinuan.

"Good job guys, nice acting, I was impressed." bati sa amin ni Direk Gino habang pumapalakpak sa amin.

Oo nga pala narito kami sa isang acting workshop. Nagulat ako sa ginawa ng mokong na si Atong na ito, eh wala naman sa script namin yun ah. Muntik ko na syang masapak at mabuti na lang ay nakapagpigil pa ako kung hindi siguro ay sira na ang acting career ko ngayon pa lang.

Kinalma ko ang aking sarili at ngumiti na lamang sa kanila. Hindi ko mapigilang maiyukom ang aking mga kamao sa sobrang pagpipigil ng galit, na sa isang saglit lang nawala agad sa akin ang first kiss ko.

"Hoy, be thankful to me, kasi kung hindi dahil sa akin hindi ikaw at ako mapupuri ng ganito." bulong nya sa akin habang naka-akbay sa akin.

"Walangya ka talaga, at hinding-hindi ako magpapasalamat sayo" singhal ko sa kanya sa gitna ng aking mga pilit na ngiti.

"Eh bakit pulang-pula ka." sabay tawa nya ng nakakaloko

"Bwisit ka kasi." pasalamat ka na lang talaga at nasa harapan pa natin si Direk pero kapag nagkataon, yari ka sakin.

"Okay everyone let's take a break" sigaw ni Direk Gino at pagkatapos ay lumapit sa amin. "Good job guys, kitang-kita ang kakaibang chemistry sa inyo. Anyways keep it up okay" puri nya sa amin.

Inakbayan ako ni Atong at ngumiti na malawak "Opo naman Direk" wala akong nagawa kundi ang ngumiti na rin hanggang sa makalayo si Direk.

Siniko ko sya at agad naman syang napabitaw sa akin at namilipit sa sakit. "Kulang pa yan, tandaan mo yan ha" banta ko sa kanya bago ko sya iwan at nagtungo ako agad sa rest room.

Bwisit talaga ang lalaking yun, ayoko ng sumikat pa kung sya din naman ang kapareho ko.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Pinunasan ko talagang maigi ang aking labi upang mawala ang bahid ng kamanyakan ng lalaking yun na may mabantot na pangalan sa malambot kong labi. Kaiinis talaga, bakit hanggang ngayon ramdam ko parin ang mga labi nya, kakadiri. Halos masuka-suka ako kapag naaalala ko pa yun.

Umabot na ako ng ilang minuto sa banyo ngunit hindi pa rin ako makakalma sa nangyari. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko anu mang oras na makita ko lamang si Atong ay masasapak ko sya.

Nakaramdam ako ng pag-ihi kaya pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Ah, kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang galit ko ng 1 gram. Maya-maya ng  sa gitna ng pag-ihi ko ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng c.r. na ito at may pumasok. Naririnig ko ang bawat yabag na marahil ay dahil sa suot nitong sapatos na may mataas na takong.

"Girl, pahiram nga ng lipstick, yung 'seducing red' ha"

"Aba girl may bayad na to ha, may kamahalan kasi ito and isa pa lagi ka na lang humihiram sa akin ng lipstick at make up, ikaw lang lahat ang nakakaubos."

"Ito naman, babayaran ko kapag naging sikat na ako. Kaya akin na nga"

"Hoy Sandra asa ka pa, eh hindi ka nga makapasa sa kahit anong pa-audition at hindi ka man lang nga mapansin ni Direk Gino"

"Girl talk" sabi ko sa aking sarili. Bakit ako ni minsan hindi ko nagustuhang maglalagay ng kolorete sa mukha? Alien ba ako? Napangiti na lang ako ng malawak. Nang matapos na ako ay agad akong nag-ayos ng aking sarili at ng akma ko ng bubukasan ang pinto ng cubicle ay bigla akong may narinig na nakapagpatigil sa akin.

"Eh paanong hindi mapapansin ni Direk Gino eh laging nakahara yang Gabby na yan. Pwe! Akala naman kagandahan."

"Hoy ano ka ba! baka may makarinig sa'yo"

"Aba sadya naman ah, baka nga nilalandi nya si Direk kaya kahit anong galing ko, natin, hinding-hindi tayo mapapansin"

"Sa bagay may point ka. At isa pa, nakita mo ba kanina yung kissing scene nila ni Atong?"

"Oo, at nakakadiri! Hahaha nakakasuka talaga. Yak, para akong nakakita ng aso at palakang naghahalikan."

"Hahahaha"

Ilang minuto rin siguro akong hindi gumagalaw at pinapakinggan lang ang kanilang masasakit na salita sa akin. Parang bawat salita ay tila kutsilyong isa-isang tumatarak sa aking dibdid. Bakit ako nasasaktan kahit alam ko namang hindi totoo yun lahat?

Hindi ko napansing tumutulo na pala ang aking mga luha. Napahigpit ang aking kapit ko sa lock ng pinto ng cubicle na ito sa galit na muli ko na namang naramdaman.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at binuksan ko ng padabog ang pinto at tinungo ang kinaroroonan nilang dalawa. Nakita ko naman na nagulat sila at napalaki ang kanilang mga mata na halos lumuwa na. Hinagip ko ang mga buhok nila at sabay kong nilublob ang mukha ng mga hinayupak na ito sa lababo.

"Ah aray" daing nilang dalawa sa sobrang sakit.

"Ngayon sino ang palaka, ha?" sigaw ko sa kanila

Napatigil ako ng biglang may malakas na tunog ang umalingawngaw sa loob ng banyo.

----

Author's note.

Mga minahal kong mambabasa,

Siguro nagtataka kayo ngayon kung sino si Atong? at ano ang umalingawngaw na malakas na tunog sa loob ng banyo? Well see you sa susunod na kabanata guys, at marami pang palaisipan ang maeencounter nyo.
Don't forget to vote and leave some of your thoughts in comment section. Thank you

Nagmamahal,
John Darker

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon