dear myself,
parang tanga lang , I don't know why i'm writing this letter to myself, hahaha siguro para ipaalala ko kung anu-anu na bang kagagahan ang mga pinaggagagwa ko at mga nangyari sa'kin in the past years of my existence. Nung sabado nanuod ako ng MMK hindi naman ako talagang nanunuod nito unless i like the story feutured at saka kung sino 'yung gaganap. Ayun nga nanuod ako pinuyatan ko kasi parang nkarelate ako.
Grade 6 ako nu'n, nakatira pa kami sa subdivision dun sa paliparan, dasma.cavite. Si papa hindi everyday nasa bahay sa manila kasi sya nkadestino sundalo siya tapos si mama simpleng maybahay lang pero madiskarte mananahi siya ng kung anu-ano, kapag walang tahi magaahente naman siya ng bahay,di ba ang sipag ni mama. Ayun na nga tanghali ata nu'n after naming mag general cleaning kasi nga umuwi si papa,( every friday night siya nauwi tapos monday ng madaling araw luluwas ulit siya) syempre sanay kami na kami na ng kapatid ko nagpapaligo sa sarili namin, nung araw na 'yun pinaliguan kami ni papa. Naasar nga ako kasi 'di ako kumportable tapos nawala na rin naman sa isip ko 'yun.
dun 'yun nagsimula eh, alam ko kasi parang nu'ng time na 'yun bukas na 'yung isip ko at alam ko na kung anu 'yung malisya. Simpleng bata lang ako my isang kapatid na babae na mas bata ng 3 yrs. sa'kin. Dadalawa lang kaming magkapatid kasi n'ung pinanganak kapati ko ngka cervical cancer si mama di na pwede manganak ulit, lahi naman nila 'yun, 'yung tita ko na ate ni mama breast cancer naman pero survivor sila pareho.
Malungkot 'pag dalawa lang kayo kasi nakasawang siya at siya lang kalaro mo, hindi naman kami pinapalabas nina mama sa loob lang kami ng bahay, lalo na 'pag nandyan si papa kulong kami lage aral aral aral lang. Boring. One night sabi ni mama luluwas daw siya ng Manila
"Ano papabili niyo, luluwas ako bukas ng umaga?" sabi ni mama
"ma, jollibee, saka stickers 'yung malalaki.",ako
"oo, mama stickers",si joy
'yun pala huling kausap namin kay mama 'nun...
4:30 am kinabukasan
"ma, walang ulam, 'yung milo na lang uulamin namin?", ako
"hmmmmm,hmmmmmm",ungol lang sagot ni mama
Akala ko pagod lang siya kasi gabi na din siya natulog tinapos pa kasi niya yung tinahi niya.
5:45....
"ma, alis na kmi", ako,
pumasok na kami dumating na kasi 'yung service namin.
12:10, tanghali
inabot ko 'yung susi sa tabi ng bintana namin na jalousy, 'dun kasi namin nilalagay para kung sinon g dumating alam kung saan nakalagay kasi nakay papa 'yung duplicate ng susi ng bahay. Wala akong idea sa bubungaran ko.....
si mama nakasalampak sa harap ng cr nakahubo't hubad. I was so shock upon seeing her, hindi ko alam kung anung gagawin ko, nilapitan ko siya.
"ma, bakit ka nanjan,?"
"-----------------", wala siyang sagot, nakatingin lang siya sa'kin, kinabahan ako nun, nakita ko 'yung daster niya at panty sa kwarto namin ng kapatid ko basa. Pumunta ako sa kapitbahay naming kumare nia.
"ate she, ate she si mama..." ako
"bakit si mama mo di ba lumuwas 'yun" ,si ate she, tumatawa pa kasi nanunuod sila nun ng eat bulaga.
"si mama andun sa harap ng cr walang damit." ako
"HA!! anung nakahubad." sabay labas pumunta sa bahay,
"ate she patawag naman, tatawagan ko lang si papa" ako
"cge cge tawagan mo na", Binigay 'yung cp niya sakin, (yung motorola na malaki na may antena)
krrng kringggg...."Helo, mare?" si papa
"papa, c dhel 'to, si mama kasi naabutan ko nasa harap ng cr walang damit" ako
"ha?! bakit anung nangyari?" si papa
"ewan ko akala namin lumuwas, pagdating namin ganun na siya di naman nagsasalita" paliwanag ko
"cge puntahan mo si anty mo sa baba sabihin mo umakyat dyan, uuwi ako mamaya" si papa
binaba na niya..Pagpasok ko ng bahay nasa loob na 'yung mga kapitbahay namin tinulungan si mama saka binihisan, pinahiga sa kama, saka kinakausap.
"ate she, pahiram ng bike puntahan ko lang si anty." ako
kinuha ko yung bike nila at pinuntahan ko si anty sa phase 2. Pagdating ko sa bahay ng anty ko, sinabi ko kaagad kung anung nangyari, noong gabi ding 'yon dinala si mama sa Doctor's Hospital. Nalaman namin na nagakaroon siya ng mild stoke, iniluwas din siya ng Manila the next day para itransfer sa V.luna hospital.
(haist kakauwi lang nmin ni claude galing school nag re-exam ako baka kasi bumutin yung grade qoh eh hindi aqoh makagraduate, graduating na ako this month aspiring civil engineer. ayun imbes magreview kanina nagtatype ako dito....haist pasaway talaga!!)
back to my story..........
hindi qoh na maalala kung gaano katagal si mama sa hospital, nung nkalabas siya patapos na yung elementary life qoh. dun siya inuwi sa bahay namin sa taguig, sa G2 village. Mas malapit kasi yung hospital kung san siya magtetheraphy, naparalyzed yung half body nia di na siya makalakad ng diretso pati magsalita hirap na siya MA at NA lng na paulit ulit yung kaya niyang bigkasin. As for me and my sister naiwan kami sa Cavite kung sino-sino lang nagbabantay sa'min nun kasi nga nasa Manila nakabase si papa tapos si mama nagpapagaling din dun. Nu'ng dumating si lola 'yung mama ni papa siya na yung tumitingin sa'min. Di nga nkapunta sina papa nung recognition day qoh si anty lang yung nagsabit ng mga medals qoh, sheters nag effort pa naman ako para sa mga award qoh. Para kasing ako yung valedictorian ng batch namin kasi ako yung top 1, kaso dadalawa lang naman kasi kaming magkaklase nun, mejo may kamahalan kasi yung school na pinasukan namin nun tapos kami yung pioneer ng grade 6 oh di ba bonnga para lang kaming tutorial. Hindi yun naappreciate ng very unappreciating father qoh kasi ang rason niya alangan patalo aqoh eh dadalawa nga lang kaming magkaklase. pero dumating naman sila nung graduation qoh sa SFACS Bacoor branch yun ginanap kasi nga alangan naman mgraduation kami eh dalawa lang kaming grade 6 tpos 1 lang yung 4th year namin, kaya isinama kami sa Bacoor branch. Naiyak nga ako nun kasi nung kinanta yung grad song namin wala akong kapartner kasi wala naman akong kakilala dun nasa last ako ng pila ng batch nila tpos limahan yung upuna sa row kapilitan ako ang walang partner, Pero okey lang di naman kawalan. Ang importante nakagraduate ako with flying colors hehehe.
(....bukas na ulit naulan walang signal ng wifi dito sa loob eh ...... bukas na ulit ako maguup date... kung may magbabasa nito salasalamat...agyaman nak la unay ssabi sa dialect namin,...)