Ang Sayaw ng Kulay at Hibla : Sally's Story

117 15 8
                                    

Written By: burijoonche
Written For: vetzky
TS Clichè: Ang lihim ng pulang buhok ni Sally

------------------------------------------------------

1 - Dilaw

"Ako po si Salome Katoliko, seven years old, nakatira sa Purok Onse, Barangay Bahaghari dito sa Pelangi."

Unang araw ng pasukan, unang araw ng pagtuntong niya sa klase. Masayang-masaya siya dahil sa wakas ay may ibang bata na din siyang makakalaro, at hindi na siya palaging iinggitin ng kanyang kuya at ate sa mga kwento nito tungkol sa paaralang pinapasukan.

"Maraming salamat Salome! Gusto mo bang Salome na lang ang itawag namin sa iyo o may palayaw ka ba?"

Malaking ngiti ang kanyang ibinigay sa guro at mga kaklase.

"Tawagin nyo na lang po akong Sally!"

"Ayun. O, mga bata, sabay-sabay natin siyang batiin... Makulay na araw Sally!"

"Hala! Bakit nagiiba kulay ng buhok mo?!"

Itinuturo ng kanyang mga kaklase ang kanyang buhok, na nagkulay dilaw, mistulang buhok ng mais. Napangiti at natawa lamang siya.

"Ganyan talaga ang buhok ko, huwag kayong matakot! Nagiging dilaw ang buhok kasi lubos akong masaya ngayong araw na ito, kasi kasama ko kayo, mga bago kong kaibigan!"

"Naku Sally, nakakatuwa nga ang buhok mo. Mga bata, palakpakan natin si Sally!"

2 - Asul

"Nay! Nay! Si Sally nagkukulong na naman sa kuwarto!'

"Huwag ninyo kasing pakialaman ang kapatid ninyo. Umalis nga kayo diyan. Sally? Sally? Buksan mo na ang pinto, anak, huwag mo nang itago sa amin iyan, naiintindihan naman namin."

Ayaw niyang lumabas ng kuwarto. Tinititigan niya ang sarili sa salamin. Kakatapos lamang ng kanilang pagsusulit at alam niyang mababa ang kanyang grado. Labis niya itong ikinalungkot at kanina pa siya umiiyak.

"Sana kasi pina-pinta na lang nila sa akin yung mga sagot. Mas magiging mataas pa siguro ang makukuha kong grado. AAAAAHHHHH!!!"

Nakita niya ang pag-iba ng kulay ng kanyang buhok. Ang itim na nahahaluan ng bahagyang dilaw mula ng siya ay tumuntong ng limang taon ngayon ay nahaluan ng kulay asul. Napansin niya ang pag-asul nito mula ng matapos ang kanilang pagsusulit at naramdaman ang lungkot.

"Anak? Sally? Labas na diyan anak, hayaan mo na, may iba pa namang pagsusulit. Makakabawi ka din. Halika na at kakain na tayo."

Matapos magpahid ng luha ay lumabas na siya ng kuwarto, nakayuko. Agad siyang biniro at pinagtawanan ng mga kapatid.

"Wahahahaha! Kulang na lang pula at puti, pwede ka nang bandera ng Pilipinas!"

"Ikaw na yung itataas tuwing flag ceremony sa iskul!"

"Tumigil nga kayong dalawa! Sally huwag mo nang pansinin ang mga kapatid mo. Halika na, champorado ang meryenda natin ngayon, di ba paborito mo yun?"

Ngumiti siya ng bahagya, pero ramdam pa din niya ang lungkot, hindi na lamang dahil sa pagsusulit kanina sa klase, pero gayundin sa pang-aasar ng mga kapatid dahil sa pagiiba ng kulay ng kanyang buhok.

"Nay? Pano kung bumagsak ako, hindi ako maka-gradweyt ng grade 6?"

"Naku naman anak, hindi naman dahil lang sa isang pagsusulit kaya ka hindi papasa! Basta, husayan mo sa ibang subjects nyo, mababawi mo din yan."

Anak ng Clichè : DTBY Backstories AnthologyWhere stories live. Discover now